49

1.9K 60 0
                                    

Troy

Nandito ako sa madalas naming tinatambayan pag nasa school kaming lahat. Umiinom lang ako. Syempre ng c2 alangan namang alak.



Walang tao dito. Likod ng building eh. Nakakamiss yung kaingayan nila tangina. Hindi na ako sanay nang magisa.


"Troy?" Napatingin ako sa gilid na nakasilip na si Kelly.



"Bumabalik ka pa din pala dito. Akala ko ako nalang eh" sabi niya kaya napangisi ako. Umupo sya sa tabi ko at kinain yung pagkain niya.



"Akala ko ba pupunta ka nang korea? Usapusapan yan dito ah"




"Hindi natuloy.. ay wait, kasama mo ba si Angeli? Sige aalis na ako" sabi niya ng paalis kaya hinila ko pabalik dahilan para bumagsak sya sa damuhan.



"Masakit ha!"



"Wala na kami ni Angeli." Sabi ko at uminom ulit. Bakit ba kasi ang laki ng binili ko?! Di ko tuloy maubos.



"Ohh.. sorry, Troy"

"Bakit ka nagsosorry?"




"Kasi.. ako ang dahilan? Oh! Wag ka nang mag-kaila pa. Alam kong ako ang dahilan ng paghihiwalay nyo at pag-aaway away"




Hindi ko nalang sya sinagot. May point naman kasi sya.


"May sikreto ako, Troy" sabi niya at naging seryoso yung mukha. Pero di ki pa rin sya sinasagot at inubos nalang yung c2

"Naniniwala ka ba sakin na buhay si Kie?" Bigla kong nabuga yung iniinom ko sa sahig dahil sa sinabi niya. Bastos.


"Mamili ka ng joke mo. Hindi nakakatawa e" sabi ko sa kanya at umiling.


"Lahat kayo ganyan sinasabi sakin. Kainis kayo. Totoo! Buhay sya! Aalamin ko. Alam kong si Kiefer yun" sabi niya na nakakunot ang noo.


"Anong "si Kiefer yun"? Sinasabi mo?"


"Alam kong buhay si Kiefer. Yung King Gonzales, na fiancè ni Yhellie De Guzman, si Kiefer yun."


Napaisip ako sa sinabi niya. Hindi pwedeng buhay si Kiefer. Oo at nahuli kami dati sa pagdating pero sino naman yung crinimate na katawan? Nanguha pa sila?



"Si tita. Nandito si tita. Baka tinatago nila si Kiefer, Troy. Tulungan mo ko"



"Kelly, please. Hayaan mo nalang si Kiefer sa langit. Hindi nya gustong nagkakaganyan ka, Kelly."

"Troy totoo! Kung ayaw nyo, edi wag nyo! Ako nalang bahala! Aalamin ko Troy. At sinasabi ko sa inyo na kayo yung mali" sabi niya at umalis. Sinundan ko sya ng tingin dahil nakakapagtaka na talaga sya.


Tumayo na ako para bumalik sa room at agad kinwento kala Kai yung sinabi ni Kelly.

"Pre baka naman totoo. Try nating kausapin si tita or tito." Sabi ni Third kaya umiling si Kai.

"Paniguradong galit pa din yun satin." Sabi niya. Alam ko yung tinutukoy nya. Yung napagtaasan ko ng boses si tito.



"Tulungan nalang natin si Kelly" sabi ulit ni Third na parang gustong gusto nyang malaman kung patay na ba si Kiefer talaga o hindi pero ako naman yung umiling.




"Pano kung wala na nga talaga? Hindi ka nagiisip Third. Magsasayang ka lang ng oras. Nung panahon na nasa hospital tayo, binigay satin yung relos, cellphone na basag ni Kelly at Kiefer at yung wallet niya. Pinakita rin ni tita yung jar ng pagkakacrimate kay Kiefer."




"Tama ka jan, Troy. At isa pa, kung aalamin mong buhay sya, mawawalan ka ng oras sa kapatid ko. Magbebreak kayo."



"Pwede naman din silang tumulong eh! Nagiisip ba kayo?! Gusto ko lang naman malaman kung buhay si Kie!"


"Chill bro. Hayaan mo na kasi. Hayaan mo nang si Kie ang makakita satin. May oras para jan."



"Bakit ba ayaw na ayaw mong magpa-istorbo Kai?" Tanong ko sa kanya dahil kanina pa sya tumututol sa mga lakad namin.





"Wag nyong ipagsasabi to kahit sa mga girlfriend nyo ha. Satin lang to" sabi niya at lumapit

Tumango si Third pero tinitigan ko sya ng masama.

"Nang-aasar ka ba Kai?" Tanong ko sa kanya kaya ngumiti lang sya. Alam kong natatawa na sya sa utak nya. Hayup to.




"Nakatanggap ako kahapon ng box sa gate namin. Buti ako yung nakakita at hindi si Nadz."


"Pabitin ka leche"-third


"May nagiwan nga ng box. At may patay na pusa sa loob" sabi niya kaya napalayo kami. Tangina kadiri



"Sino naman magiiwan nun?!"



"Tangina pre yun nga iniisip ko. Pumapasok sa utak ko yung.. yung tinutukoy nila Nadz na lalaking masama yun tingin sa kanya"





"Ano sa tingin mo, sa kapatid mo sya gaganti?" Tanong ko kaya napahinto silang dalawa ni Third.




"Pwede"





"Bwisit ka pare! Bakit di mo sinabi?! Iniiwan ko pa naman si Nadz magisa!" Sabi ni Third.





"Oo at para kay Angeli diba?!" Sigaw ni Kai kaya ako naman yung napatingin kay Third.






"Totoo?"

Gone (Campus Queens 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon