Thirty Six

45K 970 44
                                    

Nakaupo kami sa may terminal naghihintay na matawag ang flight namin. I was sitting beside daddy who's on a wheelchair.

"Susunod na lang ako after two days. May convention pa kasi akong pupuntahan. Next week pa naman ang schedule ni Kuya sa operation, hindi ba Jamaica?" Tanong ni Tito Matt habang nagtatype ng reminders sa cellphone niya.

"Oo Kuya. Basta sabihan mo lang ako para masundo ka naman namin sa airport." Sagot ni Tita.

May pinaguusapan pa sila. Pero hindi ko na magawang pakinggan at intindihin dahil nakatitig ako sa cellphone na hawak ko. Isang text lang. Isang tawag lang. Chance sige na. Isang paramdam mo lang aalis ako dito at pupuntahan kita.

Hindi ko alam kung idinadasal ko ba iyon o hinihiling. Pero alam kong taimtim kong ibinubulong yun sa sarili ko. Konting oras na lang, aalis na ako. Iniwan ko muna kila Jess ang kompanya. At kung maganda naman ang magiging buhay namin sa US baka hindi na rin ako uuwi. Baka doon ko na lang din palakihin ang anak ko. Kaya naman ng via online ang kompanya.

I opened my eyes when I felt someone holding my hand. Napalingon ako kay dy, nagising na pala siya. "Anak, maya maya matatawag na ang flight natin. Maya maya tatalikuran mo na ang taong mahal mo. Maya maya pagsisisihan mo na lahat ng desisyong ginawa mo ng galit ka."

"Dy." I looked at him with watering eyes.

He cupped my cheeks, rubbing it in the process. "Anak sige na, puntahan mo na siya. Okay lang ako. Uuwi ako ng maayos, promise ni daddy yun. Ilalakad pa kita papunta sa kanya sa altar." Napapikit ako at napakapit sa kamay niyang nasa mukha ko.

I started crying na nakapukaw naman sa atensyon ng mga Tiyahin at Tiyo ko. "Sige na. Madali ka na Amorr Amethyst. Puntahan mo na si Chancellor." Muling udyok ni daddy ng natatawa, pero nakita kong may lumandas na luha mula sa mata niya.

I sniffed before I kissed his hand. "Uuwi ka dito daddy ha. Magkakaapo ka na." Bulong ko sa kanya. Hindi ko alam kung ngayon ba ang tamang oras na sabihin sa kanya ito, pero gusto ko kasing magkaroon siya ng rason na umuwi dito ng magaling na.

I gauged his reaction. Before his face split into a blinding smile. "B-buntis ka?" He asked, astonished. Napatango ako habang nagpupunas ng mga luha ko. "Narinig niyo yun Wilma? Magiging lolo na ako? May sakit lang ako sa puso pero alam kong hindi ako bingi. Tama naman ang pagkakarinig ko diba?" He asked his siblings for confirmation.

Naramdaman ko na may nagpatong ng kamay sa balikat ko, si Tita Jam. "Si Chancellor ang ama?" She asked.

Tinanguan ko lang sila ulit. Nagkatinginan silang apat bago sila sabay-sabay na ngumiti. "Aba'y ano pang ginagawa mo ditong bata ka? Bakit ka ba kasi nakipaghiwalay? Hala sige na! Puntahan mo ang ama ng anak mo! Kami na bahala sa daddy mo." Utos ni Tita Wil.

Napatayo ako at umakap ng mahigpit kay daddy, "Daddy, uuwi ka ha. Paguwi mo at naipanganak ko na ang baby ko magpapakasal na kami." Bulong ko sa kanya kahit alam kong wala akong kasiguraduhan. Pero ipaglalaban ko 'to. Hindi ko na hahayaan katulad ng ginawa ko sa relasyon namin ni Cael. I will fight for this one. Hindi ko basta-basta bibitiwan si Chancellor.

Tumawa lang si daddy habang humihamas sa likuran ng ulo ko. Humalik siya sa pisngi ko, "Oo, hindi ako papayag na hindi ko makikita ang apo ko. Sige na anak, hinihintay ka ng taong mahal mo." Daddy said one last time before I grabbed my purse and started running.

Hindi ko nga alam kung saan ako pupunta. Sa condo ba niya? Opisina? Bahay namin? Saan ba?

Inilabas ko ulit ang cellphone ko at nagsimulang i-dial ang numero ng taong mahal ko. "Subscriber cannot be reached please try again later." Ilang beses kong tinawagan at ilang beses din na yun ang sumagot sa akin.

Saan na ba ako nito? My mind is in chaos. Iniisip kung alin ba ang unang gagawin. Alin ang unang tatawagan. Tatawagan ko ba si Cael para sunduin ako dito at maihatid sa opisina ni Chance? Hindi, baka mas lalo lang kaming mag-away.

Magta-taxi na lang ako. Tumakbo ako ulit palabas ng airport. Tumatakbo habang hinahanap ko ang pitaka ko sa bag ko, hanggang sa may nakabangga sa akin. Bumagsak ako sa sahig sa lakas ng impact nun. Parehas siguro kaming tumatakbo.

"S-sorry miss may hinahabol-"

"C-chance.."

"Love."

Sabay naming sabi habang nagkatingin sa mata ng isa't-isa. Why is he here? Bakit siya tumatakbo? Bakit siya pawis na pawis?

Agad niya akong tinulungan tumayo at inakap ng mahigpit. He's kissing every part of my face, his tears damping my skin. "Sorry. Akala ko nakaalis ka na. Shit. Sorry." He murmured while sniffing and sobbing.

Hindi na ako nakaiyak. Hindi kasi ako makapaniwala na andito siya ngayon. Alam niya bang papunta ako sa kanya? Saka ko napansin na naka-PJs lang siya. Hindi ba siya pumasok sa opisina? Marami akong gustong itanong, pero nagmistulang may sariling isip ang bibig ko at hindi ako makapagsalita.

Then he knelt infront of me. Nakakuha na kami ng atensyon sa airport. He was on his two knees right infront of me. "Wag ka ng umalis. Please, wag mo akong iwan. Wala akong pake kung sino ang tatay niyang dinadala mo. Anak ko yan, aakuin ko, papanagutan ko. Wala akong pake Love, mahal kita. Please stay. I love you. Please stay." He said while looking up at me. His eyes burning with sincerity and passion. His voice pleading.

May mga tao ng naglalabas ng kani-kanilang gadget at pinipicturan ang nangyayari. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kaya umupo na lang ako sa harap niya. Nanlaki ang mata niya ng ginawa ko yun. Para kaming sira, alam kong konting konti na lang masusuway na kami ng gwardiya.

I took his hands and trapped it in between mine. "I love you too mahal. Hindi kita kayang iwan. I love you. I love you." I murmured back, crying.

His eyes brighten up, making my insides go on a rampage. This is the man I want. This is the man I love. I may have done stupid decisions from the past, ngayon hindi ko na hahayaang madagdagan pa iyon.

He caressed both of my cheeks before he leaned down for a kiss. His mouth, his taste, I missed! Lahat lahat ng kaya niyang iparamdam sa akin sa mga halik niya naramdaman ko. We are both crying as we collide in one monumental kiss. This is home. I am home.

Stonehearts 2: AmethystTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon