31

2.1K 73 7
                                    

[Play the multimedia =]

Coleen

"kamusta na si Kelly?" Tanong namin pagpasok naming apat nila Nadz.

"Ayan, nakatulog nanaman sa kakaiyak. Sabi ng doktor pwede ba daw syang lumabas bukas at yun kung gugustuhin ni Kelly at kung ayos na paglalakad nya" sabi ni Angeli.

"Hindi nanaman tayo makakapasok bukas, guys. Kailangan nating alalayan si Kelly sa paglabas nya" sabi ni Kai.

"Oo nga eh. Ipapasabi ko nalang kay daddy sa principal para maexcuse tayo sa profs natin" -Nadz.

"Ano nangyari kanina?" -Third

"Pagpasok ko, may sinisigawan sya. Si Yong daw. Yung may dahilan kaya nawala si Kiefer. Tapos dumating mama ni Kie. Ayun, umiyak nanaman sya ng umiyak"

"Pano natin sya matutulungan?" Tanong ko. Nagtinginan lang kami at walang isang sagot mula sa kanila. Nahihirapan kami kasi alam kong kahit anong sabihin namin, hindi nya pa matatanggap. She's not ready to accept the truth.

"Ito na, nagdala na kami ng pagkain. Si Third nagluto. Kain na tayo" sabi ko at nilabas yung pagkain. Umupo kami sa lapag at nag-ayos na.

"Kelly.. gutom ka na ba?" Tanong ni Troy pagtingin kay Kelly na gising na.

"Sige, kumain lang kayo jan." Sabi niya at humiga ulit.

"Nangangayayat ka na lalo, Kelly. Sumabay ka na muna samin kahit ngayon lang" -Third

"Kakain ako. Pero kumain na kayo jan. Wag nyo nakong alalahanin" sabi niya ng nakatalikod samin at nakahiga padin.

Wala kaming nagawa kundi kumain na kahit nakakawalang gana kapag ayaw sumama samin ni Kelly kumain. Nakakawalang gana na anim lang kami.

"Kelly gusto mo na bang makalabas ng hospital bukas?" Tanong ni Kai sa kanya.

"Oo naman. Kaya ko na rin naman" sagot nya nang nakangiti.

"Saan gusto mong magpunta?" -Troy

"Hmm... hindi ko maisip! Saan nga ba? Sa bahay nalang? O kila Kiefer? Di ko alam"

"Sasamahan ka nalang muna namin sa bahay nila Kiefer bukas. Tapos magpahinga ka nalang sa bahay nyo" sagot ni Angeli.

"Bakit nyo pa ko sasamahan? Okay na kaya ako"

"Hindi ka okay, Kelly. Kailangan may kasama ka" -Kai

"No. Hindi na ako bata, Kai."

"Concern lang kami sayo, Kelly. Concern kami sa pwedeng mangyari" -Angeli.

"Edi bahala kayo." Sabi niya at bumaba na sa higaan nya saka kinuha yung nakahandang pagkain sa kanya. Tahimik lang kaming kumakain ngayon. Si Kiefer lang kasi laging nagsisimula ng usapan. Lalo na pag awayan nila ni Kelly.


Napatingin kaming lahat kay Kelly nang nagsimula nanaman syang umiyak habang kumakain.

Lahat kami niyakap sya at hinimas ang likod nya pero hindi namin sya mapatahimik.

"Kelly ilabas mo na kung anong nararamdaman at iniisip mo para hindi ka na mahirapan pa" -Nadz

"Nararamdaman ko? Iniisip ko? Iniisip ko kung bakit nagkaganun kami! Iniisip ko kung ano ba talaga ang nangyari bago nya ko sunduin! Nararamdaman ko? Nararamdaman ko na hindi na ako belong sa inyo! Wala na akong lugar!"

"Kelly nagkakamali ka ng iniisip mo. Hindi ka namin iiwan lalo na ngayon. Pare pareho tayong nawalan, Kelly. Hindi lang ikaw" -Angeli

"Oo nga." -Troy

"Kelly.. alam kong mahirap tanggapin. Pero kayanin mo naman. Kung nakikita ka man o katabi mo man si Kiefer ngayon, hindi sya matutuwa! Kelly, ang gusto lang ni Kiefer, ang maging masaya ka" sabi ko sa kanya.

"Okay" sabi niya lang kaya napakibit balikat ako.

Pagkatapos ng kainan namin, niligpit na ni Nadz yung pinagkainan. Nanuod lang kami sa TV ng kung anong palabas at sumakto yung the fault in our stars sa star movies kaya nagtinginan kami.

"Lipat nyo" -Troy

"Iba nalang"-Kai

"hbo" -Third

Ililipat palang sana hbo, nakita na namin na umiiyak si Kelly kaya lumapit agad ako at niyakap sya.

"Shhh... don't cry Kelly."

"Hindi ko na mahinto to, Coleen. Namimiss ko na sya. Hindi ko na alam sino pa magpapasaya sakin"

"Kaya mo yan, Kelly. Nandito pa kami."



Gone (Campus Queens 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon