17

2.1K 81 0
                                    

Angeli

"Ano bang gusto mong gawin ko, Nadz? Gusto mo bang lumayo ako kay Third?"


"Hindi. Wag na wag mong gagawin yan. Mas lalo akong masasaktan kung gagawin mo yun"

"Nadz pwede mo namang sabihin kung ano yung problema eh. Para wala nang gulo. Sabihin mo nang maayos na lahat. Nang wala nang galit galit"


"Pagsinabi ko, magkakagulo lalo. Maguguluhan lahat at magkakaaway away. Sinabi ko pa nga lang yung iba nag-kagulo na tayo. Nagkaaway na tayo"


"Hindi Nadz. Hindi ka takot na magkagulo. Takot ka lang na maraming magalit sayo dahil sa iniisip mo. Takot ka na magkaaway kayo ni Third. Takot kang harapin yung totoo"


Hindi sya sumagot. Nakayuko lang sya and dang! Totoo. Nasaktan sya sa sinabi ko dahil totoo yun. Natamaan sya.


"Siguro nga tama ka. Ayoko lang na may magalit sakin kaya tinatago ko. Kaya nga mas magandang itago ko nalang para hindi na kami mag-away ni Third. Para din wala nang magalit"


"Mali ka kasi Nadz. Sabihin mo na yung mali para maayos ng boyfriend mo ang mali nya!"


"Hindi mo ko naiintindihan Angeli. Ako naman ang nagdedesisyon. Hayaan mo nalang ako" sabi niya ng nakangiti kaya nainis ako. Tinry ko na syang kausapin pero mas iniisip nya ang sarili niya.


"Ngayon anong gusto mo? Paselosin lagi si Third? Yun ba ang gusto mo? Akala mo hindi nasasaktan yung boyfriend mo pero hindi mo alam kung gano kasakit pag iniisip nyang mapupunta ka sa lalaking yun"



"Ah so sinasabi niya sayo? Ikaw pala sinasabihan nya? Kaya pala ikaw yung hinahanap hanap nya? Okay! Ngayon mas malinaw na sakin. Pareho lang kami, Angeli. Hindi niya sinasabi sakin yung problema. Tinatago nyo lang pareho" sabi niya at umalis. Sinundan ko sya pero dirediretso sya palabas ng bahay nila habang nakatingin sa kanya si Third.


"Uuwi na ako. May gagawin pa ako" sumunod sakin si Troy at pareho kaming tahimik na sumakay sa kotse niya.


"Baby..." sabi ko kay Troy. Nakangiti syang humarap sakin habang nagmamaneho.


"Mahal mo pa rin naman ako diba? Hindi ka naman galit sakin diba?" Tanong ko sa kanya. Tumingin sya sa daan at nakangiti pa din.



"Sobra sobra kitang mahal, Baby. Sobra sobra higit pa sa buhay ko. Muah" sabi niya kaya natawa ako. Kahit na depressed ako sa nangyayari, sya pa din ang nagpapasaya sakin. Ginagawa nyang makulay ang araw ko.



Hinawakan ko yung kamay nya at hinawakan nya din ang kamay ko at yung isa naman, pinagmamaneho niya.


"Kiss mo nga ako" sabi niya sakin kaya lumapit ako at kiniss sya pero bigla syang humarap sakin kaya nakiss ko sya sa lips.



"Baliw ka! TROY!!!!!!!!!!!!"

××



"Angeli Jimenez po? At Troy Bernardo?" Napatayo ako ng makarinig ako ng naghahanap sakin at kay Troy.





"Anj!!!!!" Halos lahat sila niyakap ako ng mahigpit nang makita nila ako na naka benda yung kamay.




"Anak ano bang nangyari sa inyo? Bakit kayo na-aksidente? Nasaan si Troy?"




"N-Nandun pa po... sa e-emergency room"

"Jusko po. Sana walang nangyaring masama sa kanya. Jusko po. Nasaan na yung mga magulang ni Troy?"

"Nasa ibang bansa po ma. Pero alam na po nila."

Nagtinginan kami sa pinto ng lumabas yung doktor at tinanggal yung mask nya saka nagsalita.

"Stable na si Mr. Troy Bernardo. Wala na kayong dapat ipag-alala"

Napaiyak ako sa sinabi nang doktor. Mas malakas ang tama nya dahil sa kanya bumangga yung isang sasakyan at konti lang ang natamo ko.

"Pwede na kayong pumasok." Dali dali kong dinala yung bag ko at pumasok na. Nandun syang may benda ang kamay at ang ulo niya. Nakangiti syang nakatingin sakin.

"Troy!!!!" Sigaw ng mga nasa likod ko. Mas excited pa sila diba?

"Gwapo ko pa din ba?" Tanong niya.

"Oo. Ikaw pa din ang pinakagwapo sa kanilang lahat. Salamat naman ligtas ka baby."

"Yoooooooooo sweet" natatawa nalang ako sa kalokohan nila. Parang nabalik yung samahan namin sa isang iglap. Parang walang nangyaring sagutan kanina.

"Nako ikaw Troy anak. Wag na kayong magsweet habang nagmamaneho! Nako maaaksidente talaga kayo!" Sabi ni papa kaya tumatango lang si Troy.

"Opo pa. Ito kasing baby ko, bigla akong kiniss! Nawala tuloy ako sa focus!" Pagyayabang nya kaya pinalo ko sya.

"Aray!"

"Ay sorry!"

"Kiniss mo naman pala eh!!!!" Napangiti nalang ako sa kanila dahil sa kalokohan ni Troy. Sya kaya yung nagsabing ikiss ko sya!

"Kailangan namin ng privacy guys, pwede na kayong lumabas" sabi ni Troy kaya natawa nanaman ako dahil lumabas din sila pero bawal daw ilock ang pinto. Mga lokaret.

Gone (Campus Queens 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon