Chapter 36: End

205 17 0
                                    

Chapter 36: End
Shin Soo Hyun's POV

Everything is a messed. Everything is chaos. The future is destroyed, and everything will change.

Tinignan ko si Xiron nang nakakaawa. Hindi ko alam kung naatim kong mahalin ang lalaking ito. Pero ganun pa man tinanggap ko siya bilang siya. Minahal ko siya bilang siya hindi dahil sa itsura pero dahil sa imperfections niya.

Nanlalaki ang mga mata niya habang nakangiti siya na parang baliw at mamaya maya pa ay tumawa siya bigla. Napabuntong hininga ako bago napatingin sa langit.

If hindi ko napigilan ang mga balak niya. Gagawa at gagawa pa rin ako ng balak para maitama kahit papaano ang lahat.

Bj never gad a chance to know she have a daughter to me not until yesterday. I tell him everything hr have to know.

Na nagkaanak kami after ng may mangyari sa amin 20 years ago. Nag iinom ako sa bar noon dahil sobrang sama ng loob ko at nalaman kong may ibang mahal si Xiron at hindi ako iyun. May pagtingin siya sa uupong reyna ng panahon na iyun. Hindi ko inaasahan na sa sobrang kalasingan ko ay may nangyari sa amin ni BJ.

Isang linggo makalipas ng nangyari ay naramdaman ko kaagad ang mga senyales ng pagbubuntis na ikinatakot ko. Alam kong magagalit si Xiron kapag nalaman niya ito. Lalo pa at hindi pa siya ulit nagpapakita sa akin ng panahon na iyun para kunin sa akin ang anak niya.

Pero talagang hindi ako pinapabayaan ng Diyos dahil bigla na lamang lumitaw din nung mismong araw na iyun si Xiron kaya ginawa ko ang lahat para may mangyari sa amin.

After what happen ay naging mabait sa akin si Xiron. And makalipas ng isang linggo ay sinabi kong buntis ako siya ang ama. Naging masaya siya. Noon ko lang nakita ang nga ngiting iyun.

Yung ngitinig totoo. Yung ngiting inosente na para bang walang dinadala.

Yung ngiting sisirain ko balang araw dahil sa kasinungalingan ko. Ganun pa man pinaramdam ko sa kanya na mahal na mahal ko siya. Kahit anong iniutos niya ay ginagawa ko.

At halos dumating kami sa punto na sinabi ko na tigilan na niya ang paghihiganti, na pumayag siya.

Pagod na din siya kakalaban kaya lumikha kami ng tirahan sa sementeryo. Pinagtulungan naming bumuo na isang lugar na hindi mapapasok ng ganung kadali ng sino man na tinawag naming Leviticus.

Naging masaya kami sa pagtira namin doon. Nakakuha din siya ng ilang tauhan para daw magsisilbing kawal kung sakaling may mangyayari.

Masaya ang mga araw na iyun hanggang sa malaman ko na binubuhay niya si Onyx. Sobra sobrang takot ang naramdaman ko ng malaman ko iyun. Takot para sa akin. Takot para sa anak ko. At takot para sa mga nilalang na naninirahan sa loob ng Eripmav.

Pero nagkamali ako ng kinatakutan. Hindi pala si Onyx ang dapat kong katakutan kundi ang mismong anak ni Xiron na si Law.

Isang araw nakatakas siya palabas ng Leviticus. At nagkaroon siya ng pagkakataon para makapunta ng plaza. Limang taong gulang na siya noong panahon na iyun.

Ang laki ng pagsisisi ko ng mangyari ang araw na iyun. Dahil naging umpisa iyun para mabago ang nakatadhana.

Nakilala niya ang isang batang nagngangalan na Hellartemis. Nakita ko ang kislap sa mga mata niya habang nakatitig sa batang babae noong panahon na iyun. Matapos ay ngumiti siya. Lumapit siya dito at walang sabi sabing hinawakan ang pisngi ng bata.

Bigla itong natulala at naging blangko ang tingin. Matapos ay biglang siyang hinimatay.

Mabilis ko siyang hinila at inuwi sa Leviticus. Pinagsabihan ko siyang huwag na uulitin ang ginawa niyang iyun.

The Vampire's SacrificeWhere stories live. Discover now