Chapter 7: Somebody

463 32 4
                                    

Chapter 7: Somebody
Hell's POV

Inalis ko ang pagkakatingin sa kanya at pinagpatuloy ang pagkanta.

Annyeong naege dagaga Sujubeun hyanggireul angyeo judeon

Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero bumalik ang tingin ko sa kanya. Hindi na sya nakatingin sa akin, nakaharap sya sa counter habang hawak hawak ang baso na may lamang alak na inaalog alog nya.

Patuloy lang ako sa pagkabta hababg nakatingin sa kanya. Pinagmasdan ko ang bawat kilos nya. Sa pag hawak nya sa baso. Paglagok ng iniinom nya. Pagtingin sa paligid.

Sa kalagitnaan ng pagkanta ko ay nagulat ako ng dumaan sa likod nya si Lynx. Hindi sya pinansin nito, tuloy tuloy lang sa paglakad si Lynyx. Si Charles naman ay bago dumaan sa gawi nya ang babae, tumingin sya dito ng nakakaawa. Ng matapat na si Lynyx sa gawi nya ay sinubukan nyang hawakan ang braso ng dalaga pero piniksi lang niya ang braso.

Tumingin ako sa banda. Mukhang hindi naman nila nakita dahil busy sila sa pagtugtog ng instrumento na hawak nila.

Pumasok si Lynyx sa isang kwarto sa taas. Sinundan naman sya ni Charles. Patuloy lang ako sa pagkanta hanggang sa mawala sila sa paningin ko. Sakto naman na natapos ang kantamg kinakanta ko. Sinabihan ko si Cyrus na masakit ang ulo ko na kung pwede ay pakibilisan at pumayag naman ito.

Inumpisahan agad namin patugtugin ang pangalawang kanta.

Baby dont cry.

Pinikit ko ang mata ko at inipokus ang sarili ko. Pinakinggan ko ang mga nasa paligi ko nagbabakasakali na marinig ko ang pag uusap nila Charles at Lynyx pero wala akong marinig. Panay ingay ng mga basong nagpipingkian, tawanan, hiyawan, murahan ang naririnig ko

Mulgeopumi doeneun geoseun nega aniya kkeutnae mollaya haetdeon. So baby don't cry cry nae sara...

Di ko na naituloy ang pagkanta ko ng biglang magkagulo. Tumingin ako sa paligid. May ilang bampira na paakyat, habang ang ilan naman ay pinipilit na palabasin ang mga tao na nasa loob ng bar.

"Anong nangyayari?" lumapit sa akin si Vlademir at tinanong ako. Nagkibit balikat ako dahil maski ako ay walang alam

Nalinawan lang ako kung ano ang nangyayari ng biglang mabutas ang pader sa itaas ay niluwa nito si Charles?

Sa taas nito ay nakadungaw ang isang binatang lalaki na katabi si Lynyx. Di ko makita ang mukha nito dahil madilim.

Mabilis na nilapitan ni Cyrus ang kapatid at inalalayan tumayo. Pero ng makatayo ang nakakatandang kapatid ay pumiksi ito sa pagkakahawak sa kanya. At tumingala at saka tumingin na matalim sa taas.

Biglang pumula ang mata ni Cyrus at sa isang kislap mata ay nawala ang lahat ng tao at bampira sa loob bar maliban sa akin. Hindi ko alam kung anong at paanong nangyari. Kung di ba ako naapektuhan sa ginawa ni Cyrus o talagang sinadya nya ipaiwan ako.

"I'm telling you Law. Don't messed up with me!" Cold na sigaw ni Charles

Law?

Tumakbo ako papalapit sa kanila. At tumingin pataas. Dun ko mas nakita ang linaw na mukha ng kaaway ni Charles.

Law Tyson Reynes!

"Nakakatuwa naman, kaya pala hindi ka pumayag sa alok ko kanina ay dahil may lakad ka."

"Manahimik ka Cyrus, wala ako sa mood makipagtalo sayo. At oo nga pala Charles di porket magiging prinsipe ka na ay magtatapang tapangan ka na. Bakit? Ano bang pinagmamalaki mo? Yang kapangyarihan mo na makipagusap sa pamamagitan ng paghawak? "

"Shut up Law!"

"Shut up too Cyrus hindi ikaw ang kausap ko!"

"Manahimik ka Law. Wala kang alam." nagtitiim baga na sabi Charles

"Walang alam? Uhmmm. Eh kung putulin ko na lang ang kamay mo para wala ka ng kapangyarihan?" natatawa nyan sabi pero napatigil din sya sa pagtawa dahil hinampas sya sa balikat ni Lynyx.

"Tara na. Umalis na tayo dito." at tuloy na lumakad paalis si Lynyx, sumunod na sa kanya si Law. Isang paghabol na tingin na lamg ang naggawa ni Charles.

"Fuck. Im a messed." stress na sabi nya at dahan dahan umupo sa lapag. Hawak hawak nya ang batok nya at nakayuko. Nakita ko ang pagtulo ng luha nya bago nya ilapat ang mukha nya sa tuhod nya.

Na-naiyak s-sya?

"Kuya. Ayos lang yan. Marami pang babae jan." sabi ni Cyrus sa kapatid at tinapik ito sa balikat.

Matapos ay lumayo ito dito at gumuhit ng pabilog sa paligid ng kinauupuan ni Charles. Ng mabikog na nya ay nagbigkas sya ng kakaibang salita at nagliwanag ang loob ng bilog. Unti unting nilamon ng liwanag si Charles.

Ng mawala ang kapatid nya ay bigla syang bumagsak sa naghahabol ng hininga na tumingin sa akin.

"Pakihanap naman ako ng dugo." pakiusap nya sa akin

Tuliro ako na pumunta sa counter at lumapit sa ref doon. Kinuha ko ang isang bote at tinakbo papunta sa kanya. Binigay ko ito sa kanya at mabilis naman nyang tinungga.

Ng matapos syang uminom ay hinagis lang nya sa kung saan ang bote.

"Salamat Ate Hell. Makakauwi na po kayo." pagtaboy nya sa akin. Nanatili syang nàkaupo sa lapag. Di ako kumilos sa pagkakatayo.

"Teka. Ano yun? Alam mo din ang bagay na iyon?"

"Lahat kami ay alam ang bagay na yun Ate."

"Alam nyo pero pinapabayaan nyo?!"

"Ate alam yun lahat, malibang sa inyong di kaanak. Alam ng mga kapatid ko. Ni mama at ni papa. Maging ni tito James. Alam nilang lahat yun pero wala silang naggawa."

"Paanong walang naggawa?"

"Mahal nila ang isa't isa." sabi nya emphasizing the isa'isa "Kaya di ko makita ang dahilan kung ano ang nangyari kanina." kung ganoon hindi din nya alam ang nangyari kanina

"Kaya Ate binabalaan na kita. Kung iibig ka, huwag kay Kuya. Masasaktan ka lang." matapos ay tumayo sya at gumuhit ng bilog sa paligid ng kinatatayuan ko katulad ng ginawa nya kay Charles kanina.

Bago nya bigkasin ang salita ay nagtanong ako.

"Bakit dumugo ang ilong mo?"

Nginitian nya ako bago sumagot.

"Nasobrahan ako ng gamit ng kapangyarihan ko kanina. Naabuso ko ang sarili ko." sagot nya at binaggit na nya ang salitang di maintindihan.

Nilamon ako ng liwanag. Walang katapusang liwanag hanggang sa magkakulay ang paligid ko at matagpuan ang sarili ko na nakatayo sa tapat ng main door.

Ganoon pala ang kapangyarihan nya. Bakit hindi namin alam.

Pumasok na ako ng bahay at dumaan ng kusina para kumuha ng dugo dahil nauuhaw ako. Pero pagpasok ko ng kusina ay sumalubong sa akin ang naguguluhan ng gamit at mga nagkakagulo na maid namin.

"Mom? Anong meron?" tanong ko kay Mom ng makitang stress sya na nakaupo sa upuan ng hapag kainan

"Arrgghh. Anong date ngayon?"

"July 22 mom? Why?" nagtatakang tanong ko

"Anong meron sa susunod na dalawang araw?"

Susunod na dalawang araw? July 22 iyon. Anong meron?

Pinagkaisipan kong maigi kung anong meron sa araw na iyon pero walang napasok sa isip ko.

July 22.

Damn! Birth day ni tito BJ!

"Mom birthday ni Tit--"

"Oo. Birthday nya. It's his 40th birthday. It means its already the corronation."

The Vampire's SacrificeWhere stories live. Discover now