61

2.1K 67 2
                                    

Nadz

"Nadz okay ka na ba jan?" Katok ni Kuya sa labas ng pinto ng kwarto ko.

"Wait kuya nagrerehearse pako!" Sigaw ko rin sa kanya.

"Anong pinaggagawa mo? Hindi ka naman magpeperform sa harap ng maraming tao!"


"Ganun na din yun! Haharap ako sa maraming tao i mean.. ihaharap ako!"

Oo, tama. Ihaharap ako ni Third sa buong angkan nya na umuwi kung saan pa nanggaling yung angkan nya. Nakakakaba kaya na simula pagkabata nya ay haharapin ko lahat ng maganak nya!



"Dali nanjan na si Third!" Sigaw ni Kuya. Positive okay?

Dress, check.
Sandals, check
Light makeup, check.
Hair, check.

Lumabas na ako ng kwarto at tinitigan pa ko ni kuya sabay hawak sa baba nya.

"Hmm.. okay na yan! Basta wag mong dadalhin ugali mo dun ha! Iwan mo na dito kung sakali" sabi niya at pinababa na ako.

Pagbaba ko, nandito na nga si Third kaya sumakay na ako sa kotse nya.

"You look beautiful today."

"Che. Ngayon lang?"

"Oo. Cute ka kasi araw araw" sabi niya sabay kindat kaya iniba ko nalang yung paningin ko. Baka mamaya bigla akong mahimatay at masira pa makeup ko.




"Bakit ka kinakabahan? Hindi ka naman nila huhusgahan ano ka ba. You're so perfect para husgahan"

"Di ko nga din alam eh. Maganda naman ako. Bakit ako kinakabahan? Grrr"



"Oo nga. Kaya chilax ka nalang. Malapit na tayo" sabi niya dahil wala katraffic traffic. Agad akong tumingin sa sarili ko kung mukha na ba akong si sisa oh ano. Ewan! Di ako mapakali talaga.



"Ayan na. Tara na?" Tanong nya. Bumaba sya una sa sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto.

Pagpasok na pagpasok palang sa gate nila, madaming lightnings sa paligid. May mini stage sa gilid ng pool nila at may isang mahabang lamesa.

"Third pamilya mo lang ba talaga nandito? Bakit ang daming lamesa tapos may isang mahaba. Ano ba talagang meron?"



"Birthday ni lolo. Kaya nagtipon tipon lahat"

"Oh my god Third" sabi ko na mas lalong kinabahan kaya nagalala sya sakin.

"Bakit?"

"Napapanuod ko na to sa palabas. Third alam ko na mangyayari! Tututol sakin yung lolo mo. Alam ko yun!"

"Ano ka, future teller? Relax ka nga Nadz."

"Sige. Cr lang ako"


"Samahan na kita" sabi niya pero iniwan ko nalang sya dun. Alam ko naman na tong bahay nila.

Pumasok ako sa cr at humarap lang sa salamin. Nako po, halatang halata yung pagkatense ng mukha ko. Naaadz! Nasan na yung kagandahan na sinasabi mo? Nasaan na yung positive na sinasabi mo?





Paglabas ko, may naghihintay na babae at tinitigan muna ako.

"Gail ako muna mauna sa cr. Hahanapin ko pa yung pinsan ko" sabi nung babae sa isa pang babae. Ahh, pinsan siguro ni Third.




Paglabas ko, nakita ko agad si Third at sinama na ako.

"Tita, si Nadz po, Girlfriend ko" pakilala sa isang nakatayo at may hawak na juice.



"Hello po, good afternoon, Im Nadine Cabs" sabi ko at ngumiti kaya nakipagbeso sakin yung iba.

Halos napakilala nya na ako sa lahat ng tito at tita nya nang may nakasalubong kami. Yung pinsan nyang nasa cr kanina.



"Claire!" Sabi kaya lumapit samin yung dalawang babae.


"Claire, Gail, Girlfriend ko nga pala" sabi ni Third. Tinitigan lang nila ako tapos nagtinginan sila.

"Hi! Im Nadine." Sabi ko at nagabot ng kamay.

"Hi" sabi ni Gail at nakipagshake hands sakin kaya ngumiti ako.


"Pinsan ko yun, si Claire. Suplada lang talaga"


"Eh si Gail?"


"Kaibigan nya. Tara, magmemeryenda na ata. 4 na eh" tinabihan nya akong umupo sa mahabang mesa. Konti palang yung nandito hanggang sa mag 4 30, nakumpleto na lahat kaya tumayo kami at pinakilala ako sa lolo nya.






"Lo, si Nadine po, girlfriend ko" sabi niya kaya nagmano ako.



"Girlfriend? Ahh. Maupo na kayo" sabi nito kaya umupo na ulit kami. Halos manginig nginig yung kamay ko habang kumakain kaya hinawakan ni Third yung kamay ko sa ilalim.





"Okay lang yan. Matatapos din to" sabi niya kaya natawa ako.




Pagtapos ng kainan, nagkaroon ng usapan ng magpapamilya kaya nahiya akong sumingit para mag cr. Hayaan na nga lang kung pangit na ako o ano.




"So Nadine, anong buong pangalan mo? Ilang taon ka na at saan kayo nagkakilala ni Third?"



"Nadine Cabs po ang pangalan ko. 19 years old at nagkakilala kami ni Third kasi... kaibigan po sya ng kuya ko and, nakilala ko po sya nung kasali sya sa quiz bee"






"Isa kang Cabs? Sikat yang company nyo hanggang sa ibang bansa hindi ba? Magaling pumili si Third apo ko at maganda ang history nyo ha..." sabi niya kaya napangiti ako.








"...eh pano si Gail, Third?" H-Ha? G-gail?

Gone (Campus Queens 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon