Parang may kung anong humaplos sa puso ko ng marinig ko ang pagtawa ni sir zach. Pinasadahan din ng kanyang kamay ang ulo ni zeus para haplosin.

"And...Mommy!" Sigaw niya ng mapansin niya akong nakasilip sa may pintuan.

Ang nakahigang si sir zach na nakatalikod sa aking gawi ay kaagad na napaupo. At dahil nakita naman na nila ako ay binuksan ko na ng malaki ang pintuan at pumasok na ako duon.

"Mommy! Mommy!" Parang nagmamakaawang tawag sa akin ni zeus habang nakalahad ang kanyang mga kamay.

Ang blankong tingin ni sir zach sa akin ay nailipat sa aming anak. Hinawakan nito ang likod ni zeus para alalayan. Kahit naiilang ay nilapitan ko na lamang si Zeus at tsaka siya kinarga na kaagad naman niyang ikinatuwa dahil binasa ng kanyang laway ang aking pisngi dahil sa kakahalik.

Halos mapaduwal pa nga ako ng yakapin ako nito ng mahigpit sa may leeg at tsaka parang nanggigigil pang tumatalon talon.

"Just close the door pagnapatulog mo na siya" malamig na sabi sa akin ni sir zach at walang lingon lingon kami niting iniwan duon sa may kwarto ni zeus.

Kahit papaano ay parang may kung anong kumurot sa aking puso, iniisip ba niyang hadlang ako para sa oras nila ni Zeus? Hindi ko naman talaga siya masisisi, halata naman kasing uhaw ito sa oras na kasama ang anak.

"Sleep ka na baby ha, tingnan mo yung room mo ang ganda oh...big boy na talaga ang baby ni mommy" malambing na pangaasar ko pa dito habang ibinababa siya sa kanyang kama.

Kaagad itong gumapang patungo sa may unan at duon humiga. Nakatingin siy sa akin na para bang hinihintay niyang sumunod ako sa kanya kaya naman pinagbigyan ko siya.

The manly scent of sir zach first captures my senses. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang init niya sa may kama dahil sa kanyang pagkakahiga. Nagtaasan ang aking mga balahibo ng isiping kanina lamang ay siya ang nakahiga dito.

Konting tapik at kanta lamang ay mabilis ding dinalaw ng antok ang aking anak. Inayos ko ang kanyang pagkakahiga para masiguradong hindi siya malalaglag. Bago ako tumayo mula sa pagkakaupo sa magarang kama ni zeus ay napatingin ako sa kanyang buong silid.

All of these things in just a snap kayang doblehin o triplehin ito ni sir zach, he was a hell of a billionaire. Nuon pa man ay nakahiga na ito sa pera. Ano pa kaya ngayong siya na ang may hawak ng lahat ng bussiness nila ng pamilya niya.

Dahan dahan lang ang nagawa kong paglalakad patungo sa pinto pero bago pa man din ako makahawak sa may door knob ay bumukas na ito dahilan para muntik na akong mapasigaw mabuti na lamang at mabilis kong natakpan ang aking bibig.

"Dont make the food wait for you" mapanuyang sabi nito sa akin habang matalim ang kanyang tingin sa akin.

Gusto kong gantihan ang galit niyang tingin sa akin pero hindi na kaya ng powers ng mata ko dahil inaantok na din ako pero humihilab din naman ang tiyan ko sa gutom.

"Sorry" sabi ko na lamang at kaagad siyang nilagpasan.

Hindi naging madali ang mga sumunod na araw para sa akin, bukod kasi sa may tagapagalaga na ang aking anak ay pabalik balik lamang ako sa aking kwarto at sa kwarto ni zeus. Natatakot akong pumunta sa ibang parte ng bahay dahil baka hindi ako pwede duon. Lalo na't alam kong kung hindi dahil kay zeus ay hindi naman ako makakapasok o makakatira dito.

"I'll cook for my son, just let him sit in his baby chair" sabi ni sir zach sa tagapagalaga nito.

Akala ko ay magiging katulad ng ibang araw ito pero hindi pala. Hindi siya pumasok sa opisina nito o kahit sa may university. Di ko tuloy alam kung paano ko sasabihing kailangan kong umalis ng bahay.

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon