45

1.9K 58 0
                                    

Kelly

"Kelly Yeun. Nandito kanina yung mommy mo at kinausap ako." Sabi ni mam habang nagsusulat ng attendance pero hindi ko sya pinakinggan at nakinig ng music. Tatanungin nya lang naman ako kung desisdido na ako at kung hindi na ba ako mapipigilan.

Well, sino pa ba pipigil sakin? I have no one.

And si Coleen? 3 na syang hindi pumapasok. Malamang ganun din sila Nadz and that's my fault. Ako naman ang dahilan kung bakit nasira kami.

Pagkabell na pagkabell, bumaba na ako para bumili ng pagkain. Pinagmasdan ko yung canteen. Malapit na akong umalis dito. For sure mamimiss ko to.

"Kelly" lumingon ako para tingnan kung sino yung tumawag sakin.

"Aalis ka na talaga?"

"Wala kang pake dun okay?" Sabi ko at naglakad na ulit.

"Wag kana umalis."

Pinapahinto nya talaga ako no? Well, effective.

"Pinipigilan mo ba ako? Sa tingin mo naman mapipigilan mo ko?"

Umalis na ako dun pagtapos bumili ng sandwich ay nagpunta ako sa likod ng tourism building at dun kumain. Ayoko nang makakita ng taong may koneksyon sakin.


Habang kumakain ako, biglang may lumapit saking lalaki kaya nanlaki ang mata ko.

Sya yung... sya yung lalaki na masama ang tingin samin..

Hinawakan nya yung mukha ko at diniinan nya.

"A-Ano ba-- m-masakit!"

"Hindi ka makakaalis. Kung inaakala mo, makakatakas kayo, hindi mangyayari yun.. hindi pa kami nakakaganti sa inyo"

"B-bitawan mo ko!"

"Mamamatay muna kayo.."

Bago ko sya sipain, naglakad na sya ng mabilis. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Anong gaganti? Sino ba sya? Ay mali... sino ba sila?"

"Uy! Sino kausap mo jan?!"

"Kris! Nakakagulat ka naman!"

"Anong iniisip mo? Ikaw nga, Krissa ang pangalan ko! Ginagawa mong lalaki pangalan ko eh. So, sino kausap mo? Baliw kana?"


"W-Wala to.."

"Nasaan nga pala si Coleen? Wala tuloy mautusan mga teacher natin"

Ha? Anong mautsan?

"Anong mautusan? Ginawa mo namang alila si Coleen"

"Hahaha joke lang. Ito naman. Sige una na ako sa class ko" sabi niya at umalis. Mukha ba akong natutuwa sa joke nya? May sapak.


××

"Sigurado ka na ba? Bukas ka na agad ng gabi aalis? Eh sabi mo.. sabi mo next month?" Tanong ni mommy. Paulit ulit si mommy!

"May nag death threat nga sakin mommy! Kanina sa school! Hindi nya daw ako hahayaang umalis at papatayin nya muna kami!"


"Kaya nga! Baka mas mapaaga din pagkawala mo nyan! Sino ba yun at irereklamo natin sa principal!"


"Mommy naman eh!"


"Wag ka munang umalis kasi! Alam kong hindi ka na babalik!"

"Syempre dun na ako mag-aaral! Pwera nalang.... pwera nalang pag may nagbalita sakin na buhay pala si Kiefer.. babalik at babalik talaga ako"

"Kelly, imposible naman yang sinasabi mo"

"Then no choice my. Hindi ako babalik unless emergency."


"Kahit pigilan ka ng mga kaibigan mo? Itutuloy mo pa din pag-alis mo?"

As if.. as if tumutol sila.

"Pag si Kiefer po pwede pa. Hehe"

"Nako kang bata ka! Sana nga pigilan ka ni Kiefer. Sasabihin ko bukas na magpakita multo nya sayo" ngumiti lang ako kay mommy at niyakap nya ko. Nalulungkot nanaman ako.

"Sige mommy. Pagnagawa mo yan, hinding hindi ako aalis dito. Never. Mommy sana nangyayari talaga yun no? Kasi miss na miss ko na sya. Miss ko na yung mukha nya"


"Shhh.. dont cry Kelly. Makakamove on ka din. Makakahanap ka din nang para sayo. Malay mo, si Yong pala yun" bigla kong pinunasan yung luha ko at tumingin kay mommy.



"How did you know about Yong?!"


"May sinabi ba akong Yong?"

"Mommy? Anong alam nyo?"


"Hays.. lagi ka nyang binibisita dito. Tinatanong kung okay ka na. Gustong gusto nya na daw mapatawad mo sya."



"Mommy sa susunod, wag ka nang lalapit dun. M-malay mo kayo naman yung may mangyaring masama. Wag kayong lalapit dun"


"Grabe ka naman anak. Sinabi nya naman sakin na mahal ka nya dati pa. Bakit.. bakit hindi nalang sya?"


"Mommy.. si Kiefer ba sya? Hindi naman diba?"


"Anak.. imposible naman kasi yan."

"Then it's impossible for me to fall in love again!"


"Don't be harsh to yourself, Kelly Yeun. Makakahanap at makakahanap ka din ng bago. Malay mo, kaugali ni Kiefer! Or kamukha, or kapangalan! Hindi naman natin napepredict yung mangyayari"




"Mommy, thanks for everything. Gusto ko lang baguhin yun"

Gone (Campus Queens 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon