"Aizan," Hinihingal pa akong humarap sa kanya. Tinignan naman ako nito na parang di ako kilala. Walang emosyon ang mukha niya na hinihintay ang sasabihin ko. Napahawak pa ako sa tummy ko na sinundan naman niya nang tingin. Nang makita kong nakatingin siya sa tummy ko nag iwas naman ito nang tingin.

"C-Can we t-talk?" Medyo nauutal pang usal ko. Shit! Wala ng atrasan to!

Sumama na naman ang mukha nito na tinignan ako. Ano bang problema nito?

"We are talking already,"

"A-Aizan, don't be sarcastic. Let's talk in private. Not here." Naiinis narin ako sa inaakto niya. Naririnig niya ako kanena e, pero bat di siya huminto? Ano gusto gusto niya talagang hinahabol siya?

"Wh-"

Hindi ko na ito pinatapos at mabilis na hinawakan ang braso niya at kinakaladkad papalabas ng Campus. Napahinto ako nang
makita ko ang isang 7/11 store na malapit lang rin sa Campus. Mabilis na pumasok kami at hawak hawak ko parin siya. Thank God! At hindi naman siya nagrereklamo pa.

Nang makaupo na kami. Hindi ko naman mapigilan ang matakam sa ice cream. Marahan pa akong lumingon kay Aizan na mataman palang nakatingin sa akin.

"Aizan-"

"No. We are here to talk. So start talking now." Madiing saad niya na nagpayuko sa akin. Shit! Ang oa ko na. Hays! Pwede naman akong bumili mamaya e,

"Fine."

Napaangat naman ako nang tingin kay Aizan na tumayo na sa inuupuan niya at naglalakad na papunta sa counter. Parang bata naman ako napangite na sinusundan ko siya nang tingin.

Maya maya lang rin ay bumalik si Aizan nabitbit ang isang box ng 3-1 ice cream. Kumikinang naman ang mga mata ko nang makita ang flavor! Kaagad niya itong binaba sa table na kinuha ko naman agad.

"Thank you,magkano to?" Hindi naman sumagot si Aizan kaya hindi ko nalang ito pinansin at nilalantakan na kaagad ang ice cream. Shet! Napapadalas na ang kain ko nito. This is for my baby.

Nakakataba naman ng puso na ang Daddy mo pa ang bumili nito baby.

So habang kumakain ako ng ice cream napapalingon pa ako kay Aizan na tutok na tutok sa phone niya. Sino kaya kachat niya?
Parang naramdaman naman nito na humihinto ako sa kinakain ko. Kaya naman nag tama ang mga mga namin. Umiwas pa ito nang tingin bago humarap ulit sa phone niya.

"Are you done? Can you start talking? I still have many things to do Precious,"

Taimtim na nanalangin naman ako na sana ay maging okay ang lahat pag malaman na ni Aizan ang kondisyon ko.

"Come on. Ano ba ang gusto mong pag usapan natin?" Medyo nababahid na sa mukha nito ang inis at pagkainip.

Parang pinaglaruan naman ako nang tadhana kasi di talaga gumana ang bibig ko. Parang ayaw pa nitong bumuka. Shit! I'm fvcking scared! But I need to tell him the truth. Because he is the Father,

"A-Aizan,"

"What?"

"Ano-"

"Precious! Ano ba talaga ang sasabihin mo? Time is running!"

"A-Aizan,"

"Precious, if di mo pa sasabihin iiwan kita di-"

"I'm p-pregnant." Kumunot naman ang mukha ni Aizan nang marinig ang sinabi ko.

"So?" Balewalang sagot naman niya.

Shit! Anong klaseng sagot yan!

"And you're the father." Kabado kabadong nakatingin ako sa maging reaction ni Aizan nang masabi ko na sa kanya. Kaso iba ang inaasahan ko sa naging reaction niya malakas itong tumawa na kahit ang ibang costumer ay napapalingon sa pwesto namin. Kahit na ang nasa may chasier ay napapa "shh" pero patuloy lang si Aizan sa kakatawa. Naluluha pa itongnapapahawak sa tiyan niya habang patuloy paring tumatawa na nakatingin sa akin.

"A-Aizan, I'm serious,"

"Next joke Precious, Ano? Pagkatapos mong magpabuntis sa iba ipapaako mo sa akin ang anak niyo! Si Melmar ang puntahan mo at wag ako! Pinagloloko mo ako! Bestfriend mo ako! Hindi mo ba naiisip yan? Yan lumalandi tas pag nabuntis-"

Hindi ko na hinayaan pang tapusin pa ni Aizan ang mga maanghang na salita na lumabas sa mga labi nito. Kasi mabilis na lumapat ang mga palad ko sa pisngi nito. Natulala naman siyang napatingin sa akin.

"Oo! Bestfriend kita pero nakaya mo akong pagsalitaan ng ganyan! Hindi naman kita pinilit na akuin ito, sinabi ko lamg ito sa'yo para malaman mo na dala ko ang anak mo! At simula sa araw na ito Aizan! Kalimutan mo nalang na mag bestfriend pa tayo!" Mahabang litanya ko habang hilam ang mukha ng luha na dulot ng sakit na narinig ko kay Aizan. Di ako makapaniwalang ganun ang tingin niya sa akin. Malandi? Parang pinapatay ako sa mga salita niyang sobrang sakit. Salita lang iyon pero para itong kutsilyo na sumasaksak sa puso ko.

Kahit malabo na ang paningin  hilam ng luha ay pinilit ko paring makalabas sa store na iyon. Naninikip pa ang dibdib na umaagos ang luha, wala na akong iba pang naisip kundi ang umalis sa lugar na ito. Nang may humintong taxi ay mabilis akong sumakay rito.

I expect too much from you..

The Gay Who Got Me Preggy  Onde histórias criam vida. Descubra agora