"Ah. So gusto mo Ice cream? Ano ba naman-"

"Hindi ako kakain pag di ang ice cream na yan ang ibibigay mo," Umirap pa siya kay Aizan na napakamot nalang sa ulo. Si Mertylle naman ay naguguluhan sa inaakto niya.

"Okay bibilhan kita,"

"Gusto ko yang sa iyo!"

Nanlaki naman ang mga mata ni Mertylle sa sinabi niya. Never pa kasi siya humihingi ng sobra sa dalawa. At masyado siyang maarte sa paningin ng dalawa. Ngayon lang din nangyari na siya pa ang nag insist na yung sobra lang ni Aizan ang kakainin niya.

"Weird," Usal ni Mertylle at matiim siyang tinignan.

"Precious, baka sumama ang tummy mo nito. Wala pa yang laman kundi puro mangga at kakain ka pa ng ice cream. Ang weird mo talaga ngayon." Kunsimisyon na saad ni Aizan sa kanya.

Napataas naman ang kilay niya sa narinig na wala pang laman ang tummy niya.

Sus! Kung alam mo lang Aizan! May anghel ma nasa tummy ko. Napaka shooter mo!
Isang gabi buntis agad.

"Gusto ko kasi Ice Cream," Naramdaman ni Precious ang nanubig niyang mga mata.

Shit! Hormones..

"Shit! Umiiyak ka ba?" Nagpapanic na tumayo naman si Aizan sa upuan nito at nilapitan siya.

"Oh, ito na wag ka ng umiyak. Para kang bata,"

Hindi na niya pinansin pa ang sinabi ni Aizan at mabilis na nilantakan ang ice cream nito. Napangite naman siya ng malaki nang makita ang mangga sa harap niya. At mabilis niya itong dinampot at sinawsaw sa ice cream.

"Ew!"

"Yuck!"

Napangise naman siya sa reaction ng dalawa na nandidiri na tinignan siya.

"Ang dugyot mo Precious," rinig niyang saad ni Mertylle.Habang si Aizan naman ay parang masusuka na nakatingin sa kanya.

"Ang sarap,"

"Weird."

Ilang minuto lang rin ang lumipas at naubos narin ang ice cream at mangga.
Ngiwing ngiwi naman ang dalawa na tumingin sa akin. Ano bang problema nila? Masarap naman ah? Sus! Sila itong weird. Kumakain ng mabahong hamburger.

Naglalakad na kami papunta sa classroom namin habang ang dalawa walang imik parin. Mahahalata pang nangdidiri parin sila sa kinain ko kanena. Hindi ko nalang sila pinansin at inakbayan nalang silang dalawa.

"Precious? Okay ka lang ba talaga?" Napahinto naman ako sa paglalakad nang magtanong si Mertylle.

Ngumite naman ako rito at tinanguan siya. Si Aizan naman ay titig na titig sa akin. At heto na naman si puso tumitibok na naman kaya nginitian ko nalang din siya at umaaktong wala lang.


Pagdating nang uwian kasama ko ang dalawa na papalabas na nang Campus. Kalaunan ay nagpaalam si Aizan na mauna na raw siyang umuwi sa amin kasi may dinner pa sila sa bahay nila.

Hindi ko naman mapigilan ang sariling mapaisip kung ano kaya ang maging reaction nila Tita at Tito pagnalaman nilang ang nag iisa nilang anak ay may anak na. Ang inaakala nilang bakla ay may nabuntis na.

"Precious?"

"Hmm." Sagot ko rito at nakatingin parin sa malayo. Sinusundan ko parin nang tingin ang sasakyan nila Aizan.

"Punta tayo sa amin. Manood tayo ng movie. Wala na tayong bounding time together eh," Naguguluhan man ay tumango nalang ako rito. Never to nagyaya pag kami lang dalawa.

Maya maya lang rin ay dumating na ang sasakyan nila Mertylle at dahil di masyadong traffic mabilis lang kaming nakarating sa bahay nila..

Binati naman kami ng mga kasambahay nila na kilalang kilala na ako. Palagi kasi kaming tambay ni Aizan rito lalo na pag may project. Kaagad kaming umakyat sa kwarto niya.

Hindi ko naman mapigilan ang mapangite ng malaki nang makita ang malaki niyang kama. Hays! Para kasi akong hinihigop nito na dapat talaga akong humiga roon. Kaya wala na akong sinayang na oras at humiga na ako.

Nasa ganung posisyon ako nang maramdaman ko na umupo si Mertylle sa tabi ko.

"Beshy?"

"Hmm."

Nagbuntong hininga pa ito na parang kinakabahan. Napaupo naman ako na humarap sa kanya.

"May problema ba? Bakit?"

"Diba dapat ako ang magtanong sa'yo niyan? May problema ba Precious? Bestfriend mo kami ni Aizan pero nararamdaman ko talagang may tinatago ka sa amin. Ano bang problema Precious?"
Kumabog naman ng mabilis ang puso ko nang makita ang naguguluhan nitong mukha.

Shit! Baka nahahalata na ni Mertylle ang pagiging weird ko nitong mga nakaraang araw.

"Ha? A-ano naman?"Maang maangan ko pang tanong rito.

"You are not good in lying Precious,"

"H-hindi kita m-maintindihan Mertylle,"

"Are you pregnant?"

"Ha?"

Ito yung isa sa pangyayari s buhay ko na namamawis ako kahit sobrang lakas naman ng aircon nila Mertylle.

"Tumahimik lang ako nitong mga nakaraang araw. Pero nakikita ko talaga ang pagbabago mo. Ang weird mo. Lahat ng mga symptoms na pinapakita mo ay mararanasan lamang ng isang babaeng buntis. Nagsusuka? Namumutla, Napapadalas pa ang pagiging antukin. Pihikan sa pagkain at kumakain pa ng mga weird na pagkain. Sagutin mo ako, Are you pregnant?"

Hindi ko alam kung ano pa bang dapat kung isagot kay Mertylle kasi kahit na magsinungaling pa ako rito. Kilalang kilala na ako nitong babaeng to. Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko sa kanya. Bestfriend ko naman siya.

"Y-yes. I'm p-pregnant."

Nanlaki naman ang mga mata nito na tinignan ako. Hindi pa ito makapaniwalang napatingin sa flat ko pang tummy.

"W-wala ka namang b-boyfriend," Naguguluhang tanong nito sa kanya. Parang iniisip pa nito kung wala ba talaga siyang boyfriend or tinatago lang niya.

"Wala nga ba talaga?" Nanghihina itong napatingin sa kanya. Nababahid pa sa mukha nito na nagtatampo na ito sa kanya.

"No. W-wala talaga akong boyfriend." Diretsong saad niya rito.

"Gaga! Kung wala kang boyfriend then who impregnate you?"

Natahimik si Precious. Parang nawalan siya ng lakas na eh amin rito na si Aizan ang ama ng pinagbubuntis niya. Iniisip niya palang ito ay namumula na siya. Baka kung ano na naman ang matatanggap niya pag malaman nitong si Aizan.

"I'm waiting Precious,"

Malalim siyang nagbuntonghininga at tinigban ito sa mata. Bahala na talaga kung pagtawanan ako nito.

"Si A-aizan.."

"Ha? Did I heard it right? Si Aizan? Nagpapatawa ka ba Beshy? Ang baklang yon? Haha. Is this a prank? Haha.."

Napahinto naman si Mertylle sa kakatawa nito nang makita siya na seryoso parin ang mukha.

"Hehe. Nice joke!"

"I'm not kidding."

"Still, di na ako maloloko-"

"I'm not."

"Beshy haha. Try again, please!"

"Ikaw bahala. Kung ayaw mong maniwala. Basta sinabi ko na sayo ang totoo." Sagot niya rito at humiga na ulit.

Ilang minuto munang tahimik si Mertylle habang siya naman ay napapapikit na sa kama nito.

"Fvck! Is this real? Am I dreaming?!"

Napamulat naman ng wala sa oras si Precious sa sigaw ni Mertylle..

"Hey! Stop it! Ang sakit mo sa tenga Beshy!"

"Oh my God! May anak na kayo ni Aizan?! Nag sesex na kayo ng baklang yon! Oh my God!"

The Gay Who Got Me Preggy  Where stories live. Discover now