58

1.8K 66 0
                                    

Kiefer

"Ano ba bhie! Hindi mo pa ako sinasagot eh!" Natawa ako sa reaksyon nya na nangungulit.


"Ako na nga magkekwento Kelly. Mukhang ayaw talaga ni Kiefer eh. So, ganito yun. Nung nagjollibee kami, natulala sya bigla at may tinitingnan na papel. Tapos, inaway nya ko. Tinanong nya kung sino daw ba talaga sya. Ayun, sinabi kong si Kiefer sya at sinamahan ko sya papunta kila Troy"






"Tapos ayun! Nagtanong kung sino sino daw kami at kinwento naman namin yung mga nangyari. Sinabi namin na ikaw si Kelly."






"Kelly... nasaan ako? Nasaan si Kelly?"




"King! Gising kana! Kelly? Anong Kelly? Isang buwan ka lang natulog Kelly na nasa isip mo? Si Yhellie ang girlfriend mo, King. Si Yhellie."




"Mommy.. Kelly talaga yun. Si Kelly ang girlfriend ko pero hindi ko maalala yung mukha nya."



"Hays. Yhellie ang pangalan nya. Ano ba! Nasasaktan mo na si Yhellie!"




Ano ba yung pumapasok sa isip ko? Bakit Kelly ang naririnig ko sa panaginip ko? Sino sya? Bakit wala akong maalala kundi ang mga magulang ko lang?





"King siguro sa pagkakaopera mo yan. Magpahinga ka muna. Babantayan ka ni Yhellie" sabi ni mommy kaya ngumiti sakin si Yhellie. Hindi yun yung ngiti ng babaeng nasa panaginip ko. Ibang iba eh. May hinahanap akong ngiti.





"Shit. Kailangan kong kausapin sila mommy"



"Wag Kiefer. Wag ka munang umalis." Sabi ni Yong na kakapasok lang ng bahay nila Nadz.



"Bakit kuya?" -yhellie


"Nakatakas yung lalaki. Hindi pa din nahuhuli kaya wag muna kayong umalis. Yhellie matulog kana at magpahinga"




"Oo nga. Magpahinga na kayo. Bababa lang kami" sabi ni Kai kaya tumango rin ako. Tabi tabi silang naglatag ng higaan at humiga na yung mga babae. Ano nga mga pangalan nila?


Si Yhellie, Nadz, Coleen, Kaya, Angeli at si Kelly.. Kelly Yeun.




"Bhie hindi ako matutulog. Sasama ako sa inyo"


"Matulog ka na. Bukas nalang ulit tayo magusap. I love you" lumapit ako sa kanya at hinalikan yung noo nya. Pagkatapos nun, pinaharap nya ulit ako sa kanya at hinalikan.




"Kaya naman pala naaadik ako sayo eh." Humiga na sya at pumikit kaya bumaba na rin ako.




"Ayan na si Kie. Inuman tayo?" Tanong ni Third kaya umiling ako.


"Hindi ako umiinom"



"Lul Kie wag kami." Sabi ni Troy.



"Hindi rin ako umiinom eh" sabi ni Renji.



"Napakagoodboy mo Renji. Anong gagawin natin?" Sabi ni Kai.



"Salamat na rin sa inyo ha. Kung di dahil sa inyo, hindi sana namin malalaman yung nangyari kala Coleen" dugtong nya kaya tumango tango ako




"Kilala ko ang kapatid ko. Kahit naman naspoiled yun, hindi nya kayang magalit at mangtraydor sa kaibigan nya." -yong





"I know that too. Yhellie is such a good person." -Renji



"Bakit ganyan ka magsalita? May gusto ka sa kapatid ko?"



"Bakit kung ano ngayon kung meron?"



"Mas maganda yan Renji. Kay Yhellie ka nalang." Tumatango tangong sabi ni Third. Hindi ko sila magets eh. Marami pa silang hindi nakekwento.





"Buti pa si Coleen at Kai no? Stay strong mga pare" sabi ko kahit di ko alam kung nagbreak na ba sila o hindi. Memasabi lang talaga ako.



"Si Hans din at Kaya. Hindi ko inakala na magiging sila eh. Diba Hans?" Tanong ni kai kaya tumingin kami kay Hans pero natutulog na kaya pinagtawanan namin si Kai.





"Pahiya ka gago" -Troy.




Tumayo si Kai para pagbuksan yung kumakatok sa pinto at nandito na ata yung papa at mama nya tska yung kapatid nila.



"Nahuli na yung lalaki. Hindi na sya makakalaya dun. Buti ligtas kayo. Nasaan na sila Nadz?" Sabi ng mama nya kaya tumayo kami para batiin.



"Kiefer? Teka... namamalik mata ba ko?" Tanong ni tito kaya natawa sila Kai.



"Opo. Multo po nya yan" sabi ni Troy



"Debale na. Magpapahinga na kami ha? Anong oras na at matulog na rin kayo"



"Opo tito."





Gone (Campus Queens 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon