"Minsan darating karin sa point na mapapagod ka na Rica. That's what I'm feeling right now" tiningnan nya ko na may gulat sa mga mata. Hindi sya agad sumagot at basta lang nakatitig sakin na tila nag-iisip.

 

"I just hope you're not going to do something foolish Seven"

 

"I won't. And if I do, I have my reasons"

 

-------------------

 

Shan's (Tagalog)

 

Philippines...

 

Isang linggo na ko dito sa bahay. Nabobored na nga talaga ko eh. Halos kabisado ko na nga ang mga lines sa movies na paulit ulit kong pinanonood. Halos mamaos na rin ang mga singers dahil sa walang sawa kong pakikinig sa kanila. Maging yung natitirang libro sa library na wala akong interes basahin nabasa ko na. Siguro kung partygoer ako, hindi ganito kaboring ang buhay ko.

 

Pero at least matatapos na ang endless boredom ko dahil tinanggap ko na ang volunteer work sa Baguio. Hindi pa ko nakakapagpaalam kay papa pero bahala na. Bukas na kasi yun. Grabe eh noh bukas na ang alis ko pero hindi pa ko nagpapaalam haha. Pero kasi baka mabaliw na ko dito sa bahay pag hindi pa ko umalis. Kaya ako madalas nawawala kasi gustong gusto kong nagvovolunteer sa mga remote areas. Napakafulfilling kasi eh. Gustong gusto kong nakikitang ngumingiti ang mga tao lalong lalo na ang mga bata dahil natulungan namin sila. Hinding hindi ko ipagpapalit yun sa kahit ano sa mundo. Madalas kasama ko si Jiho sa mga ganitong activities. Nurse nga pala sya pero nag-aaral pa ulit. Sinasabay sa pagvovolunteer kasama ko. Gusto atang magpakahenyo haha. Dapat ineenjoy nya lang ang buhay gaya ko haha. Ang bata pa naman nya eh. Palit na lang kaya kami ng age para masaya? Hahaha.

 

"Pa! Baguio ako. One week"

 

"Ano?? Hindi pwede. Gusto mong magrounded?"

 

"Sabi mo papa pag nagpaalam ako wala namang problema ah. Bakit ako magagrounded?? Saka isang linggo na ko dito sa bahay dahil ayaw mong gumala gala ako. Bakit ngayon ayaw nyo parin akong payagan??" nagmamaktol kong sabi. Kung hindi lang talaga akma sa edad ko, kanina pa ko naglupasay at ngumawa sa harap ni papa.

 

"Hindi nga pwede" tinutok lang ni papa ang paningin sa binabasang dyaryo at di na ko pinansin.

 

"Papa! One week nga lang yun eh. Saglit lang po yun. Sige na po!" nag-angat sya ng tingin sakin saka tiniklop ang dyaryo. Seryoso nya kong tiningnan. Oh gosh ayoko ng mga ganyang tingin ni papa. Masama ang kutob ko sa mga ganyan eh para kong bibitayin. Waaahh!

 

"Palitan mo ko sa office for one week bago kita payagan"

 

"Po?!" napalakas kong bulalas. Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Hindi na nga ako pinayagan may ganun pang kondisyon. Huhu! Pakamatay na kaya ako?

 

"Eh bukas na po yun! Pwede pagbalik ko na lang? Please papa!" ayoko talaga pero kung makumbinsi ko si papa, magdadahilan na lang ako pagbalik ko para hindi ko sya palitan.

 

"No. Sige limang araw. Tawad na yan at wala ng bababa pa. Take it or leave it"

 

Seven and Nine (FIN)Where stories live. Discover now