65

2.1K 62 0
                                    

Kelly

"Kinakabahan ako guys." Sabi ni Angeli na nakatingin sa salamin at nakahawak sa denim na jacket na suot nya.


"Hayaan mo na. Isipin mo nasa labas si Troy naghihintay" sabi ni Nadz sa kanya.

"Wala pa ngang text sakin eh. Sabi nila kanina aalis muna sila. Sayo ba, nagtext na?" Sabi ni Anj kaya tumingin si Nadz sa phone nya at tiningnan ng masama si Anj.

"Nangaasar ka ba oh ano?" Sabi niya kaya natawa kaming tatlo.


"Get ready girls, magiistart na yung show" sabi nung assistant kaya tiningnan ko yung cellphone ko at wala pa ring text si Bhie. Kainis, ang tagal nila.




"Tara na, ikaw daw Nadz una" sabi ni Coleen kaya tumango si Nadz at huminga ng malalim. Paglabas na paglabas namin, patagilid kaming pumila at nakita ko na yung nakasilip na si bhie kaya napangiti ako.




Sinenyasan kami ng assistant kaya lumakad na si Nadz. Pagdating nya sa harapan, sumunod na si Angeli tapos ako at si Coleen. Aalis na sana si Nadz para umikot pero pinigilan sya ni Angeli kaya nagtaka sya.





Napatingin sya sa harap ng pumunta si bhie. Wala nang hiya hiya kahit maraming tao, nagpunta sya dun para maggitara. Sunod naman na pumunta ay si Troy at Kai na parang tangang sumasayaw na pasway sway kaya natawa kami. Huling huli naman si Third na kumakanta at may dalang bulaklak.


"Alam ko, sakin ay nagtatampo ka
Ramdam ko, kitang-kita sa iyong mga mata
Ang lungkot at ang inis
Namimiss ko na ang i love you mo

Tignan mo, di bagay pag naka simangot ka mahal ko para saakin ngumiti kana,
Alam mo na mahal kita
Namimiss ko na ang i love you mo

Sorry na baby ko, wag ka ng magtampo ano man nagawa ko sana'y patawarin mo sorry na baby ko, huwag ka ng magtampo
Oh Mahal kita
Namimiss ko na ang i love you Mo
(Baby Sorry Na) -TROY KAI AT KIEFER
Namimiss ko na ang I Love You Mo
(Baby Sorry Na) -TROY KAI AT KIEFER

Pansinin mo ang puso kong naglalambing sayo
Baby ko, para saiyo lahat ay gagawin ko
Alam mo na mahal kita
Namimiss ko na ang i love you mo

Sorry na baby ko, wag ka ng magtampo
Ano man nagawa ko sana'y patawarin mo
Sorry na baby ko, huwag ka ng magtampo
Oh mahal kita
Namimiss ko na ang i love you mo

Baby ko wag ka ng magtampo
Oh mahal kita
Namimiss ko na ang i love you mo
Ako'y nakikiusap na saiyo
Please lang baby (Please lang baby)
Bati na tayo

Sorry na baby ko, wag ka ng magtampo
Ano man nagawa ko sana'y patawarin mo
Sorry na baby ko, huwag ka ng magtampo
Oh mahal kita
Namimiss ko na ang i love you mo

Sorry na baby ko, wag ka ng magtampo
Ano man nagawa ko sana'y patawarin mo
Sorry na baby ko, huwag ka ng magtampo
Oh Mahal kita
Namimiss ko na ang i love you mo"




Lahat ng tao ay nagtilian syempre kasama kami. Umakyat si Third sa stage at inabot kay Nadz yung flowers.


"Patawarin mo na!!!" Sigaw ng mga tao.

Walang nagawa si Nadz kaya kinuha nya yung bulaklak at pinagtutulak namin si Nadz kay Third dahilan para magkayakap sila.



"AYIIIEEEEE"

Umakyat din sila Bhie at lumapit samin saka yumakap.

"Gwapo ko dun no?" Tanong nya at tumango lang ako. Syempre susuportahan ko sya.

"Mas gwapo ako" bulong ni Troy habang nakatingin kay Anj kaya natawa kami. Lumingon din si Kai at sumagot.


"Leche manahimik kayo"

actually, wala talagang fashion show. Plano lang yung ni Third at nagpatulong sya samin dahil nga matagal nang nagtatampo si Nadz sa kanya kaya pumayag na kami.


"Ayan, bati na kayo. Uwi na tayo yey!" Sabi ko. Pagtapos naming magusap usap ay umuwi na rin kami. hinatid ako ni bhie hanggang sa bahay pero pinapasok ko muna sya.




"Wala sila mommy baliw. Nasa korea pa!" Hanggang ngayon kasi, nasa hospital pa din si lola kaya umabot sila ng isang buwan dun.



"Talaga? Tara sa inyo tayo. Dito na rin ako matutulog" sabi niya sabay pasok.



"Kelly?" Napatingin kami sa taas nang marinig namin si mommy.

"Mommy? Hala"



"K-Kelly? Bakit hindi ka sumunod sa korea?! Alam mo bang galit na galit ang lola mo dahil di ka pumunta?!" Sigaw ni mommy. Minsan ay tumitingin sya kay bhie tas titingin sakin.



"Mommy, sorry po. May nangyari pong masama saming magkakaibigan. Hindi ko po nasabi soㅡ"


"Buti walang nangyaring masama sayo. Buti nanjan lang si Kiefer lagi sa tabi mo. Hindi ka nya iniiwan Kelly."


"Ano pong ibig nyong sabihin?"



"N-Nasa tabi mo si K-Kiefer anak. Kasama ka nya kahit saan. Nakikita ko sya ngayon. Mahal na mahal ka nga talaga nya" sabi niya at niyakap ako. Hala...



"Ma?"


"What? Do you need anything?"




"Si Kiefer po talaga yan. Kahit hawakan nyo" sabi ko at tumingin kay bhie na ngumiti kay mommy.



"Mommy!" Nagulat ako nang biglang natumba si mommy at napahawak sa ulo nya.



"Tatawagan ko ang daddy mo sa korea. Kailangan ka nang mapadala sa korea. Hindi na maganda ang kondisyon mo"




"MOMMY! SI KIEFER! BUHAY TALAGA SI KIEFER! ANO KA BA MOMMY NAHAHAWAKAN SYA!" sabi ko kaya tumayo sya at hinawakan si bhie sabay sinampal.



"Aray tita!"

"Mommy!"


"Sinisigurado ko lang!" Sabi ni mommy kaya natawa kami.

Gone (Campus Queens 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon