24

2.2K 79 0
                                    

Nadz

"Nadz! Tara sa stage! Nagpeperform yung kaibigan mo!" Dali dali akong nagligpit ng gamit at nagmamadaling magpunta sa may stage.

"Tara na ang bagal mo!" Sabi niya at binuhat yung gamit ko at hinawakan yung kamay ko saka tumakbo. Dala ko kasi yung ibang chocolates!

"Ayan na, si.. si.. anong pangalan nya?"

"Si Kiefer!" Ayun, sumasayaw sya at nakikita ko si Kelly sa backstage at kumaway kaway ako.

Napansin ko na hawak pa din ni Renji yung kamay ko kaya may naalala ako.


Flashback

"May lagnat pa din ba si Renji?" Tanong ng mama nya.

"Opo eh"

"Nako, iba yan magkalagnat. Hindi mo na sya kailangan bantayan kasi baka hanggang bukas pa yan. Ipahatid na kita?"

"Okay lang po tita. Mamaya nalang po" sabi ko at tumango si tita saka lumabas. Natatawa ako pag may lagnat si Renji. Yung pula ng mukha nya na parang natatae ganun.

"Dangsineun areumdapda" sabi niya habang nakatingin sakin kaya nailang ako. Hindi ko alam yung sinasabi niya. Kaiyak.

End of flashback

Buti nalang at mejo natatandaan ko pa kaya itatanong ko nalang kay Kelly mamaya.

"Wooohh Kiefer!!!" Sigaw ko sabay palakpak nang matapos yung sayaw nya.

"KELLY YEUN! KELLY YEUN! KELLY YEUN!" nakisabay ako sa mga nagsisigawan para kay Kelly. May ka duet pala sya?


"Umiiyak ka na naman
Langya talaga, wala ka bang ibang alam
Namumugtong mga mata
Kailan pa ba kaya ikaw magsasawa

Sa problema na iyong pinapasan
Hatid sayo ng boyfriend mong hindi mo maintindihan
May kwento kang pandrama na naman

Parang pang TV na walang katapusan
Hanggang kailan ka bang ganyan
Hindi mo ba alam na walang pupuntahan
Ang pagtiyaga mo dyan sa boyfriend mong tanga
Na wala nang ginagawa kundi ang paluhain ka

Sa libu-libong pagkakataon na tayoy nag-kasama
Iilang ulit palang kitang makitang masaya
Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya
Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong
Tunay na halaga

Hindi na dapat pag-usapan pa
Nagpapagod na rin ako sa aking kakasalita
Hindi ka rin naman nakikinig
Kahit sobrang pagod na ang aking bibig

Sa mga payo kong di mo pinapansin
Akala mo'y nakikinig di rin naman tatanggapin
Ayoko nang isipin pa
Di ko alam ba't di mo makayanan na iwanan sya

Ang dami-dami naman diyang iba
Wag kang mangangambang baka wala ka nang ibang Makita
Na lalake na magmahal sayo
At hinding hindi nya sasayangin ang pag-ibig mo

Sa libu-libong pagkakataon na tayoy nag-kasama
Iilang ulit palang kitang makitang masaya
Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya
Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong
Tunay na halaga

Minsan hindi ko maintindihan
Parang ang buhay natin ay napagti-tripan
Medyo Malabo yata ang mundo
Binabasura ng iba ang siyang pinapangarap ko

Sa libu-libong pagkakataon na tayoy nag-kasama
Iilang ulit palang kitang makitang masaya
Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya
Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong
Tunay na halaga"


Damang dama yung kanta nila Kelly. Nakakainis nga namang isipin yun...

Nagulat ako nang may humila sakin at dinala ako kung saan.


"Aray ko naman masakit!"


"Nadz mahal na mahal kita.." biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang yakapin nya ko. Seryoso ba to? Sya ba talaga to? Anong irereact ko?




"ngayon ko lang narealize, hindi kita kayang mawala, Nadz. Sorry"





"Third.."


"Sana hindi pa ako huli. Nadz sabihin mong mahal mo pa din ako"



"Mahal pa din kita, Third"


"Mahal mo pa din ako?! Seryoso ba yan?! Uy Nadz totoo?!" MaOA nyang react. Feeling ko tuloy ang haba ng hair ko na hinahabol ako ng taong dati ko lang hinahabol. Charot!

"Oo na."


"So, tayo na ulit?"


"Grabe, wala pa ngang isang linggo tong break up natin" sabi ko sa kanya ng natatawa.



"Mahirap na, nafafall ka sa tao ng wala pang isang linggo eh. Tapos may pagtingin pa sayo yung Renji na yun"


"Pagtingin ka jan? Magkaibigan lang kami nun"

"I love you Nadz"

"I love you din, Third. Tara balik na tayo dun" sabi ko. Hinawakan nya ang kamay ko at pabalik na kami nang may makita akong postura ng lalaking nakatayo sa malayo. Masama pa ang tingin nya samin.. o sakin?


"Nadz? Bakit natulala ka jan?"

"Y-Yung lalaki.. masama ang tingin nya sakin" sabi ko kaya tumingin sya dun sa direksyon pero umalis na yung lalaki.

"Ha? Wala naman eh"

"Meron talaga! Kanina! Feeling ko talaga.."


"Wag kang mag-alala, safe ka naman pagkasama mo ako. Anong feeling mo?"


"Feeling ko... sya yung masama ang tingin saming tatlo nila Coleen habang natutulog kami. Si Kelly ang nakakita"


"Ha? Bakit di mo sinabi?! Kailangan nating mapagusapan yan"


Tinapos namin yung show at nagpa-alam na ako kay Renji. Alam nya na siguro na kami na ni Third ulit kasi sinabi niya,


"Pagsinaktan ka nya, nandito lang ako bilang kaibigan mo" see? We're just friends.

"Kelly!"

"Ow?"

"Ano nga palang ibig sabihin ng...Dangsineun areumdapda?"

"Si Renji ba nagsabi sayo nyan? Hinahanap kita kanina sa kanya. Sandali lang ha, hintayin na natin si bhie para sabay sabay pumunta sa inyo" sabi ni Kelly. Nakabalik na si Third, Troy at Angeli at magkakasama kaming uuwi. Sila Kuya, Coleen at Kie nalang ang inaantay.


"Sabihin mo lang ibig sabihin nun."

"You're beautiful"


"Alam ko." Sagot ko sa kanya. Kailangan pa bang sabihin? Kahit ang simple ko na, alam ko pa din yun.


"Gaga. Yung ibig sabihin ng Dangsineun areumdapda, you're beautiful"

"Seryoso?"

"Uhuh"


Ibig sabihin... bakit ko ba kasi hindi naiintindihan?!?!

Gone (Campus Queens 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon