5

3K 106 6
                                    

Angeli's POV

"Bitawan mo ko, Troy." Pilit kong kinuha sa kanya yung kamay ko pero mas hinila nya pa ako pabalik sa bahay nila.

"Ano ba Troy?! Okay na! Tanggap ko na! Wag mo nang ipamukha! Bwisit ka! Sinungaling!"

"Tumigil ka nga muna please? Tara pumasok tayo sa loob"

Hinila nya lang ako papasok hanggang sa nakita ko na yung babae na katabi ng mama nya. Ah, so, legal sila? Ano? Arrange marriage sila?

"Ate magsorry ka kaya" napahinto ako sa pagiyak ng sabihin nya yung word na 'ate'

"Sorey Angeli, niloloko lang naman talaga kita. Nga pala, im Casey. Troy's cousin" nakatitig lang ako sa kanya kahit na nanjan na yung kamay nya para makipagshake hands.

"Angeli?"

"A-Angeli"

"I know. Yeah, alam ko namang mahal ka nito ni Troy kahit nagtatampo sya kasi Troy tawag mo sa kanya kanina t-"

"Ate! Umakyat ka na kaya dun!" Ahh.... dahil pala dun.... bwisit ka Angeli......... hindi ka nagiisip....

"Nako iha, pagpasensyahan mo na si Casey at Troy ha."

"Okay lang po tita" ngumiti sakin si tita saka umakyat samantalang si Troy ay naiwan.

"Baby sorry na talaga. Inantok lang talaga ako."

"Alam ko. Kasalanan ko naman Troy. Sorry"

"Hindi, wala kang kasalanan"

"Dahil lang pala hindi kita tinawag na baby kaya ka nagtampo. Nataranta kasi ako na baka galit kana kasi di ko nasagot"


"Paulit ulit halika nga" hinawakan nya yung kamay ko saka pinayakap sa kanya. Mga 3 minuto lang kaming ganung magkayakap.


"Okay na akong nakita kita. Tara ihahatid na kita" tumango ako sa kanya at lumabas na kami para maglakad pauwi. Gusto nya daw kasing maglakad.

"Natapos mo ba yung assignment mo ng maayos?"

"Oo naman. Ako pa ba?"

"Good. Kaya mahal kita eh" feeling ko namula yung mukha ko kahit gabing gabi na. Hindi ko tuloy madadahilan yung init.

"Ikaw ano bang ginawa mo nung tumatawag ka?"

"Nakahiga na ako nun. Wala naman kasi kaming gagawin kaso inantok ako kakatawag sayo"

"Ahhhh kaya pala. Natutulog kana pala talaga"

"Yeah. Pasok kana baby." Yumakap ulit ako sa kanya bago pumasok.

"Goodnight baby"

"Goodnight din baby.." pumasok na ako sa loob at nagpunta sa kwarto ko ng nakangiti. Finally, nagkaayos din kami.

××


"Seryoso ginawa nyo yun?" Tanong ni Nadz na natatawa pa kaya tumango ako. Finally nagkasama kami ni Nadz dahil wala na syang prof at diretso na yung hanggang uwian.

"Oo nga. Hindi din kasi ako mapakali nun" sabi ko. Sakto namang nakita na namin sila Kai na papalapit sa table namin.

"Ayan na sila Kai" lumingon sya dun at ngumiti agad sa kanya si Kai. Pagdating, pinat pa niya yung buhok ni Nadz.

"Wala kang klase?"

"Meeting ng profs sa business subject."

"Hi Nadz" umakbay agad si Third kay Nadz kaya namula naman tong si Nadz. Nakakatuwa lang dito, kahit ang tagal na nila kilig na kilig pa din sya sa ginagawa ni Third.


"Hoy Third tanggalin mo yang kamay mo" sabi ni Kai pero hindi yung ginawa ni Third syempre.

"Baby" tumingin ako sa kanya at ngumiti tapos umupo sya sa tabi ko.


"Ano kakainin nyo? Kami na bibili ni Kai. Nakakahiya naman sa inyo eh" sabi ni Kiefer kaya binigay na namin yung mga oorderin namin at sila na lahat magdadala nun.

"Teka... sila Kelly ba yun?" Tanong ni Troy sa tabi ko kaya nilinawan ko yung mata ko at sila nga.


"KELLY!" masaya silang lumapit sa table at buti nalang malaki tong naupuan namin which is bagay samin. Simula first year dito na kami naupo. Sumasakto kasing walang tao.


"Walang klase?" Tanong agad ni Troy pagpunta. Si Coleen naman hinanap agad si Kai at nagpabili na din sya.


"Wala. Di pa naaayos yung schedule sa ibang ituturong langguage. Tinanong naman kami kung gusto namin nihonggo muna ulit, syempre di kami pumayag. Nihonggo na kahapon nihonggo pa ngayon diba?"


"Ano ba dapat ngayon?" Tanong ni Kelly

"Yun yung french tska korean. Kaso nga wala pang final schedule"


Dumating na sila Kiefer, Kai at Coleen na may dalang pagkain saka kami nagsalo salo.


"Ang saya naman nagkasabay sabay tayo" sabi ko.

"Oo nga eh. Kami ni Kelly, at Nadz walang klase hanggang mamaya. Tatambay muna kami" sabi ni Coleen.


"Buti pa kayo. Kami may pasok pa sa dalawang subject" reklamo ni Kie. Ako dalawang subject din kaya mamaya pa ko.


"Text nyo nalang kung saan kayo tatambay para kung walang klase, makapunta kami" sabi ni Kai.

"Asa ka pa pre. Eh terror yung teacher natin dun sabi." Sagot ni Third.


"Ayan nanaman kayo sa sabi sabi. Dati sabi nyo yung prof asdfghjkl" hindi na natuloy ni Kie yung sinasabi niya dahil tinakpan na ni Troy yung bibig nya kaya nagtawanan kami.

Gone (Campus Queens 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon