Nakiupo na din si Aya at nakinood ng Tv. Napangiti na lang ako. Ganito kami noon,pero may kulang.

Bago matulog ay nagpasya akong puntahan si Flexter,last option ko ito. Kung kakausapin nya ako hindi ako tutuloy sa pag aartista at aayusin ko ang gusot na nagawa ko,hahanapin ko din si Cross para matapos na ang lahat. Pero kung wala akong mapala,tutuloy ako at mag mu-move on.

Kinabukasan ay maaga akong umalis,wala akong pinagsabihan kahit isa,gusto kong maaga kasi gusto kong maabutan na nasa bahay si Flexter. Ito ang huling baraha ko,kung hindi ko ito maipanalo,tatanggapin ko na talaga na wala na akong pag-asa.

"Kuya si Flexter po?" tanong ko sa guard ng makarating. Sigurado akong nandito pa sya,dahil natanaw ko sa garahe ang kotse nya.

"Nako Khalil! Bakit bumalik ka pa? Baka makita ka ni Miss Jana? Diba nasabi ko na sayo nung unang punta mo dito na pinagbabawal ka na nila dito? Kakasuhan ka ng trespassing." napapakamot sa ulo na sagot nito sa akin.

"Ha? Bakit? Hindi naman ako kriminal ah? Kakausapin ko lang si Flexter!"

"Pasensya na. Yon ang protocol,sumusunod lang kami. Umalis ka na bago maabutan." anito na tumitingin sa paligid.

"What are you doing here? You beggar and famewhore at the same time?" ani ng isang boses na hinding hindi ko makakalimutan. Nilingon ko ito. Si Janna,kasama si Flexter,parang katatapos lang nilang mag jogging.

Hindi agad ako nakapag salita. Parang umurong ang dila ko papunta sa lalamunan ko. Pag si Janna talaga ang nagsalita,iba ang dating. Tiningnan ko si Flexter,nakatingin lang sya sa akin. Blangko ang ekspresyon at walang emosyon. Parang hindi nya ako na miss,parang hindi nya ako kilala.

"N-nandito sana ako para,para maka usap si Flexter." ang mahina kong sagot. Naningkit ang mga mata ni Janna at naglakad palapit sa akin,ni hindi man lang sya pinigilan ni Flexter.

"Mag usap? Hindi pa ba sapat sayo na kahit papano ay binigyan ka nya ng kaunting panahon? Gusto mo pang kunin sya ng buo?" singhal sa akin ni Janna. Nilunok ko ang takot ko at tinapatan ang matatalim nyang tingin.

"Hindi ikaw ang pinunta ko dito. Si Flexter ang gusto kong makausap,hindi ikaw." taas noo kong sabi. Kasunod nun ay naramdaman ko na lang na mainit na ang pisngi ko at napaling ang ulo ko.

Sinampal ako ni Janna. Malakas iyon,ni hindi ko magawang maigalaw ang ulo ko.

"Hindi sya interesadong kausapin ka. Sinira mo buhay nya,sinira mo career nya. Sinira mo ang tiwala at paghanga ng mga tao sa kanya! Ngayon,nahihirapan syang makuha ulit ang mga iyon,dahil sayo! Maka-sarili ka! Masyadong mataas ang ambisyon mo! Isa ka lang baklang pulubi na namamalimos!" aniya at sinampal naman ang kabila kong pisngi. Hindi ko magawang lumaban dahil sa babae sya. "Ayan! Para pantay!" dagdag nya pa.

Nawalan ng saysay ang lahat. Pinilit kong huwag umiyak. "Sige na naman,kahit saglit lang miss Janna." pagmamaka awa ko.

"Hindi! Umalis ka na bago kita ipakaladkad sa mga tanod!"

Bumaling ako kay Flexter pero nag iwas sya ng tingin. Masakit,masakit pala ito kaysa sa sakit na naramdaman ko ng mga nakaraang araw. Masakit na tinitingnan lang nya ako at wala syang ginagawa. Masakit dahil tahimik nya akong itinakwil,tahimik nya akong tinalikuran.

"F-flexter?" pagtawag pansin ko pero tinalikuran nya ako at pumasok sa loob. Tinitigan muna ako ni Janna bago sumunod kay Flexter.

"Khalil." pagtawag sa akin ng gwardiya. Tiningnan ko sya,namumuo na ang mga luha sa gilid ng mga mata ko. Pero hindi dapat ako umiyak. "Itatawag na kita ng taxi,baka maabutan ka ng mga tanod,kilala ko si Miss Janna at hindi sya mangingiming gawin ang sinabi nya." dagdag pa nito. Tumango lang ako,at ilang saglit pa ay may dumating ng taxi.

Pagkauwi ay wala ng tao sa bahay. Nasa trabaho na siguro sila. Mas mabuti na to,ang walang makakita sa pagka miserable ko,ayokong maapektuhan sila dahil sa akin,ayokong problemahin nila ang problema ko.

Pumunta ako sa kusina at naghanap ng pagkaka abalahan. Magluluto na lang o gagawa ako ng dessert para mamayang gabi,dito ko muna ida-divert ang panahon ko. Ayoko ng umiyak,nakakasawa. Ako ang gumawa at pumili nito,ito ang daang tinungo ko kaya nandito ako,dapat ko na lang panindigan. Nabuhay ako ng labing syam na taon na walang pag ibig,at kaya ko pang mabuhay ulit ng wala ng pag ibig.

Inabala ko ang sarili ko sa pag gawa ng dessert. Graham ang naisipan kong gawin,yung may mangga,gatas at at chocolate,maliit na pambawi sa mga panahong wala ako dito.

Pakanta kanta pa ako habang ginagawa ang graham. Ngayon lang ako kumanta dahil wala naman akong hilig dito. Pero may mga minutong bigla na lang akong matitigilan at maiisip ang mga nangyari. Ni sa panaginip ay hindi sumagi sa akin na mararanasan ko ang lahat ng ito. Simple lang naman ang buhay ko noon,nagbago lang ang lahat ng mapunta ako dito.

Natigil lang ako sa pag iisip ng malalim ng mapansin kong tapos na pala ako. Nilagay ko muna ang graham sa ref saka nilinis ang mga kalat ko.

Nagwawalis na ako ng may madinig akong yabag na pababa sa hagdan.

"May tao na? Bakit hindi ko man lang namalayan?" sabi ko at nagtuloy na lang sa pagwawalis sa kusina.

"Aya? Kayo na ba yan?"

Natigil ako sa pagwawalis ng madinig ko iyon. Napatayo ako ng tuwid. Pakiramdam ko nga ay nanigas akong parang yelo. At ang tahip ng dibdib ko ganon na lang kalakas at kabilis.

"Khalil?" mas malinaw na ngayon ang boses. Boses na hinding hindi ko makakalimutan. Boses na kahit pagtulog ay nadidinig ko.

Para akong naghahyperventilate,kinakapos ako ng paghinga,normal ba ang ganitong reaksyon. Hindi na ulit sya nagsalita,kaya huminga ako ng malalim at hinarap sya.

Nakatitig lang sya sa akin. Ang mga mata nya,kahit limang dipa ang pagitan namin para akong hinihigop,para akong nilalasing. Tulad ng dati ay naka boxers shorts lang sya.

"Nandito ka na pala." aniya.

"Cross."

Pangarap Ko'y Ikaw (boyxboy) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now