"dee nakita niyo po ba si baby Dan?" tanong niya sakin

umiling naman ako. hindi ko napansin na andito pala si Danny. Yun nga ang nakakapagtaka, araw-araw akong andito pero madalang ko lang makita ang mga kapatid ni Mie.

Si Candy nga lang ang nakita ko nung dumalaw siya rito. Sina Bryan at Danny ay hindi pa. Sabi naman ni Mie ay busy sila pareho. Dumadaan naman daw sila ang kaso nakauwe na raw ako ng mga oras na yun.

"hanapin ko lang po siya dee" sabi niya sakin sabay alis.

Ilang sandali lang ay nakita ko na ang girlfriend ko na may dalang tray ng pagkain para sakin.


ARMIE POV

Hindi maalis ang ngiti sa labi ko sa tuwing naalala ko ang mga nangyare kanina sa garden. para lang kaming teenagers na kinikilig sa isa't isa. I never imagined it can happen. Matagal na kong sumuko na mamahalin niya ako.

Okay na sa akin noon na mahalin ko na lang siya sa malayo. Na sapat na ang anak namin para maging masaya ako. Nagkamali pala ako dahil walang paglalagyan ang happiness na nararamdaman ko ngayon.

"Hindi na naalis ang ngiti mo" sita sakin ni Cass

"hayaan niyo nga. ngayon lang yan" sabi naman ni Diane

"parang baliw lang" natatawang pahayag naman ni Kate

"matagal ng baliw yan kay Nav diba? at least ngayon mutual na" sagot ulit ng pinsan ko.

naririnig ko sila pero hindi naman ako napipikon. Ganito nga siguro ang in-love. nalalait kana nakangiti ka pa rin.

"sige pakasaya ka na at baka bawiin din yan sayo kapag sinabi mo na kay Nav ang totoo" sabi ni Kate

"tsss!" panira talaga ng moment itong si Kate eh. "hindi ba pwedeng lasapin ko muna ang kilig at saya Kate?"

"kaya nga! yun naman ang sinasabi ko"

"well couz my point din naman si Kate dun. I mean just prepare yourself for the worst"

"worst talaga?"

"naman para hindi ka masyadong masaktan." sagot niya

napabuntong hininga naman ako. hindi ko alam kung mga kaibigan ko ba sila or not. kasi naman dapat pa bang isabay pa yung problema ko ngayon? ngayon na masaya ako? hindi ba pwedeng bukas na lang?

"pero hindi nga Mie, umiyak talaga si Nav kaninang sinabi mo na mahal mo siya?" usisa ni Cass

kinikilig na tumango naman ako.

"ayyyyy!" sigaw nila.

"nakakamiss naman yan" sabi niya pa.

"oo nga eh. naalala ko pa nung sinagot ko din si Paul" masayang sabi ni Diane. naiimagine na niya siguro yung nakaraan nila ng asawa niya.

"pero wala ng tatalo sa dalawang to na isang dekada muna ang pinalampas" patukoy ni Kate sa amin ni Nav.

"at least worth it. ang saya ko talaga ngayon" sagot ko.

"nakikita namin" pairap na sagot ni Kate.

"wait lang ah. hindi ko na nahanda ang pagkain ni Nav" sabi ko. paano ba naman inuna muna ang kwento at kilig.

"sus! baka ikaw ang gustong kainin nun" pang-aasar ni Kate

"tse!"

"naku sinasabi ko na sayo Mie. iba na ngayong kayo na. wala ng limitation"

"naku yang iniisip mo. hindi pa kami kasal no"

"wow naman nahiya naman si Paige sa sinabi mo. limang taon na nga ang anak niyo"

UNBEARABLE DesireWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu