Twenty One

50.3K 1K 34
                                    

Nasa restaurant na si Cynthia when I arrived. She actually reached me and said na kailangan daw naming magusap. Natatakot nga ako. Hindi ko nga alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para harapin siya.


Though Chance said dati pa na si Cynthia ang nakipaghiwalay. Still, mali pa rin ang ginawa naming dalawa si Chance. I gulped before I approached her. "Ate Amy!" She still has that cheeky smile. Tumayo siya para halikan ako sa pisngi.


"Cynthia." Bulong ko, trying so hard to give back the warm smile she has.


"Ate upo ka please. Antagal nating hindi nagkausap. Ang dami ko pa man ding kwento sa iyo!" Bakit ganoon? Is she playing tricks on me? Pero mukha namang sincere ang mga sinasabi niya sa akin.


Lumapit na ang waiter sa amin at nagabot ng menu. "Ate anong gusto mong kainin?" She asked, her attention drawn on the board she was holding.


"Cynthia, sorry." I muttered. Nagtaas siya agad ng tingin, sinenyasan niya ang waiter na umalis at bumalik na lang mamaya.


Pinatong niya ang kamay niya sa kamay kong nasa mesa. "Ate, you actually did me a favour. Ako nga dapat mag-sorry sa iyo because now you have that dork in your life." Natatawang aniya.


"H-hindi ka galit?" Hindi pa rin kasi ako makapaniwala. Akala ko kasi pinapagaan lang ni Chance ang loob ko nung sinabi niya na masaya naman si Cynthia ng naghiwalay sila. But now that she's sitting infront of me smiling, saka lang nagsi-sink in sa akin ang lahat.


Umiling lang siya, inilapit niya ang upuan niya sa mesa. She bent down, napagaya ako sa kanya. "Ate I have a secret to tell you. But promise me sa ating dalawa lang ito. Wala pang nakakaalam na kahit na sino." Napatango ako kahit na may alinlangan ako. Natatakot kasi ako na kung anong sikreto ba ito.


"I'm a lesbian." I gaped at her as my jaw dropped open. Ngiting-ngit pa siya nung sinabi niya sa akin, pero namula ang mga pisngi niya. She's a lesbian. This beautiful lady sitting across me is a lesbian.


Saka ko naaalala yung mga kwento niya sa akin, how she enjoys the female company. Akala ko dahil lumaki lang siya ng walang kinikilalang ate, because she has three older brothers. Then when I asked her about her preferences in men, sabi niya nahihiya siyang sabihin sabay palit ng topic.


"Uy Ate magsalita ka naman! Baka naman maging weird ka sa akin nito." She said in an antsy manner. Then I laughed, kaya pala kahit na anong gawin ko hinding-hindi niya magugustuhan si Chance. Kasi parehas sila ng gusto.


I wiped the baby tears that clouded my eyes. "Hindi ah. Ngayon ko lang kasi na-realize ang mga bagay-bagay. Kailan mo pa alam na lesbian ka?"


She shrugged her shoulders. "I don't know. Pero ang alam ko takot akong sabihin kay dad. Magagalit yun for sure, nag-iisa niya akong anak na babae tapos tomboy pa. And you know my dad, importante sa kanya ang sasabihin ng ibang tao." Napatango ako, then her eyes suddenly shot up. "Ay oh my god! Ate sana wag mong isipin na may gusto ako sa iyo ha! Extremely plantonic ang feelings ko para sa iyo." She said in a defensive manner.

Stonehearts 2: AmethystTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon