"What the?! Bakit si Henry Babes pa!" sigaw ng bakla with matching tayo-tayo pa.

YUCK?! Ano daw! HENRY BABES ? Kadiri!

"Tsk. Aizan, please, NASUSUKA ako." sabi ko sabay umaaktong nasusuka.

Anyway, Henry Dela Verde is one of the most Famous Hearthrob in our University. He's a 3rd year Engineering Student. And He's also one of my annoying suitor, na gustong gusto makuha ni Aizan. Yeah. It may sounds gross, pero yun talaga ang totoo, Gustong gusto talaga ni Aizan yang Henry Babes niya daw. YUCK.

Pero yun nga, isa si Henry sa mga manliligaw ko na hindi ko naman gusto, kasi iisa lang naman yung gusto ko rito, Which is si Aizan na mas babae pa sa akin. Nakakatawa nga lang isipin na parang nag mala "Love Triangle" kami, kasi ako gusto ko si Aizan, si Aizan gusto si Henry, Si Henry gusto si ako. Wow. Kumakapal ata yung mukha ko dun, Pero kasi wala talaga akong gusto kay Henry. Kaya sa tuwing lumalapit siya nababadtrip ako gaya kanena. At tsaka ayoko rin na malinked kay Henry kasi ayoko lang.

"PSH. Edi sumuka ka, PAKI ko ba? Ang pinapaki alaman ko lang naman ay yung Henry BABES ko." naka twinkle-twinkle pa ang mga matang ani Aizan.

"Bwuaakkk.. Nasusuka na talaga ako " sabay na sabi namin ni Mertylle.

Nakasimangot na inirapan naman kami ni Aizan. Nagpipigil sa tawa na nagkatinginan naman kami ni Mertylle. Alam na alam na kasi namin pag na badtrip si Aizan.

Ang nakasimangot na mukha ni Aizan ay napalitan ng nagliwanag na mukha na yari'y may anghel na bumaba galing sa langit. Nakakunot noo na sinundan namin ang tinignan ni Aizan. At doon namin nakita ang isang Adan.

"Oh my gosh ! Ang gwapo niya ! " tili ni Aizan sabay flip hair.

Tsk. Yuck. Ano daw ? Ang GWAPO psh. Mas gwapo ka pa kaya dyan Aizan !

"Aiza, LANDI mo talaga ano? Kung mag rereview ka nalang kaya dyan, Para naman mamaya may masasagot ka. Hindi yung puro Adan yung inaatupag mo. TSK" bulyaw ni Mertylle sa kay Aizan na kumikislap parin ang mga matang nakatingin sa ADAN daw.

"Mer. Ang gwapo niya. Siya ang pinaka gwapo sa lahat ng nakita ko rito sa University, Para siyang Anghel na nahuhulog sa Langit. " sabi ni Aizan at nagkikinang pa ang mga mata nang walanghiya.

Curios na tumingin naman ako sa lalaking sinabi niyang napaka gwapo daw. Sa pagkakaalam ko si Henry lang ang sinabihan niya ng ganyan eh.

"Oh my Gosh ! Papunta siya sa pwesto natin. Hihingiin niya na siguro ang number ko." Kinikilig na sabi ni Aizan.

Napairap ako sa kawalan ng makita ko ang mukha ng lalaki. Psh. Si Aizan nga naman. Chinito lang kaya yang lalaking yan, Pero hindi nman gwapo, Duh? Mas gwapo pa kaya siya dyan.

"Tsk. Chinito lang kaya yan. Gwapo ka agad mas gwapo ka pa kaya dyan Aizan." sabi ko sa kanya at sa huling linya binulong ko nalang.

"Huh? Ano nga ulit yun Beshy?" Naguguluhang lumingon sa akin si Aizan.

"Nothing.. Sabi ko chinito siya at bagay kayo." sabi ko at nginitian siya ng ubod ng plastic.

Nabigla naman ako ng biglang ngumite ng matamis si Aizan at nakatitig sa lalaking nasa harapan na namin na kanena lang ay pinag usapan namin.

Pati si Mertylle ay napahinto din sa pagbubuklat ng mga notes at tulalang napatingin sa lalaking nasa harap namin.

"Hi!" nakangiteng bati niya sa amin.

Namula naman si Aizan.

Tsk . kadiri ! Seriously? Kinikilig ba siya? PSH. Diyos ko?! BADING nga naman.

The Gay Who Got Me Preggy  Where stories live. Discover now