40

2.1K 67 0
                                    

Coleen

"Angeli ihahatid na kita" napatingin kami sa pababang si Angeli at si Troy

"Wag na, Troy. Kaya ko na sarili ko. Alagaan mo nalang si Kelly sa taas. Walang nagbabantay eh. Subukan mong sumunod sakin, wala na tayo"


"Hala sya" bulong ni Kai sa gilid ko.


Walang nagawa si Troy kaya huminto nalang sya.


"Ihatid mo na" bulong ni Nadz na nasa tabi ko at tumingin sa kanya si Third tapos tumango si Nadz kaya umalis si Third para ihatid si Anj.


Oras naman namin ni sweetheart para tumingin kay Nadz.

"Seriously?"

"Alam kong gusto nya pero ayaw nyang sabihin sakin and besides, magbestfriend sila" sabi ni Nadz at nagpunta na sa kwarto niya.


"Ugh. Ang gulo nila!!" Naiinis kong bulong. Ano ba to, ikutan?! Ikutan talaga?!


"Wag ka ngang magpastress sweetheart. Basta ayos lang tayo okay na yun. Wag na natin silang pakelaman" sabi ni Kai sa tabi ko.



"Oh sweetheart. Don't be selfish. Buong squad tayo dito hindi pwedeng hindi natin sila pakelaman. What if si Nadz ang masaktan? Ayos lang sayo? Kaya ayoko din na magkagulo tayo dito"


"Ok ok. Im sorry" sabi niya. Umakyat nalang din kami sa kwarto ni Nadz at nagpahinga.


××

"Magluto nalang tayo tapos iakyat natin sa kwarto." Tumango ako sa sinabi ni Kai at nagisip ng lulutuin namin.


"Sopas?"

"Buang ka ba sweetheart? Hapunan tapos sopas?" Tanong ko sa kanya. Bwisit to. Ginawa naman kaming lahat may sakit.


"Tutal pagod si Third... tayo ang maghahanda ng pagkain.." sabi niya. Kaso, baka hindi nila magustuhan yung lulutuin namin.


"...at dahil hindi tayo masarap magluto, magoorder nalang tayo" pfft... uuwi din pala sa order



"Alam ko na. Anong oorderin natin?" Tanong ko.

"Greenwich, pizzahut, jollibee, mcdo, kfc, at yellow cab" sagot nya kaya nagulat ako.


"Ang dami naman sweetheart. Alam kong di natin mauubos yan"

"Ano ka ba sweetheart. Pipili ka lang naman dun" sabi niya kaya nabatukan ko sya pero agad ko namang hinimas. Ayoko syang nasasaktan no -///-

"Sorry na sweetheart. Dali pili ka na dun"

"Greenwich nalang. Yung may pizza, chicken, lasagna, tska kanin. Tapos kasama na coke ha"

"Nahiya ka pa sweetheart. Di mo nalang sinabi na buong greenwich pala gusto mo"

"Hindi kaya. Dali na sweetheart gutom nako!!!"

"Ito na ito na! Gusto mo ako nalang bumili dun para mas mabilis?! Ayoko pa namang nagugutom ka!"


"HOY WALA PA BANG PAGKAEN!!!!!" Sigaw ni Nadz sa itaas kaya nagtinginan kaming dalawa.



"Tara, tayo nalang bumili!" Sabi ko at hinila sya palabas. Sumakay na kami sa sasakyan nila at nagpunta sa pinakamalapit na greenwich.


"Dali kailangan 15 minutes nandun na tayo" sabi ko.


"Hah?! Eh sobrang tagal nila magserve dito eh! Mas matagal pa ata to sa manginasal sweetheart"


"Sir may complain po ba kayo?" Tanong ng manager na lumapit samin.

"Ah, eh, wala po" sabi ni Kai kaya natawa ako. Siguro narinig pinaguusapan namin. Sana naman nanjan na yung pagkain.



"Number 26 po, take out" halos pumalakpak yung tenga ko dahil nanjan na agad yung order namin. Pagtanggap ni Kai, umuwi na agad kami at tumakbo ako papunta sa taas.


"Ano!? Yung pagkain!? Nung bumaba ako walang pagkain! Gutom na ako cols!!!"

"Sandali lang Nadz. Ito na oh. Hiya naman ako sayo sweetheart. 3 plastic tapos dalawang box ng pizza hindi mo manlang ako tinulungan" sabi ni Kai at hirap na hirap sa pagdala nung pagkain.


"Sorry sweetheart. Naexcite lang ako kumain tara na!"

"Waaaah GREENWICH!!!" -Nadz

"ANG INGAY NADZ!!!" Kelly

"Makakakain na din!" -Third

Ay, ang konti lang pala naming kakain bakit ang dami kong pinaorder? Wala naman pala si Troy at Angeli.


"Sana pala kayo nalang lagi nakatengga sa pagluluto." Sabi ni Third nang kumuha ng pizza.

"Sge ba. Basta sa inyo pera" reklamo ko na sinangayunan naman ni Sweetheart.


"Kelly kumain kana" sabi ko at tumayo si Kelly saka kinain yung chicken na may kanin at may lasagna.

"Makakapasok ka bukas Kels?"

"Oo naman." Sabi niya. Buti naman. Lagi na syang hinahanap no. Babagsak talaga sya kapag pinagpatuloy nya yung hindi pagpasok.


"Pero.. di ko alam. Baka sa susunod na buwan, magpunta nalang din kami ng korea at magtrabaho nalang ako"

"Hah?! Seryoso ka ba?! Anong trabaho mo dun?!"

"Pwedeng artist.. pwedeng model. Alam mo naman yung korea."


"Your joking right?"

"Nope. Wala nang dahilan pa para magstay ako dito"

"Ha?! Hindi ba kami dahilan para sayo? Ano kami, patatas?!?!" -Nadz

Gone (Campus Queens 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon