"I came to see you." Mahinang boses na sabi nya pero rinig na rinig iyon ng dalawang tenga ko.

Sinuri ko ang mukha nya. Nakatingin sya sa akin. Hindi ko mapigilang mapansin ang pangingilid ng mga luha nya.

"Oh, h-hi." Pinilit kong ngumiti kahit nanginginig ang labi ko. Hindi ako ready na makita sya ganitong oras. Ni hindi manlang nagbigay ng signal ang pagkakataon para naman nakapagready ako, hindi ganito. I was caught of guard.

Nanghihina ako bigla. Hindi ko alam. Siguro dala ito ng galit ko sa kanya. I hate this man at ganito naman talaga ako pag may kinaiinisan, madalas nangingilid ang luha ko. This tears just means nothing.

Hindi naman sya nagsalita, hindi umimik nakatitig lang sa akin.

"K-kamusta?" Nauutal kong sabi. I did my best to fake a smile. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na ibuka ang bibig ko

Lumunok sya dahilan para mula dito ay makita ko ang pagtaas baba ng Adam's apple nya. "I've missed you." Tanging sabi nya.

Hindi ako sumagot.

Seven years ago yun ang bukang bibig ko.

"Ahh." Tumango ako at tumawa ng mapait.

You left, Calix. You left me. You broke me. Iniwan mo ko para magpakasal sa ibang bansa, sa babaeng walang ibang ginawa kundi saktan ako sa lahat ng pagkakataon na makuha nya. Iniwan mo ako, Calix. You don't know how much damage you have caused me. Kaya wala kang karapatan para magpakita sa akin matapos ang pitong taon at sabihin na namiss mo ako.

Tapos na ako sayo, Calix. Wala akong ibang nararamdaman kundi galit. You showing up here brought me nothing but pain. Kung naiisip mo na kapag nagpakita ka sa akin wearing you apologetic face, everything will be alright, mali ka? Nothing can ever erase the big horrendous scar you left me.

"Naya, I missed you." His voice broke.

"Pumunta ka dito para sabihin yan?" Tanong ko.

Hindi nagsalita si Calix. Tinignan nya ako na tila may pangungulila sa mata.

Tumawa ulit ako. Pero ngayon hindi ko na napigilan ang mga luha kasabay non. Ang tanga ko, bakit ako umiiyak sa harapan nya?

Lumapit sya sa akin para pahiran ang mga luha ko pero umatras ako papalayo sa kanya. Umiling ako at nagpahid ng luha. "Don't touch me. Don't you touch me, lumayo ka sa akin." Madiin kong sabi. Tinignan ko sya ng diretso sa mga mata. "Matagal na kitang kinalimutan. Sobrang tagal na, kaya please, wag ka ng lumapit sa akin." Huminga ako ng malalim at agad na naglakad papalayo sa kanya.

"Naya, mahal parin kita." Narinig kong sabi niya dahilan para mapahinto ako sa paglalakad. "Naya."

"No." Huminga ako ng malalim at kinuyom ng sobrang diin ang kamao ko. "Wala kang karapatang mahalin ako."

"Naya." Sabi nya kasabay ng paghawak nya sa kaliwang braso ko, hinarap nya ako sa kanya, doon ko nakita ang mga luha nyang pumatak sa kaniyang pisngi.

Calix, bakit ganiyan ka?

"Naya, I'm sorry for leaving you behind. Patawad sa lahat ng nagawa ko. Sorry, please forgive me..." Yumuko sya. "Just please, love."

Napaawang ang bibig ko ng marinig ko ang itinawag nya sa akin. Love, he used to call me that back then. Grabe, ang tagal ng huli kong marinig yan. Ngayon nya lang nagawang sabihin sa akin, dahil ngayon lang sya dumating.

"Wala kang karapatang tawagin ako ng ganyan. Wala kang karapatang lapitan ako at sabihing mahal mo ako. Wala kang karapatang umiyak sa harapan ko ngayon dahil hindi naman ikaw ang nasaktan dito. Ikaw yung may kasalanan dito."

Meeting My Ex As My Professor [COMPLETED]Where stories live. Discover now