"Ok po ma'm" magalang na sagot niya at kaagad niyang sinunod ang aking utos.

Napahilamos ako sa aking mga palad. Di ko alam na magiging ganito kabilis ang lahat. Hindi pa ako handa, gusto kong tawagan si Callum para humingi ng tulong pero di ko din naman alam kung makakapagsalita ako pagtinawagan ko siya. Malakas ang pakiramdam ko na maiiyak lang ako kay callum.

"Do you really know how to do that?" Parang nagaalalang tanong ni sir zach sa tagapagalaga ni zeus.

Kita ko ang pamumula ng mukha ni jen, pero batid kong hindi ito ang tamang oras para punahin iyon.

"Opo sir, lilinisan ko lang po siya dahil mukhang inaantok na" sagot ni Jen at kaagad na nagtungo sa kwarto.

Gusto din sanang sumunod ni sir zach duon pero napansin niya ako na nakaupo sa may sofa kaya naman napahinto siya at ang kaninang maamo niyang mukha ay tumigas nanamang muli.

Dahan dahan itong lumapit sa akin at tsaka umupo din sa sofa sa aking harapan.

"Kailan tayo maguusap tungkol sa set up para sa anak ko?" Seryoso at malamig na tanong niya sa akin.

Tinigasan ko din ang aking ekspresyon. "Can we take it slow? Ano bang ikinamamadali mo?" Pagalit pero mahinahong tanong ko sa kanya.

"Damn it sofia! Ilang taon mong itinago sa akin ang anak ko, then tatanungin mo ako kung bakit ako nagmamadali?" Medyo inis na sagot niya sa akin.

Dahil duon ay napatahimik ako. "I want to have my rights as soon as possible" paninindigan pa niya.

"Ni hindi mo pa nga naririnig sa mismong bibig ko na anak mo nga talaga ang anak ko" pagpapaalala ko sa kanya. Dahil sobrang lakas talaga ata ng pakiramdam niyang anak niya si zeus kahit walang direktang nagsasabi sa kanyang anak nga niya ito.

"I dont need your freaking words sofia...puro kasinungalingan naman yang lumalabas sa bibig mo" sagot niya sa akin. Inaamin kong nasaktan ako sa huli niyang sinabi kahit pa hininaan niya iyon.

Hindi ako nakasagot, at wala na ata akong lakas pang sumagot. "What's his surname?" Tanong niya pa sa akin.

"Samaniego" maiksing sagot ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga nito kasabay ng paghugot niya sa kanyang cellphone. "You made everything too complicated for my son" paninisi niya sa akin.

Ilang segundo pang may idial siya sa kanya cellphone bago niyang inilagay ito sa kanyang tenga.

"Luke, i need your help" bungad niya dito.

Nakayuko lamang ako habang may kausap siya sa kanyang cellphone. Tumitingin kasi ito sa akin at kung minsan ay nakatitig pa.

"I booked a schedule para bukas, let's talk about Zeus with luke's attorney" pahayag niya sa akin at tatayo na sana siya ng pinigilan ko siya.

"Teka...ni hindi ko pa nga nakakausap ang asawa ko tungkol dito" pagpapaalala ko sa kanya.

Inirapan ako nito at nakakalokong ngumisi. "Wala akong pakialam sa inyong magasawa, ang gusto ko, ang anak ko" pinal na sabi nito at kaagad na tinalikuran ako.

Sinabi ko kay callum lahat ng nangyari kinagabihan, pero syempre hindi na kasali duon yung mga masasakit na salita na na nabitawan ni sir zach sa akin.

"I never thought na magiging ganito kabilis" problemadong sabi din ni Callum.

Nakaupo ito sa dulo ng kama. Habang malalim ang iniisip. "Im sorry callum" sabi ko sa kanya pero umiling lamang ito at tsaka ako hinila papalapit sa kanya tsaka niya ako niyakap.

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)Where stories live. Discover now