Chapter 23: Closed city

264 18 3
                                    

Chapter 23: Closed city
Hell's POV

Naglakad kami papuntang office ni Tita Ade. Habang naglalakad, nakapalibot pa din sa amin ang mga liege. Samantala nasa tabi ko pa din itong si Charles na ang braso ay naka akbay sa akin at ang kàmày ay gumagala sa pisngi.

Punyeta. Chansing.

Tinapik ko ang kamay nya bago sya nilingon at tinignàn ng matalim. Ngunit sinagot lamang nya ako ng nakakaloko. Kaya pinalapad ko ang kamay ko at ipinalo sa gitna ng mukha nya.

"Aray!!" napatigil ang lahat sa paglalakad at napatingin sa amin. Nakapamewang ako sa harap nya samantala nakayuko sya hawak hawak ang mukha nya ng dalawa nyang kamay.

"Charles magtino ka. Hindi ito oras ng biruan." nagbabantang sabi ni Tita Ade.Tumayo si Charles at tinanggal ang kamay nakatakip sa kanya.

"Pfft. Mwahahahahaha." hindi ko napigilan ang tawa ko at isang malutong na halakhak ko ang nangibabaw. Ang kamay ko nakabakat sa mukha nya. Pulang pula ito at talagang nakabakat ang korte ng kamay ko.

"Hellartemis." napatigil ako sa pagtawa at tumingin sa ibang direksyon para maiba ang laman ng isip ko. Ang hirap pala magpigil ng tawa.

"Queen Adellàide! Queen Adellaide!" Isang humahangos na lalaki ang tumakbo papunta sa direksyon namin. Humihingal syang tumigil sa tapat ng reyna bago pinagpatuloy ang pasasalita.

"Sabi ng mahal na hari dumiretso na daw kayo sa Royals hall ngayon na daw."

"Napakabilis naman ata?"

"Mabilis na ang koneksyon ng hari ngayon."

"Sige pupunta na kami." pagkasabi nun ng reyna ay agad na nawala ang kausap nya nagteleport marahil sa Royal's Hall

Maging ang nakapalibot sa amin ay isa isa ding nawala hanggang sa kaming tatlo na lang ang natira.

"Sumunod na din kayo." Katulad ng mga ginawa ng liege ay naglaho din sya na parang usok

Ipiñulupot ni Charles ang braso nya sa bewang ko.

"Join teleportation tayo."

"Ano ka? Chicks?"

"Hellartemis."

"Magteleport ka mag-isa mo!!" pagkasabi ko nun ay hinawakan ko ang braso nya. Umikot ako papunta sa likod nya dala dala ang braso nya sabay sipa sa alak-alakan nya dàhilan para mamilipit sya sa sakit.

"Awwww. Awww. Let me go, papatulan talaga kita kahit babae ka!"

"Ano yun? May sinasabi ka?" mapang asar kong sabi at hinawakan ang balikat nya at hinila ang braso nya, agad naman syang napasigaw sa sakit

"Fuck. Ano bang gusto mo?!"

"Wala naman. Trip ko lang." masaya kong sàbi at saka sya binitawan. Lumakad ako palayo at nagflying kiss bago nagteleport papuntang RH.

Pagkadating ko sa hall sumalubong sa akin ang napakadaming bampira na nagmamadaling naglalakad papasok ng gusali. May ilan pa na  sa sobrang pagmamadali ay nabubunggo ako.

Sumabay ako sa agos ng paglakad nila at lumakad papasok ng hall. Katulad ng unang beses ng pagpunta ko dito ay ganun pa din ang itsura nito. Sa unahang banda malapit sa stage ay nakita kong andun na ang pamilya ko kaya napagdesisyunan kong doon na dumiretso.

Nakarating ako sa kinauupuan ng pamilya ko ng matiwasay. Sinalubong ako mg malungkot na tingin ng kapatid ko sabay tingin kanila mama at papa. Tahimik lang ang dalawa.

"Anong problema?"

"Huwag kang mag alala hindi si mama at si papa ang may problema."

"Eh ano? Anong tingin yan?"

The Vampire's SacrificeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora