Para akong tangang nabato sa kinatatayuan ko. Is she confessing that she still loves Calix? Oo, narinig ko she's still in love with him.

Iba to. Hindi ko alam ang irereact ko ni hindi ko maibuka ang bibig ko para magsabi ng kahit anong salita. I just find this odd having her in front of me, confessing love for the guy I am with.

"I still love Axel." Iniwas nya ang tingin sa akin at ngumiti ng malungkot. "And that's pathetic. This is pathetic, I'm sorry."

Mainam nalang at walang taong nakakakita sa amin, kami lang ang nandito sa isang parte ng garden ng hotel malapit sa paggaganapan ng kasal. Dahil kung may makakakita saamin at makakaalam ng sitwasyon naming dalawa, they'll surely find this as weird as I do.

"I was so excited to see him yesterday. I badly want to talk to him. I wanted to reconcille. I did him wrong, I know." Umiling sya ng paulit ulit at napatawa ng mahina sa sarili.. "Almost four years ago, alam kong nasaktan ko sya. Mas pinili ko ang pangarap ko over him. I left him and decided to fly abroad to study there kahit hindi nya gusto iyon. Wala dapat akong asahang may mababalikan pa. I know, wala akong karapatang bumalik pa sa kanya."

Tahimik lang ako. Hinihintay ko ang susunod nyang sasabihin.

Nakita kong tumulo ang luha nya at napapikit sya ng madiin.

Nasasaktan sya, ako din. This is heartbreaking, malaman mong mahal nya talaga si Calix sa bawat salitang mga binibitawan nya. I just can't help to feel bad for Cassie.

"Naya..." she softly called my name.

"Mahal ko si Calix." Tanging lumabas sa bibig ko kaya naman nilingon nya ako at nginitian. "I know, I can see it."

"I've been planning to tell him how I feel. To tell him that I want him back. But you know, Naya? I don't think it would do anything. Kitang kita ko kung gaano ka nya kamahal. Magmumukha lang akong tanga kung sasabihin ko pa ito sa kanya. Beside, I think Axel deserves happiness. Makita syang nasa tamang tao, I know he'll not get hurt, I know you'll not hurt him." Lumapit sya sa akin at niyakap ako. "I'm sorry, Naya for telling you this. I'm sorry to blurt it out. Don't worry, hinding hindi ko susubukan kung anoman ang mga naisip ko. Ikaw ang mahal nya ngayon, mahal nya, I know, Naya. I just hope the two of you the best."

Niyakap ko rin sya pabalik at tumango.

"I'm sorry and I hope na walang magbabago. Please don't be awkward with me around, we can still be friends kahit ganito." I sensed her smiling that's why I smiled too. Napagpasyahan din naman agad naming bumalik sa hotel room kung nasaan ang ibang girls.

At quarter to two natapos na ayusan ang lahat ay pumunta din kami sa church na pagkakasalan kila Travix.

I had been waiting for him to come dahil nauna kaming makarating ng church at sabi susunod na daw sila. Tahimik lang ako sa gilid habang nakatitig lang sa hawak kong bouquet.

Naisip ko lang, kung siguro ay hindi umalis si Cassie at nagpunta ng ibang bansa paniguradong sila parin hanggang ngayon. I imagine Calix going crazy over Cassie. He's the type of guy who when he falls in love he give his all. Sigurado ako na minahal nya ng sobra si Cassie katulad ng ginagawa ngayon ni Cassie sa kanya.

Sa kaso nila ngayon, biktima lang din sila ng pagkakataon.

Napabuntong hininga ako.

Ang lungkot isipin na nasaktan si Calix sa first love nya at hindi malayong masaktan ulit sya ngayon dahil sa akin. Damn.

"Hi, beautiful." Napaangat ang tingin ko sa nagsalita at doon bumungad ang gwapo nyang mukha sa akin. Nakangiti sya maging ang mga mata nya.

"Beautiful?" Tanong ko sa kanya.

Meeting My Ex As My Professor [COMPLETED]Where stories live. Discover now