"I am leaving for LA tomorrow."

Agad akong napaangat ng ulo sa sinabi ni Calix. "What? Why?"

Bumuntong hininga sya at marahan akong hinatak upang muli akong yakapin. "My dad... he's critical. He needs his family there. Nandoon na sila Kairo at mom. I was just told earlier how drastic his health going downhill. I'm sorry, Naya."

Inangat ko ang ulo ko at sinalubong ang mga malulungkot na mga mata ni Calix. That explains why. This must be really hard for him. Marahan kong hinaplos ang pisngi nya. "I'm sorry about your dad, Calix..." I sighed. "You're leaving tomorrow. For how long will you be gone?"

"A month... maybe less." He sighed. I can feel Calix's hand on my back softly and slowly touching it. "I'm gonna miss you, damn it."

Tumango ako.

One month at sa ibang bansa. Nung umalis sya dati three days lang at Baguio lang, yun lang iyon pero grabeng grabeng pagkamiss ang naramdaman ko. Ngayon pa kayang malayo at matagal?

Pero wala naman akong karapatang pigilan sya. Dapat nga ay pinapalakas ko ang loob nya dahil tungkol ito sa pamilya nila. I can't be selfish. I don't want to burden him. He has a lot of things to worry about ayokong dagdagan pa iyon.

"Ngayon palang namimiss na kita." Mahinang boses na sabi ko.

Hapon ang alis nya kayat madaling araw palang ay bumyahe na kami papauwi sa manila. Umuwi ako sa bahay habang siya ay inasikaso ang lahat.

Kinahapunan ay hinatid namin sya ng airport. Nakakalungkot dahil hinahatid ko ang taong to papalayo sa akin. Hindi ko alam kung anong mayroon sa akin dahil kahit alam ko namang one month lang siya sa malalayo ay hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

Masamang kutob? No, wala namang ganoon.

Pupunta lang sya sa malayo at babalikan naman nya ako.

"Pinapatawag na yung may flight pa-LA, Naya. Bitawan mo na yung kamay niya, baka ma late pa si Sir." Bulong sa akin ni Sandy habang nakatingin sa kamay ko na nakahawak ng mahigpit sa kamay ni Calix.

Ayokong bitawan pero wala din naman na akong nagawa kundi gawin iyon.

"Bye sir!" Nakangiting sabi ni Sandy. Tumango lang naman si Baste kay Calix na mukhang walang balak magsalita. Sinamahan ako ng dalawa na ihatid si Calix.

"Sige, sir. Ako muna bahala kay Naya sa one month na wala ka. Ingat na lang doon." Nakangitng sabi ni Sandy.

Tinanguan sila ni Calix ng nakangiti at nagthank you.

"How about you, love?" Tanong ni Calix na nagpabalik sa wisyo ko. He smiled. "Alagaan mo ang sarili mo."

I nodded.

"Take care of yourself, okay?"

Again, I nodded.

"I promise I'll be back."

Hindi ako sumagot at tinitigan lang sya. Alam ko na kapag binitawan ko ang kamay nya hindi ko na iyon muling mahahawakan pa.

"Don't worry, love. You passed my subject." Tumatawang sabi nya na halata namang chini-cheer up ang mood ko.

Alam ko namang babalik sya pero feeling ko pag sa oras na binitawan ko ang kamay nya wala na akong mahahawakan pa ulit.

"Smile there, love. Smile for me."

Ngayon palang talaga pakiramdam ko may mali. Pakiramdam ko mawawala sa akin si Calix. Huminga ako ng malalim at pilit na tinaboy ang tumatakbo sa isip ko.

"Bumalik ka ha?" Sabi ko at niyakap sya ng sobrang higpit. "Balikan mo ako dito."

Naramdaman ko ang paghaplos nya sa buhok ko. "I promise, I will."

Meeting My Ex As My Professor [COMPLETED]Where stories live. Discover now