Prologue

103K 1.6K 66
                                    

Love.

When you hear it what pops inside your head? When you ask me, I see children running to me and calling me mommy. I see a husband coming home to me everyday. I see countless Christmas holidays, endless summer getaways, boundless togertherness. But did you ever took time and think about it? No one dared to ask why love? Why of all the things that can be craved for, why do we always hanker for love? It's not even a biological necessity. We could live without love. But somehow it is engraved into our mind and soul that to be able to functional well, we are obliged to have someone that could make us feel loved.

"Thank you so much Amethyst!" Tugon ni Sarah sabay akap sa akin. Teary-eyed yet still beautiful. I hugged her back, "Kung wala ka hindi mangyayari 'to. Thank you, thank you!"
I extended my arms and encorcled it on her shoulders. "No Sarah. I'm just a boost in your relationship. Kayo ni Jeff ang may gawa niyan." I replied with a smile. Mas lalo siyang naiyak kaya inakap niya ako ulit.
"I was looking for you." Napalingon kaming dalawa saka namin nakita si Jeff na papalapit na sa amin. Looking equally dashing in his wedding suit. Napakalas sa pagkakaakap sa akin ni Sarah at kumapit sa boyfriend niya dati na asawa na niya ngayon. "Why are you crying?" Tanong niya sabay punas sa mga luha ng napakaganda niyang asawa.
"These are tears of joy. Nagpapasalamat lang ako kay Amy, kung hindi dahil sa kanya hindi tayo hahantong sa dito." I can't helped but to smile at them. I tapped their intertwined hands. "No, don't thank me, kayo talaga ang may gawa niyan."

The evening was full of joy and bliss. Pero maaga akong nagpaalam umuwi dahil walang kasama si daddy sa bahay. I was hailing a cab nang tumawag siya sakin, "Dy?"

"Love anak, kumain ka na ba? Nagluto ako ng paborito mong pinakbet." He has the habit of calling me Love dahil sa pangalan kong Amorr (amor). Dati gustong gusto kong gamitin 'yon, pero nang iniwan na kami ni mommy na nagpangalan sakin no'n halos makalimutan ko nang may first name pa pala ako bago ang Amethyst.

"Hindi pa po dy pero pauwi naman na ako." Sagot ko. Hindi ko rin paborito ang pinakbet. Si mommy ang may paborito doon. When mom left, dy got into a shock. Up until now, fragments of his destructive marriage with mom still haunts him.

He was patiently waiting for me sa dining room ng bahay. Nakahanda na rin ang hapag, I kissed the top of his head. "Dapat hindi mo na ako hinintay dy." Ani ko sabay upo sa tabi niya. Busog pa din kasi ako dahil sa reception ng kasal ni Jeff at Sarah pero ayoko rin namang biguin ang high spirits ni daddy.

"Gusto kong sabay tayo kakain Love eh. Paborito mo 'to diba?" Sabi niya sabay lagay ng pagkain sa plato ko. I smiled at him, "Yes dy, paborito ko ito."

Ten o' clock ng inihatid ko si daddy sa kwarto niya. I pulled the covers to him as I instruct him to go to sleep, "Pero Love hindi ka pa tapos kumain." Tugon niya.

"Okay na dy. Sige na kailangan mo ng matulog, sabi ng doctor bawal ka magpuyat." I said as I kissed his forehead goodnight. He beamed back at me, "Salamat talaga sa Diyos dahil hindi ka kinuha ni Aurora ng iniwan niya ako. Ikaw na lang ang natitirang alaala niya sa'kin." Bulong niya bago siya pumikit.

Nagpigil ako ng luha hanggang sa nakalabas ako ng kwarto niya. Napatakip ako ng bibig. Araw-araw nahihirapan ang sarili kong tatay mag-move on dahil sa akin. Dahil kamukha ako ang asawa niyang iniwan lang siya para sa ibang tao. Araw-araw nakikita niya sa akin si mommy na sinaktan lang naman siya. I hate seeing him and hearing him say things like this but I can't do anything. I am the my most hated memory left by my mom.

"Dy 'wag mong kalimutang uminom ng gamot habang nasa trabaho ako. Tatawagan kita mamaya. Love you. Una na ako." I said as I pick up my bag the next morning. Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa balikat niya.

"Love uuwi ka naman 'diba?" Everyday na umaalis ako tinatanong ako ni daddy ng ganito. "Yes dy uuwi ako. Don't worry." I replied as I kissed him in the forehead again. Hindi kita iiwan ng basta-basta tulad ng ginawa ng asawa mo sa iyo.

I stride by my office at 8 in the morning. "Goodmorning Miss Amy!" Bati nila sa akin. I greeted them back one by one. Monday na Monday ang feeling ngayon dahil busy ang lahat umaga pa lang. Sinundan ako ng sekretarya ko ng nakapasok na ako sa loob ng opisina ko. She put a Venti White Mocha on top of my table. "Mukhang busy ang lahat Jess ha." Tugon ko as I settle on my small, comfy office.

"Oo nga po Ma'am e. Daming tawag ngayon, pataas ng pataas ang number ng customers natin." I smiled on that thought. "Ito po pala ang invites niyo sa kasal ng recent customers natin Miss Amy. RSVP 'yong iba po, sabihan niyo na lang ako Ma'am kung alin ang mapupuntahan niyo." Sabi niya sabay labas ng opisina ko.

I sat down and took a sip of my drink saka ko tinignan isa-isa ang mga wedding invitation na pinadala dito. At least, alam kong hindi lahat ng tao bigo sa pag-ibig. Alam kong may naisasalba akong relasyon kahit na hindi ko naisalba ung akin at ang sa magulang ko.

Maliit palang naman ang kompanya ko. Wala pa din naman kaming isang taon, humigit kumulang na 70 lang na tao ang nagtratrabaho sa akin. 'Yung funds na ginamit ko dito ay ang ipon ko sa pagiging Couple Psychiatrist ko noon. Kasi nang iniwan kasi ako ng boyfriend ko hindi ko na kayang ipagpatuloy pa. Paano kasi ako makakatulong sa mga magkasintahan kung ang relasyon ko mismo basura? I stopped working for 4 months and sulked at my room, I remember daddy telling me na pati ba naman daw ang kamalasan niya sa larangan ng pag-ibig namana ko. Para lang bato na pumukpok sa ulo ko ang ideyang ito. I vowed my whole life for this. Ayoko ng makakita pa ng isang luhaang puso. Because everyone can be happy. Lahat ng bagay naaayos.

Lumabas ako at lahat ng tao nakatungo at busy sa kanya kanya nilang trabaho. I sat by a cubicle kung saan may teleponong tumutunog na walang sumasagot. Naunahan ko ang isa kong empleyado, "Miss Amy ako na po." Tugon niya.

I just shook my head and smiled at her. "Hi this is Amethyst, you are calling Love Line. How can I assist you?"

Stonehearts 2: AmethystTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon