10

2.7K 108 8
                                    

Kiefer

"Bhie, san ka pupunta? Sama ako" sabi ni be sakin. Nakakatuwa yung feeling na hindi lang ako ang under sa kanya. Under din sya sakin at takot nya lang na mawala ako

"Anong nginingiti mo?"

"Wala lang. Natutuwa lang ako sayo. Punta tayo sa Kitchen. Tulungan natin sila Nadz" sabi ko at tumango naman sya. Pagpunta namin, naglilipat na sila ng chocolate sa ref at panibagong batch naman ang gagawin nila.


"ilan ba kailangan nyong gawin?" Tanong ng be ko


"200 muna ngayon then sa susunod 200 tapos sa susunod 100 para saktong 500 sa mismong foundation day" paliwanag ni Nadz.



Nakatitig lang ako dun sa pinagseselosan ni Third. Well, gwapo naman. Mas gwapo padin kami. Pero hindi nga naman imposible na mahulog bigla dito si Nadz. Poga naman kasi ni Third, NAPAKA HINDI SWEET.



"Ilan na nagagawa nyo?" Tanong ko.


"120!!!!" Masayang sabi ni Renji kaya nagulat kami ng bigla syang sumigaw ng nakangiti.


Pinagmamasdan lang namin si Nadz na naghahalo ng cocoa powder at cocoa butter ng masagi nya ang coconut oil.


"ARGHH!!!!! BWISIT NAMAN! SAYANG! ANG TANGA TANGA MO NADINE!" sigaw nya habang pinupunasan ng kamay yung natapunan nyang damit. Naks, nanghinayang ba talaga sya?


"Kailangan nanaman nating bumili ng coconut oil Renji. Tara na!"


"Teka, san kayo pupunta? Sama ako" sabi ni be kaya tumango si Nadz at sumama na din ako. Hindi ko pwedeng iwan tong babae ko no.


Habang nagdadrive ako, naririnig ko pa din yung boses ni Nadz na inis na inis.


"Nadz parang hindi naman ata sa coconut oil nanggaling yang inis mo. Parang... sa iba nanggaling"


"Ano kaba bhie. Pabayaan mo na nga si Nadz na malabas ang inis sa coconut oil at hindi sa katabi niya diba?" Sabi nito sabay tingin kay Renji na ngumiti lang sa kanya. Hinawakan ko yung braso ni Kelly at pinaharap sa harapan.


Napakamisteryoso ng ngiti nitong Renji na to. Baka si Kelly eh popormahan nya.


Pagdating namin sa supermarket, kumuha na agad sya ng coconut oil at pumila na sa counter. Ano kayang napagusapan nila ni Third at umalis bigla si Third?


"Ang tagal naman ng cashier na to. Bwisit"


"Ano ba yan! Anong oras na oh!"


"Nakakainis ha! Argh! Nabibwisit talaga ako!" Yan ang mga sinasabi ni Nadz sa sarili niya kanina pa. Kawawa naman sya.



"Wag kana mainis. Geureon dwi hwanaegien neomuna yeppeun neo" sabi ni Renji kaya napakunot ako ng noo at hindi lang ako. Si Nadz din napakunot ng noo pero itong be ko ay nanlaki lang ang mata.



"Anong sinabi mo?" Tanong ulit ni Nadz.



"Sabi ko wag kana magalit. Baka malasin ka" sabi ni Renji at sakto namang sila na ang magbabayad sa counter.



"Una na kami sa parking ha. Sunod nalang kayo" sabi ko saka ko hinila si Kelly papuntang parking.



"Alam kong naintindihan mo ang sinabi ng alieng koreano na yun. Ano sinabi niya?"



"Y-Yun nga, B-Baka malasin ka" mautal utal nyang sabi.

"Hindi ako naniniwala be. Sabihin ko na please?? Pretty please?"

"Psh. Ang sabi niya, you're too beautiful to get angry baka hindi mo din magets? Sa tagalog, masyado kang maganda para magalit"

"Eh bat nanlaki yung mata mo kanina?"

"Kasi, usually sasabihin niya yun sa tagalog kung kaya nya kaso hindi. Ginawa nyang korean language kasi hindi niya kayang sabihin ng personalan. Posible kayang... may gusto yang Renji na yan kay Nadz? Tsk tsk"



"Kung may gusto man, hindi naman sya magugustuhan ni Nadz."

"Psh. Posible rin! Lalo na't napaka casual ni Third pagdating sa ganyan."

"Wag mong sisihin si Third. Baka ganyan lang talaga sya magpakita ng pagmamahal nya kay Nadz"

"Buti nalang hindi ka ganun bhie. I love you" sabi niya sabay yakap sakin. Hinilig ko ang ulo ko sa gilid para di ipakitang natutuwa ako sa sinabi niya.


"Uy, kinilig si bhie ko ah"


"Hindi kaya. Hindi na nga nakakakilig eh"

"Ah ganon? Edi puta umalis kana sa tabi ko" sabi niya saka tinulak ako palayo at binilisan ang lakad.


"Wag ka namang ganyan be. Di ko kayang umalis sa tabi mo no!" Sabi ko pero di ako pinansin.


"Uy kana magalit... you're too beautiful to get angry be"


"I know. Kaya nga di na ako nagagalit eh. Dalian mo na nga!" Sabi niya saka yumakap nanaman sakin. Ang moody talaga ng babaeng to. Kaya mahal na mahal ko eh.


"Bhie, iiyak ka pagnawala ako?"

"Hindi"

"H-Ha? Bakit? Hindi mo ba ko mahal? Sabihin mo lang kung may halaga pako sayo"


"Hindi ako iiyak kasi sigurado namang ako mauuna. Iaaalay ko ang buhay ko sayo ikamatay ko man. Handa akong mawala sa mundong ito mailigtas ka lang."


"Ewan ko sayo. Wag na nga nating pagusapan. Basta i love you" sabi niya sabay humarap sakin at hinalikan ako sa labi. Wow, kissing monster.


--

Magde-dedicate po ako. Comment lang sa may gusto =) don't forget to vote guys!! Labyou!

Ps. 2 chapters everyday yung update😊

Gone (Campus Queens 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon