18

2.2K 79 1
                                    

Nadz

Pagtapos naming nagusap ni Angeli, umalis na ako at hindi na sila pinasunod pa. Alam kong mag-aaway nanaman pagsinabi ko kung saan ako pupunta.

"Renji?"


"Oh, nandito ka na pala Nadz. Pasok kana" sabi niya at binuksan yung gate ng bahay nila.

"Ilan na nagawa mong chocolates? Sorry natagalan ako ha"

"Okay lang. Nasa 100 pieces na din to. Tinulungan kasi ako ng kapatid ko eh" sabi niya. Sinamahan nya ako sa Kitchen nila at nakita ko yung kapatid nyang nagmimix pa.


"Nami, ito si Nadz. Yung partner ko. Nadz, si Nami, yung kapatid ko" sabi niya nakipagshake hands sakin yung kapatid niya at nakangiti kaya lumabas yung dimples. Pareho sila ni Renji, palangiti sila.


"ang ganda mo pala sa personal, ate Nadz"

"Ilang taon kana ba? Bakit ate tawag mo sakin?"


"16 years old ako! Grade 11 sa school na pinapasukan nyo" sabi niya.


"Ahh. Kaya pala. Thank you ha, tinulungan mo si Renji sa pag-gawa"

"Sya pa ba. Oh sige tutulong na rin ako sa inyo"

"Wag na Nami. Umalis ka na jan"


"Nako kuya asdfghjkl yah!" Ayun, nag-away na sila sa sala dahil hinila ni Renji si Nami paalis sa kitchen.


"Wag mo nang isipin yung kapatid ko. Tara gumawa na tayo" tumango ako sa kanya at nagsimula na kaming gumawa.


Naglalagay pa lang ako ng unang tray na nagawa ko, biglang nagring yung cellphone ko.

"Hello?"


"Nadz! Nadz sila Angeli naaksidente!" Halos mahulog ko na yung cellphone ko sa sigaw ni Kelly.


"Ano?! Nasaan kayo?!?!"



"Papunta palang kami sa hospital! Isesend ko sayo yung address! Magkakasama na kami!" Dali dali kong tinanggal yung apron at pati si Renji natataranta na din.


"Anong problema?"


"Naaksidente daw si Troy at Angeli. Kailangan kong magpunta ng hospital"



"Sige tara ihahatid na kita. Nami! Tapusin mo yung chocolates!" Sigaw niya kaya nagmadali kaming pumunta sa kotse nya. Buti nalang at hindi traffic dahil kundi baka nahuli na kami.


"Salamat sa paghatid ah!"


"Sige wag kang mag-alala, tatapusin na namin yung chocolates!"

"Hahabol ako promise!"

"Wag na, magpahinga kana pagtapos. Ako na bahala" sabi niya ng nakangiti kaya ngumiti din ako.

Sakto namang nandito na rin sila at ligtas si Troy at Angeli. Kinabahan talaga ako. Akala ko hindi na ako makakapagsorry kay Angeli sa sagutan namin.


"Kailangan nila ng privacy. Oy wag nyo ilock pinto!" Sabi ni Kie kaya nagtawanan kami. Nakahawak lang si Coleen sakin.


"Bhie pano yan, kailangan naming magpunta sa school. Meeting ng glee club!" Reklamo ni Kelly.


"Putcha ako nga rin oh, kakatext lang ng president ng dance club. Eh pano yan, tara sabay na tayo" sabi ni Kie.


"Bye na guys! Baka magpeperform na kami sa day3 ng foundation day. Practice!"

"Bye!!!"

"HOY MAGIINGAT KAYO!!" malakas na sigaw ni kuya kaya nagtinginan mga tao sa kanya. Ibang klase talaga to magpa-alala.


Malamang anong oras pa matapos yung
na yun. Tapos bukas busy nanaman sila dahil sa practice. Lalo naman si Kie dahil sayaw ang napasukan niya.


"Ikaw Cols, wala kang meeting?"

"Wala gaga. Environmental society ang sinalihan ko no" sabi niya kaya tumango nalang ako.

"Nadz.." napatingin ako kay Third na kanina pa tahimik. Ay, nanjan nga pala sya.

"Pano ka nakapunta dito? Saan ka nagpunta?"

"H-ha? N-Nagmall ako. Tapos nagtaxi lang. Yun!" Sabi ko.

"Eh diba gagawa kayo ng chocolates? Baka mashortage kayo nyan bukas" sabi ni Kuya kaya napapikit ako. Buset naman si kuya. Nilalayo ko na nga sa usapan si Renji.

"A-Ah! Oo nga pala. Ano, sya na daw muna gagawa"

"Nadz magusap nga tayo" sabi niya sakin at hinila ako palabas ng hospital ng walang pahintulot.


"Ano ba Third! Makahila ka!"

"Nadz sabihin mo na kung anong problema. Nahihirapan na ko sa ganito" sabi niya habang nakahawak sa dalawa kong balikat.

"Ikaw lang naman ang nagpapahirap, Third."

"Kailangan muna nating magpalamig, Nadz"

"Baliktad ka Third eh no. Dapat, 'kailangan nating ibalik yung init ng relasyon natin' kaso wala eh. Baka ito talaga gusto mo"


"Nadz, nasasaktan na ako. Nahihirapan na ako. Napapagod na ako"

"Edi inamin mo din Third. Mahal mo pa rin ba ako?"

"Mahal kita Nadz. Mahal kita pero nakakapagod na. Lagi mo nalang iniisip yung nakaraan. Lagi mo nalang iniisip na hindi na kita mahal"

"Kasi hindi ko na rin naman nararamdaman. Third tama ka. Mahal din kita pero di ko na rin alam kung sino ako. Siguro isip ko lang ang may problema. Maghiwalay muna tayo. Kailangan nating magmature pareho"


"Nadz.. i love you so so much"

Gone (Campus Queens 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon