Nagtatanong ang mga matang nilingon ko naman si Mertylle. "Oh? Ano meron?"

"Hays! Baka lapitan ka ng mga yan! Kung wala siguro kami rito, I'm sure dumidiskarte na yan sa'yo," Nakangiseng sabi pa niya.

"Wala-"

"Anong meron?" Malakas na tumambol naman ang puso ko sa biglang pag sabat ni Aizan.

"May dalawang boylet kasi na kanena pa tinitignan si Beshy, feeling ko may mabingwit tong bruha na'to ngayon." Ngiteng ngite pa si Mertylle na tinitignan ako.

"Hmm. I think sa akin sila nakatingin."

Kaagad na kumunot ang noo ko sa sinabi ni Aizan. Kaya naman nilingon ko ulit yung mga lalaki kanena at yun nga nginitian pa ako sabay kaway.

"Oh mo! Feeling ko naramdaman na nila na pinag usapan natin sila kumaway na sa'yo Beshy!" Sabi na naman ni Mertylle. Si Henry naman at si Melmar busy at parang may sariling mundo.

"Yes, kumaway nga Hahha." Sagot naman ni Aizan na nakapaglukot sa mukha ni Mertylle.

Simula pa noon ngayon ko pa lang nakitang lumukot ang mukha ni Mertylle dahil sa narinig kay Aizan. Sa aming dalawa kasi ni Mertylle, siya itong sobrang supportive pagdating kay Aizan. Ewan ko lang ngayon bakit ganito nalang maka react si bruha.

"Aiza, hindi ikaw ang tinutukoy ko. May Melmar kana give chance to others naman. Para naman magkaboy-" Hindi na natapos ni Mertylle ang litanya niya ng sinamaan siya ng tingin ni Aizan.

"Tsk. So ngayon sinasabi mo na mas maganda pa si Precious sa akin?" Nakataas pa ang kilay na sabi ni Aizan.

Wala sa sariling napa irap naman ako sa ginagawa nila. Parang mga bata lang jusko. Mga kaibigan ko ba talaga ang mga to.

"Ano-"

"Kilala ko ang mga yan, look pupuntahan ko sila." Mayabang na saad ni Aizan. Sinusundan ko naman ng tingin si Aizan habang naglalakad sa table ng mga lalaking yun. Obviously, kilala nga niya ang mga boylets na nasa house nila ngayon.

Nginitian pa siya ng dalawang lalaki sabay tingin sa pwesto namin. Napansin ko pang may sinasabi pa ang mga lalaki sa kanya na nagpalingon sa kanya sa pwesto namin.

Hays ang dami namang lalaki ni Aizan, kala ko ba si Melmar lang ang kaagaw ko sa kanya.

"HAHAHA," Kaagad na nilingon ko si Mertylle na tawang tawa habang nakatingin sa mga lalaki kanena. Kaya naman sinulyapan ko din si Aizan na ngayon ay parang ang sama ng tingin sa dalawang lalaki.

"Anong problema niya?"Naguguluhang tanong ko kay Mertylle. Hindi na kasi ako luminon pa kanena no'ng na pansin kong ngiteng ngite na ang mga lalaki sa kanya.

"Eh kasi Beshy, sumama ang mukha ni Aiza HAHA,"

"Oh? Tapos anong nakakatawa dun?" Inosenteng tanong ko rito. Ano nga bang nakakatawa sa sumama ang mukha ni Aizan?

Naglakad naman si Aizan sa pwesto namin na masamang masama ang mukha. Kung hindi lang talaga binabae si Aizan, masasabi kong ang cute niyang magalit. Wait! Bakit ba siya nagagalit? Anong kinagalit niya? Ngayon ko palang nakitang ganito si Aizan sa ilang taon naming magkasama as bestfriends.

"Oh? Anong problema Beshy?!" Nagpipigil tawa na tanong ni Mertylle dito.

Walang imik naman na umupo sa tabi ni Melmar. Kaya napahinto ang pag uusap ni Melmar at Henry.

"Oh? Bakit anong nangyari sa'yo Aiza?" Naguguluhan din na tanong ni Melmar.

"Honey, anong nangyari?" Narinig ko pang bulong ni Henry kay Mertylle na nagpipigil tawa.

The Gay Who Got Me Preggy  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon