"Naya--"

"Wala kang karapatan, Calix. Wala kang karapatang magpakita sa akin... wala. Wala kang karapatan ipaalala sakin lahat. Wala kang karapatang pumunta sa akin at sabihing mahal mo ako." Mahinang bulong ko. Hindi ko mapigil maging emosyonal. Sobrang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Parang bumalik lahat ang sakit na naramdaman ko dati seeing him now standing here infront of me. "Pinutol mo na ang lahat ng karapatang mayron ka nang iniwan mo ko dito at pagmukhain akong tanga kahihintay sayo. You know what? These tears I do not shed them because of love, I am shedding them now because of anger. I hate you. I loathe you."

Napalunok ako at agad na nagpahid ng pisngi ko. Tinanggal ko ang pagkakahawak nya sakin nang marinig kong may sumigaw hindi kalayuan.

"Angel!"

It's Paolo. Nakangiti syang naglalakad papalapit sa akin.

Pinilit kong ngumiti kay Paolo. "Angel?" Pinilit kong tumawa at mabilis na naglakad papalapit din sa kanya.

He chuckled. Nang mapalapit sya sa akin ay agad namang napawi ang ngiti nya. "What happened? Umiyak ka ba?" Kunot noong tanong nya, nasa tono ng pagaalala.

I shook my head.

"Naya, who made you cry?" Hindi ako sumagot lalo na't alam kong nasa likuran ko lang ang gumawa non. Nakita kong napatingin sa kanya si Paolo kaya naman agad ko syang hinawakan sa braso. "Pao, tara na. You came here para sunduin ako hindi ba? Lets go."

Kahit wala akong ideya kung bakit nya ako pinuntahan dito.

Nilingon nya ako na para bang nagtataka. "How'd you know?"

"I just know. Tara na, malilate ako."

Hindi ko na siya hinintay makapag salita at hinatak na sya papaalis don.

Si Calix, nasa lugar parin niya, hindi ko rin naman alam kung ano ang nangyari sa akin at nagawa ko pa syang lingunin at tignan.

Why is he like this? Why are you acting like this Calixto? Hindi naman ikaw ang nasaktan, bakit ka ganiyan? Bakit ka umiiyak?



"So, you still love him?" Seryosong tanong ni Paolo sa akin habang patuloy parin sa pagmamaneho.

Kakatapos ko lang ikwento ang lahat lahat sa kanya dahil sa galing nya mamilit.

Umiling ako.

"Then why are you crying?" Tanong nya na parang hindi naniniwala sa sinabi ko.

"I don't know." Naluluha kong saad.

He heaved a deep sigh. "It seems like you still love him."

"No."

"That's what I see. Ngayon, pano na ako?" Mahinang boses na sabi nya kaya naman napasingkit ang mga mata ko. "Ano?"

"Nothing, angel." He tried to smile.

Takha ko syang tinignan nang muli kong maalala ang tinawag nya sa akin. "Somebody texted me earlier. Ikaw ba yun? Angel?"

"Yeah, Sandy gave me your number." Nahihiya nyang sabi. "I'm sorry, I haven't asked your permission." Napahawak sya sa batok gamit ang isa nyang kamay. Hindi ko mapigilang macutean sa itsura nya lalo na sa dimple nya na nagpakita nanaman.

Tumawa naman ako ng mahina. "No, it's alright."

"Thanks, Pao for coming to my rescue earlier."

"You're welcome, angel."

Hinatid nya ako sa school at agad din namang umalis dahil may trabaho pa sya sa hospital. Paolo kept on texting me, halos mayat maya niyang tinatanong kung anong ginagawa ko at kung ayos lang ba ako. Nakakatawa na rin dahil talagang pinanindigan nyang tawagin akong angel.

Meeting My Ex As My Professor [COMPLETED]Where stories live. Discover now