Baka nagdidaydream sya? Ganon yun diba? Sino naman kaya iniisip nya? Si Cassie? Hmp!

Ano kaya ang magandang gawin para madala ko sya dito? Sayang naman kasi ang lugar kung di nya maexperience diba?

Lumipat ako ng konti papunta sa hanggang leeg ko na lalim ng tubig.

"Aaaahhhhh!" Malakas kong sigaw habang kinakawayan si Calix. "Calix! Tulong!" I screamed at the top of my lungs.

Nakita kong nataranta sya sa pag sigaw ko at mabilis na tumakbo papalapit sa akin. Ni hindi na sya nakapaghubad ng shirt nya at lumusong agad sa dagat.

"Calix! Calix! May pating!" Sigaw ko ng makalpit sya sa akin. Agad kong niyakap sya at napangiti ng patago.

"What? That's impossible!" Tonong naguguluhan na sabi nya kaya naman na patawa ako. Hindi ko napigilang mapatawa ng malakas sa reaksyon ng mukha nya.

"Yeah, that's impossible. But see? Effective naman." Natatawa kong sabi at nilingon ang mukha nya. "Look, nandito ka na, basa ka na ng dagat at kasama ko. Ibig sabihin nagsswimming na tayo ngayon."

Napasimangot siya at nawala ang pag-aalala sa mukha.

"Ayaw mo ba talaga akong kasama? Bahala ka nga dyan. Tss." Asar na sabi ko sa kanya at lumubog sa tubig. Maglalangoy sana ako papalayo sa kanya ng maramdaman at makita kong lumubog din sya. Hindi ganoong malabo ang tubig kaya naman nakita ko sya.

Hindi ko nalang sya pinansin at lumangoy papalayo sa kanya, kaso hinawakan nya ang kamay ko at hinatak ako papalapit sa kanya.

Pilit kong tinanggal ang pagkakahawak nya sa braso ko pero hindi nya iyon hinayaan. Hinigpitan nya ang hawak sa akin.

Umangat ako dahil feeling ko mauubusan ako ng hininga at nakita ko ring ganoon din sya.

Pinahid ko ang kamay ko sa mukha ko at inismiran sya. "Oh? Bakit di ka pa umalis?"

Hindi sya sumagot kaya naman inirapan ko sya.

"If you don't want to swim with me then it's fine! Umahon ka na nga!" I hissed.

Nagulat ako nang biglang nagpalubog si Calix sa ilalim ng tubig maya maya pa ay hinatak nya ako pababa. I was caught off guard dahilan para mabilis akong kapusin ng hangin.

Calix looked straight at me. I tried to let go of my hand but he wouldn't let me. I was sure I couldn't take it any longer. I am near to lose my breath when Calix pulled me hear him and kissed me.

Maya maya pa ay hinatak nya ako paangat ng tubig. I hurriedly gasped for air. "Calix!" I screamed at him.

Tinawanan nya lang naman ako.

Sinuntok ko sya sa balikat at nagwalk out. Agad naman syang sumunod sa akin. Hindi ko sya pinansin at agad na pinulot ang phone ko na iniwan ko sa buhangin.

"Mommy! Look Elmo!" Rinig kong sabi ng batang lalaki na nakasalubong ko. Agad akong napahinto at napatingin sa dibdib ko na tinuturo ng bata. Halos kainin ako ng lupa nang makita ang brang suot ko.

Dahil nabasa ang puting shirt na suot ko ay kitang kita ang suot kong panloob. Pakiramdam ko isa na akong kamatis sa pula ng mukha. Why did I even wear this bra? Kulay pula na may malaking mukha ni Elmo sa magkabilaan.

Nilingon ko si Calix na natatawa sa likuran ko. Sinimangutan ko sya.

"What?" Natatawang tanong nya. "You tricked me into swimming with you. I should've let you wear my shirt to cover you. Pero basa na rin ako." Natatawang pagdadahilan nya.

Ramdam na ramdam ko ang pag init ng mukha ko. Bakit ba ito ang naisipan kong isuot na bra?

Natatawang lumapit sa akin si Calix. Hinawakan nya ang kamay ko at itinago ako sa likuran nya.

Meeting My Ex As My Professor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon