4

3.1K 99 8
                                    

Angeli's POV

"Wag muna kaya tayong umuwi? Pasyal muna tayo. Alam ko kasing ngayong pasukan busy na tayo"

"Troy, araw araw na tayong magkasama nung bakasyon. Isa pa, dalawang assignment na yung pinagawa ng prof namin." Sabi ko sa kanya kaya sumimangot sya.

"Ganun ba, okay"

"Galit ka ba, baby?" Hindi ako sanay na galit sya or nagtatampo sya kasi madalas ako ang gumagawa nun sa kanya. Pero busy lang talaga sa school eh.

"Hindi. Naiintindihan naman kita baby. Alam ko namang ginagawa mo to para makapagtapos ka."


"At hindi lang para makapagtapos ako, para sa pamilya din at sa pangarap. At syempre para satin"


"Hmm. Okay.." hininto nya na yung sasakyan saka bumaba at pinagbuksan ako. Ganito naman sya lagi. Gentleman.


"Gusto mong pumasok muna sa bahay?" Tanong ko sa kanya pero ngumiti lang sya at umiling.


"Hindi na. Sige pumasok kana, gawin mo agad yung assignment mo ha? Para makatulog ka ng maaga okay?"


"Okay." Kiniss nya ako sa noo saka ako kumaway sa kanya. Pagpasok ko ng kwarto, wala sila mama at baka namasyal lang yun kaya umakyat nako sa kwarto para gawin yung assignment. Gaya nga ng sinabi ni Troy, susundin ko.


5pm nang dumating sila mama at binigyan ako ng meryenda pero hindi ko pa din tapos tong assignment. Isa palang ang nagagawa ko at may isa pa.


Naramdaman kong nagring yung phone ko maya tiningnan ko at di nga ako nagkakamali. Si Troy nga ang tumatawag pero hinayaan ko lang magring. Kaso, vibrate naman ng vibrate kaya pinatay ko na muna para makapagfocus.

××

"Anak, 8pm na. Di ka pa ba tapos? Kumain ka muna sa baba" sabi ni mama. Atlast, natapos ko na din! Hindi naman sya ganun kahirap. Ang kailangan lang, basahin yung module 1-5 saka ka gagawa ng reflection or irerewrite mo pabuod.


Bumaba na ako sa sala at nakisabay kala mama kumain.


"Anak, kamusta unang araw mo? Masaya ba?"


"Ayos lang naman po. As usual, maganda"


"Dahil kay Troy?" Tanong ni papa ng nakangiti kaya tumango ako.


"Ay shems! Tatawagan ko si Troy!" Dali dali akong umakyat sa kwarto ko para kunin yung cellphone at binuksan ko iyon saka bumaba ulit.


"Angeli hindi magandang talikuran ang pagkain." Sabi ni mama sakin na nakatitig.


"Eh kasi mama, si Troy kanina pa tumatawag hindi ko manlang nasagot."


Malamang nagagalit to sila mama dahil napaka-kawalang modo naman talaga ng ginawa ko. Dapat nagexcuse muna ako.


"Hello, Troy?" Tanong ko kay Troy sa kabilang linya pero walang sumasagot. Hala, galit ba to?


"Troy, sorry, kakatapos ko lang ng assignment ko eh"

"Okay lang okay lang. Sige na matulog kana."

"Troy sorry talaga"


"Bukas nalang ulit tayo magusap. Sige na pahinga na" sabi niya ulit sabay binaba. Hala, anong nangyari dun? Galit ba talaga sya?


To troy:

Sorry troy. Bukas nalang ulit tayo magusap ha. Sorry talaga, i love you. Goodnight.


From Troy

Night.


Binagsak ko nalang yung cellphone ko saka humiga. Ano nanamang problema nito? Bakit ganito to? Kainis.


Pinilit kong matulog pero hindi talaga ako makatulog. 10pm na at iniisip ko pa din sya. Nako po, malelate ako nito.


"Ano ba Angeli. Hindi naman sya galit. Hindi nya naman kayang magalit sayo. Please matulog kana." Hindi ko na alam ang iisipin ko. Magpunta kaya ako sa bahay nila Troy? Malapit lang naman yun. Kailangan ko syang makausap. Gusto kong marinig yung goodnight nya.


Tumayo ako sa higaan at nagjacket saka nagpajama. Tapos bumaba na at naglakad papunta kala Troy. Wala nakong pake sa takot takot na yan basta magkaayos lang kami. Alam kong hindi sya okay.


Nagdoorbell ako sa gate nila nang makarating ako. Isang doorbell, pangalawang beses.. pangatlo at pangapat pero walang bumubukas kaya diniinan ko na.



"ANO BA YAN?! SINO BA YAN?! ANG INGAY INGAY GABI NA OH!" halos magulat ako sa sigaw ng isang babae na lumalabas sa bahay nila.


"ANO BA KAILANGAN MO?! WALA NAMANG TINDANG YELO DITO! NATAPON NA DIN NAMIN YUNG BASURA!" shit. Pakshit.


"S-Si Troy po sana kung pwedeng makausap"


"Natutulog na sa kwarto namin. Sino ka ba?" Kwarto namin? Sino ba sya? Wala naman syang ate.



"S-Sige po, bukas nalang po. Pakisabi nalang po, Angeli" halos mangiyak ngiyak na ako na papaalis sa bahay nila. Hindi ko kinaya tong mga nakikita ko.


"Baby?" Napalingon ako sa gate nila ng makita si Troy sa loob. Humarap sa kanya yung babae at lumapit saka kinapit ang kamay sa kamay ni Troy.


"Yes baby? Diba natutulog kana?" Hindi na kinaya nang mga mata ko yung tinatago ko kaya tuluyan nang tumulo yung luha ko at tumakbo. Angeli! Ang tanga tanga mo! Kasalanan mo to!


"Baby wait nga! Bakit ka ba tumatakbo?!"


"Bitawan mo ko, troy."

Gone (Campus Queens 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon