Chapter 5: Basketball

516 32 16
                                    

(A/N: para sa mga bampirang cast ko na ang hilig mag basketball. Jusme. Ang dami na ng lahi nyo. Pinapahirapan nyo ako. Joke!)

Chapter : Basketball
Hell's POV

Damn it!

Inis akong naglakad pababa para makalabas na sa lecheng bahay na to. Rinig at nangingibabaw ang tunog ng takong ng sapatos ko.

Pagkababa ko ay nakasalubong ko si Tito BJ na nakasimangot na naman. Tumigil ako sa pagbaba kahit nasa huling baytang na ako at tinitigan ko lang sya.

"Baka gusto mong dukutin ko yang mata mo Hell. Kahit pa anak ka nang kaibigan ko papatulan kita." sabi nya para kumunot lalo ang noo ko
Ngayon ko lang narealize ang sinabi nya. Wala na naman sa sariling akong tumingin ng masama. Lumingon ako sa ibang direksyon at pilit na inunat ang noo ko.

Bakit ba kasi nakasalubong ko tong lalaking to?

Tito BJ is my first crush. Yes. FIRST CRUSH. I remember when I was still 4 years old i declare that Tito BJ will be my husband someday. But when he know about that thing he said he's not the right person for me because he already have a wife and children.

"Naparito ka?"

"May idinaan lang po."

"Kay Charles?" umirap ako sa kawalan bago sumagot sa kanya

"No. To tito. I have to go." tumango na lang sya, pinagpatuloy ko na ang pagbaba ko. Sumabay na din sya sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa garden. Pasakay na dapat ako ng kotse ko ng tawagin ako ni tita.

"Hell, anong sabi ni Cyrus?"

"Uhhm. Ok na daw po sa kanya ang magkaroon ng baby sister basta sabi ko po sya pa rin ang baby natin."

"Uhm. Ok how about Charles?"

"What about Charles tita?"

"May nasab--?"

"Wala po tita. Sige po una na po ako at kailangan pa po ako sa bahay." Pagpapaalam ko at sumakay na sa kotse kumaway na lang sakin si tita bago ko pinaandar ang kotse

Mabuti na lang at automatic ang kotse ko. This is the latest car na bigay ni tito bj sakin last birthday ko.

Hindi mo na kailangan ng susi for this. Sa ilalim ng hawakan ay may scanner para pag inatemp nang buksan ng may ari ay maiiscan ang finger prints nito na kapag nagtugma sa nakasave na pattern ng finger prints sa memory ng kotse ay magbubukas na to. If ever na itry ng ibang tao ang mag bukas nito kailangan ng password para makapasok sila.

Amazing right?

Si tito BJ ang nakaimbento nyan.

Mabilis akong nagdrive pauwi at saktong pasado ng ala sais ay nakarating na ako ng bahay. Ipinark ko ang kotse ko sa dating pinagpaparkan nito at pumasok ng bahay.

Tinanong ko si Yaya Belay kung dumating na si Mom or Dad subalit hindi pa daw dumadating ang mga ito, pero dumating na daw ang kapatid ko na may kasamang babe.

Nagmamadali akong umakyat at tinunton ang kwarto ng kapatid ko. Nang marating ko na ito at makatapat ako dito ay sinubukan kong buksan ito pero nakalock.

Tsk!

Pumasok muna ako sa kwarto ko at kinuha ang camcorder ko at nagpunta sa kwarto ni Daddy para kunin ang mga spare key.

Pagkakuha ko ay muli ako pumunta sa kwarto ng kapatid ko at mabilis na binuksan ito.

Naabutan ko siya na may kasamang dalawang babae na halos maghubad na habang hinahalikan sya. Samantala nasa gilid ng kama si Cyprus na nanunuod ng tv.

Nilingon ko ang tv at mabilis na umakyat ang dugo sa mukha ko.

Damn it!

Ramdam ko ang paghaba ng pangil ko at pag init ng buong katawan ko.

Napatigil sa paghalik ng kapatid ko at dahan dahan na lumingon sa direksyon ko. Ng makita nya ako ay mabilis syang napababa sa kama at nanlalaking mata na tumingin sa akin.

Si Cyprus naman ay nilingon lang ako at binalik din agad ang tingin sa pinapanuod nyang porn. Nilapitan din sya ng dalawang babae at sinubukang hawakan pero tinabig lang nya ito

"SEVERINE RIDDLAIRE SECHER!!" ramdam ko ang dagundong ng boses ko sa buong kwarto. Hindi ito rinig sa labas since soundproof ang kwarto namin.

Humaba ang mga kuko ko at sinugod sya. Nagtilian ang mga babaeng dala ng dalawa nitong dalawang kumag na ito kahit hindi naman sila ang inaatake ko.

Umilag ang kapatid ko sa unang atake ko sa kanya pero agad kong pinaiksi ang mga kuko ko at mabilis na umikot sa sinipa ang kanyang dalawang paa dahilan para mawalhan sya ng balanse. Pero bago pa sya tuluyan na tumumba ay sinipa ko ang mukha nya at sinuntok.

"What the hell is happening here!!" sigaw ni Mom pero hindi ko sya pinansin, hinila ko sa kwelyo ang kapatid ko para bumangon sya at saka muling sinuntok ang mukha nya.

Tang ina! Tama yan sayo ng pumangit kang unggoy ka!!

"Hell calm down!!" sigaw sa akin muli ni mom pero katulad kanina ay hindi ko sya muli pinansin at saka tinignan ng masama ang kapatid ko tinangka kong suntukin sya pero bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko at wala maramdaman sa katawan ko.

"Severine what is this?!" galit na sigaw ni Mom sa kapatid ko nakarinig ako ng yabag at naanigan ko na pumasok din ng kwarto ang tatay ko.

"What happened?" sabi nya sabay nilibot ang tingin sa kwarto ng kapatid ko. Nanlaki ang mata nya ng makita nya ang pinapanuod ni Cyprus na parang wala lang sa kanya na nag aaway na kami dito. Pero nagdilim bigla ang mukha ni Dad ng makita nya ang dalawang babae na halos wala ng suot.

"Sandler?" cold sabi ni Dad, pumasok ang butler namin at yumukod sa tatay ko

"Bring them out of my house." yun lang sinabi nya at agad namang sumunod si Sandler. Inalalayan nya ang dalawang babae palabas ng kwarto.

"Cyprus." walang sali salita ay lumapit ng tv si Cyprus at tinanggal ang nakasalang cd at lumabas ng kwarto.

"This is ridiculous Severine! What do you think you're doing?"

"M-mom."

"Stop. Bukas na tayo mag usap usap. But Severine you are two months grounded. No gadgets. And the curfew." matapos bitawan ni dad ang mga salitang yun ay lumapit na sya sa akin. Sinamaan nya ng tingin ang kapatid at naalerto naman sya. Naramdaman ko ng muli ang katawan ko. Inalalayan ako ni Dad hanggang sa makalabas kami sa kwarto. Hinatid nya ako sa kwarto ko.

"Magpahinga ka muna." yun lang at umalis na si dad. Humiga na lang ako at hindi ko namalayan ay nakatulog ako.

- - - -

Kinabukasan ......

Maaga akong nagising katulad ng nakasanayan ko. Nag ayos ako at saka bumaba. Pagbaba ko ay naabutan ko ang pamilya ko na tahimik na nakaupo sa hapag kainan.

Tumingin sa akin si mama kaya lumapit na ako at malapit na sana ako umupo ng

"Take your sit Charles."

Bakit nandito yan?

The Vampire's SacrificeWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu