chapter 27

1.8K 69 0
                                    

Third person.

" that's all for today, thank you " nagpalakpakan ang mga taong nasa meeting. At matapos yun ay nagsilabasan na ang mga ito habang isa-isang binabati si steal dahil sa napakagandang presentasyon nya sa harap ng board of directors ng kanilang kompanya.

" you're really son of your dad mr. McQueen, sigurado akong proud na proud sya sayo " nakangiting puri sakanya ng isa sa board directors na si Mr. Grey

" siguro nga po, but i do believe that this is also because of you, sa tulong po ninyo kaya po ako nandito ngayon. I have all of you that's why i'm really thankful " ganting puri ni steal sa matandang lalaki.

Kinamayan pa sya ng ibang tao at nang matapos ang batian na yun ay agad syang nag-tungo sa opisina nya. Naupo sya sa swivel chair at napahilot sa sintido. Ilang araw na siyang puyat dahil may mga bagay syang kailangang gawin at dahil dun ay hindi na sya maayos na nakakatulog

Nakarinig sya ng katok sa pintuan at maya-maya pa ay bumukas na iyon at niluwa ang kanyang sekretarya na si scarlet. Nakangiting lumapit ito sakanya at yumuko

" sir, pinapasabi po ng daddy nyo na pwede na daw po kayong umuwi ngayon " napakunot ang noo nya nang marinig ang sinabi na yun ng sekretarya. Ano daw? Siya? Uuwi ?

" what are you sayin'? Tsaka if i'm going now, who will ----" hindi nya na natuloy ang sasabihin dahil bigla na lang may nagsalita

" me " agad na napalingon si steal sa may-ari ng pamilyar na boses na nagpatigil sa sasabihin nya kanina. Nakangiting lumapit ito sa pwesto ng sekretarya nya

" archie ? Anong ginagawa mo rito ?" takang tanung ni steal sa kapatid, hindi nya kasi inaasahan ang pagpunta nito sa opisina nya at higit sa lahat ay ang sinabi nito kanina na ito muna ang hahaligi sa kompanya ngayong araw. Nagbibiro ba ito ? Hindi naman kasi gusto ng kapatid nya na mamahala ng kompanya kahit pa isang araw lang, pero ngayon ?

" tss.. Alam kong nakakagulat, pero kasi.. " pagsisimula nito, lumapit ito sa kinauupuan niya at pinisil ang kanyang dalawang pisngi " alam mo namang labs na labs kita ee" sabi nito habang patuloy na ginagawa yun. Hilig talaga nitong gawin yun sakanya

" oo na, oo na bitawan mo na ko " pag-suko nya, nasasaktan man si steal sa ginagawa ng kapatid ay hindi nya na nagawa pang pumalag dahil pagod na rin sya at ayaw nya rin na magbago pa ang isip nito.

" oh ! Sige na ! Umalis ka na dito at baka magbago pa ang isip ko " biglang sabi nito na may kasama pang gesture na parang aso lang ang pinapaalis.

Tumayo si steal sa kinauupuan at hinayaan na ang kapatid na maka-upo roon. He looked at his sister sitting on his swivel chair. She looks strict yet gorgeous CEO. Napangiti sya sa tanawin " wow ! Bagay pala sayo ang maging CEO ng kompanya ee " asar nya rito kaya nakatanggap sya ng nakakamatay na tigin pero isang halakhak lang ang sinagot nya sa mga tingin na yun ng kapatid

" tss,manahimik ka nga ! Umuwi ka na at magpahinga ! Uso matulog no ! " bulyaw sakanya nito. Napangiti naman sya. At bago tuluyang umalis ay hinalikan nya ito sa pisngi

Nang makarating si steal sa parking ng kompanya ay agad syang sumakay sa kotse nya at minaneho yun paalis. Habang nagmamaneho ay napaisip sya, ano kayang dahilan at pinapauwi sya ng dad at ate nya ? Yun ang katanungan na naglalaro sa isip nya hanggang sa makarating sya sa bahay nila

" magandang hapon po sir " isang ngiti lang ang binigay ni steal sa driver nila na bumati sakanya. Naglakad na sya papasok sa loob ng bahay. Kakalagpas nya pa lang sa pintuan ay rnig nya na ang malakas na tawa ng anak nyang si eizihiro pero napahinto sya nang marinig na hindi lang ito ang tumatawa.

Wala sa wisyo ay napatakbo si steal papunta sa sala at duon, bumungad sakanya ang mga anak na masayang naglalaro. Sabay na napalingon sakanya ang mga bata nang maramdaman ang kanyang presensya.

Take The Empress' Heart BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon