71

1.9K 59 0
                                    

Coleen

"Sweetheart?" Tawag ko sa kanya habang busy syang nagdadrive para ihatid ako.

"Hmm?"

"Sino si Claire para sayo?"

"Ha? Sinong Claire? Yung pinsan ni Third? Wala wala"

"Pwede mo naman sabihin yung totoo sweetheart. Magsisinungaling ka pa ba sakin?"

"Hays. Wag kang magseselos ha? Ex ko sya" parang may kumirot sa puso ko nang malaman ko yun. Ex? Kaya pala ganun sila. May past nga talaga sila.

"Oh, bakit natahimik ka? Sabi ko wag kang magseselos eh"

"May nararamdaman ka pa ba para sa kanya?"

"Para kang baliw sweetheart. Syempre wala na. Ikaw na yung mahal ko" hindi na ako sumagot at pumikit nalang. Sana makatulog ako at makarating agad sa bahay. Ayokong dumilat dahil ang awkward pagusapan ng EX nya.

Maya maya ay biglang nagring yung phone nya at nagring din yung sakin tanda na wala ni isa samin ang tumatawag. Dumilat ako at nakita syang pinatay yung tawag sa cellphone nyang may pangalan na claire...

Ako naman ang tumingin sa phone ko at nakita yung tumatawag.

Di ko kilala calling...

Bwisit. Sasagutin ko ba o ano?

"Sagutin mo na. Sino ba yan? Ako sasagot"

"Wag na wag na. Ako na" sabi ko at sinagot yung tawag. Hindi ako nagsalita at nakinig lang sa mga sinasabi niya.

"Nakita kita kanina. Alam mo pareho pala tayo ng way? Kasama mo pa nga boyfriend mo eh. Pero di kita sinusundan dahil pauwi ako sa bahay namin. Kasama mo pa nga yung kaibigan mo kanina sa mall? Ang cute mo habang naiinis hahaha. Yun lang goodnight"

Lumingon ako sa likod para tingnan kung may kotse pero wala naman.

"Sino yun? Sino tinitingnan mo jan?"

"Wala wala."

"May tinatago ka ba sakin?" Tanong nya at nagpabagal ng sasakyan.

"Wala. May dapat ba akong itago sayo?"

"Eh bakit ayaw mong sabihin at tumitingin ka pa sa likod?"

"Sige na nga. Kaibigan ko sya. Sabi niya, nakita nya ako na kasama ko boyfriend ko at ikaw yun kaya tumingin ako sa likod na baka nanjan ang sasakyan nya. Okay ka na?" Buti pa ako.. hindi kayang magsinungaling sayo.

"Sinong kaibigan? Babae o lalaki?" Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Anong sasabihin ko? Ayokong mag-away kaming dalawa. Ayokong magselos sya.

"Babae." Sabi ko at tumango. Ngayon alam ko na. Alam ko na kung bakit nagsisinungaling sila. Kasi ayaw din nilang mag-away kami. Umiiwas na sila sa gulo. Mahirap pala. Mahirap din palang magsinungaling.


Pagdating namin sa bahay, lumabas sya at pinagbuksan ako nang pinto saka humalik sakin.

"I love you sweetheart, goodnight" sabi niya kaya ngumiti ako.

"I love you din, sweetheart. Goodnight" pumasok ako sa loob at nang masara ko na yung pinto, napahawak ako sa dibdib ko. Binabato ako ng konsensya ko. Maling magsinungaling.



Lumabas ako para tingnan sya at sabihin ang totoo pero nakaalis na agad sya. Nakokonsensya ako. Kung kaya nyang magsinungaling, ako hindi.


"Oh anak, matulog kana at may pasok ka pa bukas" sabi ni daddy na nasa kitchen na nadaanan ko.

"Opo. Goodnight dy"

××

"Cols! Ano tong sinasabi ni Keㅡ" natakpan ko nang wala sa oras yung bibig ni Anj nang isisigaw nya yung kinwento ko kanina kay Kelly yung sa tumawag kagabi. Hello, nandito kaya yung mga lalaki



"Don't touch my girl" sabi ni Troy na kinuha pa si Anj sakin. Arte kala mo naman.. joke


"Arte mo pre. As if namang ipapahawak ko girlfriend ko." Sabi ni Kai at hinila naman ako.

"Oh wala pa si Nadz? Himala" sabi ni Kiefer na nagaantay kaya palingon lingon kami maging si Third.

"Hindi daw sya makakasama satin. Di nya sinabi kung bakit" sabi ni Anj kaya kumain na kami.



"Sge pre, una na ako." Sabi ni Third at di manlang nagpaalam samin. Ay, ganun?

"Baby?" Senyas ni Anj at tumango si Troy kaya umalis din si Anj para sundan si Third.



"Kelan kaya maaayos talaga tong grupo na to?" Naiistress na sabi ni Kiefer habang sinusubuan ni Kelly.

"Arte nyong dalawa. Lumayo kaya kayo" sabi naman ni Kai.


"Lagi nalang tayong nagaasaran kasi. Kaya tuloy nagkakawatak watak eh" sabi ni Kelly.

"Gaga, anong connect nun aber?" Tanong ko naman.


"Oh, baka kayo naman ang magsagutan nyan"


"Kanta nalang tayo bhie."

"Anong kakantahin natin?"


"Hi Kai! Nakita mo si Third?" Napatingin kami babaeng lumapit kaya nag-init agad yung ulo ko. Ang landi!


"Wala, umalis" malamig na sabi ni Troy kay Claire.


"Hi guys, nanjan pala kayo. Thank you Kai, see you around. Tara na Gail"

Gone (Campus Queens 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon