Hindi na ako nagulat sa sinabi ni Callum. Naiintindihan ko naman kasi kung ano yung sinasakripisyo ni Callum sa lahat ng ito. Eventhough kahit ngayon ay hindi pa din nagsisink in sa akin ang katotohanang hindi naman pala kami kasal. Marahil ay parang hindi ko na iyon pinagbigyan pansin perosa totoo lang minuminuto pa din iyong bumabalik sa aking isipan.

"Pero Callum, parang hindi ko pa kaya..." pabulong na sambit ko na para bang nahihiya pa akong sabihin ang mga bagay na ito.

"Hindi mo pa kaya ang alin sofia? Tell me" tanong at utos niya sa akin.

Ilang beses akong napalunok bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na sagutin ang tanong niya sa akin.

"Natatakot ako Callum. Takot akong bumalik sa kanya, takot aking maulit yung dati...takot akong mapalapit ulit sa kanya." Medyo namamaos na sabi ko na dahil sa halo halong emosyong nararamdaman ko ngayon.

Napatitig ako kay Callum pero naging malikot lamang ang mga mata niya. Para bang naghahanap at nagiisip pa siya ng pwedeng sabihin. Pero kalaunan ay nilapitan na lamang niya ako at tsaka niyakap.

Naging mabilis ang mga araw sa amin nila Callum. Nagawa pa nga naming magbakasyon sa resthouse nila sa tagaytay ng isang linggo. Wala din kaming ginawa kundi ang maglibot sa loob at labas ng maynila na kasama si Zeus.

Nagenjoy kami na para bang isang buong pamilya. Sinulit namin ang bawat oras na natitira pa sa amin.

"No! Want more!" Sigaw ni Zeus ng subukang ilayo ni Callum ang chocolate cake na kinakain niya.

Imbes na magalit ay napatawa na lang din ako dahil sa pinaggagagawa nilang dalawa.

"Daddy want this too" pangaasar ni callum dito.

"Me want more!" Mangiyakngiyak na sigaw nito habang nakaturo sa hawak hawak na cake ni callum.

"Tigilan mo na nga yan, ibigay mo na yan sa kanya" pagalit na sabi ko kay callum pero hindi naman naging effective dahil kahit ako ay napapatawa na lang din.

"See? Kakampi ko mommy" pangaasar pa ni Callum kay zeus na para bang totoong nagkakaintindihan talaga sila.

Truly, Good things must come to an end. I never knew na magiging ganito kabigat sa pakiramdam, i never knew na magiging sobrang masakit ang magiging paghihiwalay namin ni Callum. It should be full of joy and happiness pero hindi talaga maiiwasang sobra kaming malulungkot.

"You want this Sofia kaya wag kang umiyak diyan. Ako dapat ang iiyak..." maluha luhang suway ni Callum sa akin.

Pinahiran ko ang patuloy pa ding tumutulong luha sa aking pisngi habang natatawa na lamang din. "Im just happy for you callum" palusot ko na lang sa kanya.

Mukhang hindi naman talaga iyon bumenta sa kanya. "Wag mo na akong lokohin Sofia...wag ako" suway niya sa akin habang humihigpit lalo ang yakap niya sa akin.

No words can express how much grateful api am to have callum in my life. At walang kahit anong salita din ang makakapagpaliwanag ng nararamdaman kong lungkot dahil sa pagalis ni Callum. I should be strong, kailangan ko na ngayong tumayo sa sarili kong mga paa.

"Mamimiss kita. Sobra..." umiiyak na ngayong sabi ko sa kanya. Almost four years of being together is not a joke, lalo na't si callum ang kasama namin ni Zeus sa ups and downs ng buhay naming dalawa.

"Dapat lang...kasi mamimiss din kita ng sobra sofia, sobra sobra" sabi niya at tsaka ko naramdaman ang pagiyak din niya, hindi ko man nakikita na lumuluha siya ay nararamdaman ko naman ito.

Gusto ko pa sana siyang yakapin ng mas matagal at mas mahigpit pero siya na mismo ang unang bumitaw sa aming yakap. "Tama na to, baka hindi na ako makaalis nito. After a year magkikita naman ulit tayo eh...wala namang magbabago, ako pa din si Callum na kahit anong mangyari, isang tawag mo lang uuwi kaagad dito" paninigurado niya sa akin.

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)Where stories live. Discover now