39

2K 65 1
                                    

Angeli

"Goodmorning guys! Gising na!" Napabangon agad ako sa paggising ni Coleen samin at nagpunta na sa cr nila Nadz para maligo.

"Aga mo naman Anj"

"Lagi naman akong maaga maligo. Baka mamaya mawalan ng tubig or malate"

Pagtapos kong maligo, nauna rin akong bumaba at naabutan ko si Third na nagluluto.

"Hmmm bango. Nasan si Troy?"

"Kung magtatanong ka lang kung nasan boyfriend mo, wag mo nang bolahin luto ko" sabi niya nang natatawa.

"Ayaw mo pa? Masarap kaya yung luto mo. Kaya nababaliw sayo si Nadz eh. Hahahaha!"

"Mas baliw ka. Si Troy naliligo pa."

"Ah ganun, tulungan nalang kita jan. Adobo ba yang niluluto mo?"

"Oo. Madami dami yung niluto ko dahil alam kong madami makakain ni Nadz. Yun pa"

"Ang kulit hahaha! Ano gagawin ko?"

"Magbalat ka nalang ng laurel leaves" sabi niya kaya pinuntahan ko yun laurel leaves na sinasabi niya at binatukan sya.

"HINDI NAMAN TO BINABALATAN EH! BWISIT KA!"

"Hahahahaha! Naniwala ka naman! Umupo ka nalang kasi dun ako na bahala sa pagkain natin."

"Sige na nga. Kawawa ka naman eh" sabi ko at umupo nalang hanggang sa bumaba na yung ibang girls at sila Troy.


"Ano ulam?"-Coleen

"Adobo" -Third

"Woah. Papatabain mo ko, Third?" -Nadz

"Ang taba mo na nga eh. Anong papatabain?" Sabi ni Kai kaya natawa kami.

"Leche ka kuya. Ayan si Coleen patabain mo tska ikaw. Para kayong inuubusan ng pagkain dito"

"Hindi naman mataba si Nadz. Natural lang yan sa mga age natin" pagdepensa ni Third at umupo na din para kumain.



"si Kelly?" Tanong ni Troy pero di ko na pinansin.

"Di makakapasok. Masakit daw sobra yung ulo" sabi ni Coleen at sumenyas sakin na magdasal na tapos kumain na kami.

Pagtapos kumain, hinatid na ako ni Troy sa room namin at pumasok na din sya sa room nila.



"Goodmorning Angeli!" Sabi ni Jhanna, kaibigan ko. Syempre naman kailangan ko ding magkaron ng kaibigan sa klase ano.



"Goodmorning class"


Napatayo kaming lahat ng dumating yung paborito kong prof. Well, all about logics eh.



"Pass your assignment. Kailangan may pirma ng magulang ha? I will check that one by one"


Bigla na lamang nanlaki yung mata ko sa sinabi ni ms. Inah. Hindi pwede to. wala akong assignment! Wala akong nagawa dahil sa kakahanap kay Kelly! My god i can't believe this!




"Oh, Angeli, nanlaki mata mo jan. Don't tell me wala kang mapapasa?"


"Y-yes miss"


"It's not a big deal, actually. Isa pa lang naman but sadly, you will not perfect your compilation. 5 points din yun but don't worry din, hindi ka naman mawawala sa dean's list" sabi ni miss at dinaanan ako.




"Oy beh bakit wala kang gawa? Di mo naman sinabi sana napakopya kita"


"Wala na din. Kailangan may pirma ng magulang eh. Bwisit"


"Huy galit ka ba? Wag kana magalit sakin." Umiling iling na lang ako sa kanya at humalukipkip. Wala na. Badtrip nako. Hindi ko talaga matanggap.



Hanggang sa break namin, hindi na ako nagpunta sa canteen. Dumeretso nalang ako sa library para mag-aral at inalala kung may assignment ba sa last subject namin.




"Anj, nagreview kana para sa long test?" Tanong ni Jhanna at tumabi sakin. Well, pareho pala kaming DLs kaya no doubt if grade conscious din sya.




"Oh shit oo nga pala. Wey thank you!" Sabi ko at binuksan yung notes ko. Ngumiti lang sya sakin at nagreview din.



What if.. maging number 2 ako?
What if.. maunahan ako?
What if.. shit! Dahil sa inyo to! Nakakainis!




Nagreview ako buong break namin at buti naman nasagot ko lahat ng nasa long test namin. Dadaan nalang ako muna sa bahay nila Nadz pero uuwi nalang ako. Nakakainis. Nadidistract pagaaral ko.





"Bakit ba wala kang assignment? Parang himala ata yun" sabi ni Jhanna habang sabay kaming bumababa ng Accountancy building.



"Hinanap kasi namin kung saan saan si Kelly. Nasa bar lang pala at gabi na namin nakita. Syempre nag-alala kami no! Galing sya sa aksidente tapos biglang mawawala? Ang nakakainis, hindi sya nagpasabi. Dapat nagtext manlang sya na maglalasing sya"



"Oh, chill. Sana makagawa kana ng assignment sa susunod. Sayang din yun. Bye Anj!" Sabi niya at tumango nalang ako sa sobrang inis



"Nasan si Troy?" Tanong ko kila Kai na magkakasama na.


"Nauna na kanina pa. Sumakit daw yung tyan sa luto ni Third" sabi ni Kai na tumatawa kaya nasuntok sya ny mahina ni Third sa braso.



"Sasabay nalang ako sa inyo, Third. Dadaan lang ako kila Nadz para makuha yung ibang damit ko"


"Sure"



Pagalis namin, umakyat agad ako sa kwarto ni Nadz. Hindi na ako nagulat ng makita si Troy at Kelly. Inaalagaan ni Troy si Kelly. Wow. As in, wow.




Ano kaba Angeli! Magkaibigan sila okay!? Sumakit lang tyan ni Troy at napilitang alagaan si Kelly dahil masakit ulo nya!

"Angeli wait"


"No, Troy. Continue. May kukunin lang naman ako sa kwarto nila Nadz. Wala namang pumipigil so, continue."

Gone (Campus Queens 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon