At dahil hindi pa tapos kumain si Zeus ay binilin ko na muna siya sa kanyang tagapagalaga.

"Good afternoon po ma'm sofia" bati nito sa akin pagkalabas ko sa may sala.

"Good afternoon din andi, wag mo na akong tawaging ma'm sofia" natatawa tawang suway ko pa sa kanya dahil mukha namang hindi nagkakalayo ang edad naming dalawa.

Umupo ako sa upuan sa kanyang harapan. Napansin kong hindi kagaya ng dati niyang punga at nakapostura ito ngayon. Sabi ko na nga ba't maganda talaga siya pagnaayusan.

"Wala pa dito si callum...mamaya pa ang dating nuon" sabi ko sabay tingin sa aking wrist watch.

"Kayo po talaga ang sadya ko" sagot niya sa akin.

"Ako? Bakit anong kailangan mo sa akin?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

Matagal bago ito nakasagot. "Uhm...gusto ko po sanang humingi ng tulong sa inyo para pilitin si Sir Callum na sumama sa amin papuntang greece" sabi niya sa akin.

"Pasencya na andi pero wala sa akin ang desisyong iyan, si callum pa din ang masusunod sa gusto niyang mangyari sa career niya" pagpapaliwanag ko dito.

Ang kaninang medyo nahihiya niyang mukha ay tumapang na ngayon na para bang mayroon talaga siyang gustong ipaglaban.

"Pero kayo lang naman po ang dahil kung bakit hindi siya makakasama sa amin" diretsahang sagot niya na kahit papaano ay ikinagulat ko din naman.

Dahil totoo ang kanyang sinabi ay natahimik na lamang ako kaya naman siya na ang kumuha ng pagkakataong magsalita.

"Alam kong gusto din ni Sir Callum na pumunta sa greece, kailangan niya din iyong trabahong iyon. Deserve niyang maging masaya ay maabot lahat ng mga pangarap niya" laban niya sa akin na ikinakunot ng aking noo.

"Sandali lang andi, baka nakakalimutan mong asawa ako ni Callum" medyo may diing pagpapaalala ko sa kanya.

"Alam ko po, at alam ko din na hindi mo siya mahal...palagi mo na lang siyang sinasaktan. Ginagamit mo lang siya!" Dugtong pa niya at medyo tumaas na ang kanyang boses.

Dahil sa pagkagulat ay bigla akong tumayo at hindi ko napigilang sampalin siya.

"Umalis ka na dito" matigas na sabi ko at tatalikuran ko na sana siya nang muli pa siyang magsalita.

"Hindi din naman anak ni Callum ang anak mo, lalo mo lamg siyang sinasaktan...araw araw mo lang siyang sinasaktan" medyo pumipiyok nang sabi nito sa akin.

Dahan dahan ko siyang nilingon at duon ko nakitang unti unti na siyang umiiyak. "Bu...buntis ako, at si Callum ang ama" nanginginig na sambit niya na halos ikinalaki ng aking mata.

Napahawak na lang ako sa aking dibdib. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon sa aking nadinig. Parang bigla aking pinutulan ng dila dahil sa kanyang sinabi.

"Hindi sinasadyang may nangyari sa amin sa singapore, pero hindi ko iyon pinagsisisihan. Mahal ko si Callum at handa akong ibigay sa kanya ang kumpleto at buong pamilya na hindi mo kayang ibigay sa kanya" matapang na sabo pa niya sa akin.

Hindi ko namalayang unti unti na palang tumutulo ang aking mga luha. Dapat akong magalit dahil kahit anong sabihin nila ako pa din ang asawa ni Callum. Pero dapat din naman akong mahiya dahil hindi ito mangyayari kung hindi ako nagkulang kay callum. Ako pa din ang may kasalanan.

"Hindi pa niya alam, balak ko sanang duon sa greece ko na lang sasabihin sa kanya" paalala pa sa akin ni andi.

Hindi ko na din naman siya hinintay pang makatapos sa sasabihin niya dahil mabilis na akong naglakad patungo sa kusina at tsaka dinaluhan ang aking anak.

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)Where stories live. Discover now