"What do you need?" Malamig na tanong niya sa akin na ikinagulat ko.

Mula sa pagkakasilip sa may pintuan ng kusina ay napaiktad ako. "Uhmm...magpapaalam sana ako" parang nagaalangan pang sambit ko.

Kitang kita ko ang pagkakakunot ng noo nito. "For what?" Parang tamad na tanong pa niya sa akin.

"Makikipagkita lang ako sa nga kaibigan ko, ikakasal kasi si justine" sagot ko sa kanya.

Medyo matalaga itong hindi sumagot pero hindi din naman nagtagal ay nagsalita na din ito. "I dont care about your plans sofia...ang sa akin lang, basta wag mong dadalhin ang anak ko sa labas ng hindi ko alam. Baka maisipan mo nanamang ilayo siya sa akin" mapanuyang may kasamang sumbat na sabi pa din niya sa akin.

Hindi na ako kumibo pa, sandali lang akong nabato sa aking kinatatayuan bago ako nakayukong lumabas ng bahay. He doesn't care about me, i should have known that before i enter his house pero kahit papaano ay masakit pa din.

Bakit nga ba masakit pa din sofia?

I dont know, maybe i just want a respect? For being the mother of his child? Do i need that? Does it really matters?

"Yes! Blooming!" Hiyawan ng mga kaibigan ko pagkadating ni justine, hinatid pa siya ni Sir dion sa mismong kinauupan naming round table.

"Enjoy girls ok? Dont drink too much...babe not too much aryt?" Malambing na baling nito kay justine na lalong naging dahilan ng paghihiyawan ng mga kaibigan namin.

"Pumili na kayo ng designs" pagpupumilit ni justine, she is really excited for the wedding. And also hands on pa siya masyado. Well ganuon siguro talaga.

Busy ang lahat sa pagpili ng mga designs ng gown ng bumaling sa akin sina rea at glayn.

"Akala ko talaga uuwi ka ng iloilo eh" pangaasar ni glayn sa akin.

"Dapat sana...ang kaso bumagsak ako sa bahay ni sir zach" matamlay na sagot ko sa kanila na lalong ikinalaki ng kanilang mga mata.

"Oh my gosh! Duon ka na nakatira?" Di makapaniwalang tanong ni rea.

"Yeah, pero pwede bang wag na lang nating pagusapan?" Pakiusap ko pa sa kanila.

Sa kalagitnaan ng aming pagtatawanan ay may sinabi si Christine. She is straightly looking at me na para bang hinihingi niya ang aking pagsangayon.

"Darating si lyndi, she is still part of these right?" Paghingi ng suporta ni christine sa mga kasama namin.

Tumango ang iilan kabilang ako. Past is past. Kung ano man ang mga nangyari nuon, dapat ay duon na lang iyon. Marami ng nagbago ngayon. Everyone is matured now.

"Si lyndi" sambit ni ella.

Lahat kami ay napatingin sa may pintuan. Si lyndi nga, still the old color of the skin, she is still the same. Difference is she has her baby bump now.

"Oh my gahd! Preggy ka! Walang hiya ka ang tagal mong nawala!" Hiyaw ni cristine sa kanya.

Halos lahat ay namiss siya. Wala ding ginawa ang iba kundi ang yakapin siya at kamustahin. Ni hindi nga niya magawang tapunan ako ng tingin. Guilty huh?

"At sino ang ama?" Tanong ni jochelle habang nakaturo sa sinapupunan nito.

Lyndi smiled widely na para bang kinikilig kilig pa siya. "Si kenneth" sabi pa niya.

"Anak ng!" Halos mapasinghap ang lahat.

Naging busy sila kay lyndi sa kung paanongsa lahat ng mga nangyari nuon ay sila pa din ni sir kenneth ang nagkatuluyan. Why did someone got better? Dahil hindi naman nila ako pansin ay lumabas sandali ako nb restaurant para magpahangin.

Kailan ba ako magiging masaya? "Sofia..."

Nilingon ko ang tumawag sa akin at napakunot ang noo ko ng makita kung sino ito. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko pa sa kanya.

"Kamusta ka na?" Tanong niya sa akin. The bitchy lyndi was gone.

Naningkit ang aking mata dahil sa kanyang itinanong sa akin. "Do you really need to know?" Tanong ko pa sa kanya.

Imbes na maOffend o manahimik ay ngumiti pa ito. "I hope your ok. I know this is too late sofia, but im sorry...for everything that i have done before" sincere namang sabi pa niya sa akin.

"Tapos na iyon lyndi" sagot ko na lang sa kanya.

Maaga kaming umuwi, everyone sas busy with their life. Sa pagiging ina, asawa, empleyado o nagmamayari ng bussiness. I want to be successful as them.

Sumakay ako ng taxi pauwi sa bahay ni sir zach. Sobrang tahimik nito kung titingnan mo sa labas. Malaki at maganda ang bahay, pero parang wala namang kabuhay buhay.

"Good evening po ma'm sofia, buti na lang po at umuwi na kayo. Kanina pa po umiiyak si zeus, hinahanap po kayo" salubong sa akin ni flor. Dahil sa nadinig ay mabilis akong umakyat patungo sa kwarto nito.

Gustong gusto kong lapitan ang anak ko pero napahinto ako dahil sa matatalim na tingin na isinalubong ni sir zach sa akin.

"Where the hell did you came from?" Mahinahon pero pagalit na tanong niya sa akin.

"Sa...sa mga kaibigan ko, nagpaalam naman ako ah" parang nagtunog defensive na paliwanag ko dahil sa takot kay sir zach.

"I know! Pero kailangan bang ganito katagal? Ganito din ba ang ginagawa mo sa anak ko dati?" Pasumbat pa niyang sambit muli na parang isang gatilyo ng baril na nagpabuhay sa akin.

"Hindi, naninibago lang siya ngayon dahil...hindi ka naman niya kilala" di ko napigilang sabihin na mas lalong ikinagalit niya.

Napangisi ito at bahagyang napatawa. "You've done too much for today sofia, hindi mo magugustuhan pag napuno pa ako" pagbabanta niya sa akin tsaka ako mabilis na tinalikuran.

Hindi ko talaga alam kung saan nanggagaling yung malalim na galit niya sa akin. Napapaisip tuloy akong umalis na lamang dito at dalaw dalawin ns lamang si Zeus.

Pagkapasok ko sa aking kwarto ay hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng aking mga luha. Everyhting is too much for me today. Seeing all my friends happy and contented with their lives i feel useless.

Dahil takot na magtama muli ang landas namin ni sir zach ay mas pinili ko na lamang na layuan siya. Lalabas lang ako sa kwarto pag nasigurado kong nakaalis na siya papunta sa opisina. Magkukulong naman akong muli sa kwarto pag alam kong papauwi na siya.

Mga ilang araw kong nagawa iyon pero napakaimpossible nga naman talaga sigurong hindi kami magkikita gayong nasa iisang bahay lamang kami nakatira.

"You can take your review sa university para sa june licensure examination" seryosong sabi ni sir zach sa akin na ikinagulat ko.

Dahil siguro hindi ko siya nasagot ay siya na ang sumagot para sa akin.

"Dont reject my offer sofia, para naman ito sayo" sabi pa niya na nagbigay pagasa sana sa akin pero mukhang nagkakamali talaga ako.

"At para na din kay Zeus. Ayoko naman na lumaki ang anak kong ang kikilalaning ina ay ni walang kahit anong maipagmamalaki" that was so damn painful.





(Maria_CarCat)

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)Where stories live. Discover now