Chapter 26: The Party

271 17 19
                                    

Chapter 26: The Party
Hell's POV

"Seriously Ma?" gulat na tanong ko sabay libot ng tingin. Isang ngiti ang ipinukaw nya sa akin at masayang lumakad palayo ng nakaharap sa akin.

"Yes! Let's do this!" excited na saad naman ng kapatid, nagpagpag muna sya ng damit nya bago lumakad papunta sa gawi nila Cyprus nasa tapat na ngayon ng mga speaker at inikakabit ang mga laptop at tablet nila

Samantala ang hari ay tumayo na din sa kinauupuan nya ay kumuha ng isang box sabay saboy ng mga Confetti's. Ang iba ay naging wild na din at kanya kanya na ding kuhaan ng kani-kanilang inumin.

Si Cyrus, kung kanina naka tshirt ang suot ngayon ay nakapangwaiter na ito at may dala dala na tray at dahan dahang nag iikot at nag aabot ng wines. May iba't ibang klase ng wine na nakalagay sa tray na dala nya. Sa wine bar nakatayo si Mir na nag aala barista na may mga pinapaikot ikot pa na bote sa paligid nya.

Napabuntong hininga ako sa sobrang ingay at gulo ng nakikita ko. Biglang nagbago ang ilaw at naging pang disco na ito. Wala ito dati kaya sa tingin ko ay inikabit iyun ng dalawang unggoy na sina Seven at Cyprus bago itong party na ito. And remember, when i mention unggoy silang dalawa ang ibig sabihin ko.

Napatingin ako sa kaliwa ko. Nakatayo pa din si Charles dito, nakapamulsa at nakatingin sa akin. Kinunutan ko sya ng noo pero inipilig lang nya ang ulo nya papuntang kaliwa kaya napatingin ako sa direksyon na itinuro nya.

Sa bar counter may nakapatong na napakadaming floating island. Muli akong tumingin sa kanya at nginisihan sya.

[Floating island a kind of hard drink.]

Sabay kaming naglakad papunta sa gawi ng inumin. Hinahawi namin ang bawat nasa daan namin at hindi alintana ang ingay at mga nabubunggo namin. Sabay kaming nakarating sa tapat ng counter at sabay ding naupo.

Kaya mo yan hell.

I took out a deep sigh first bago sya tinanguan. Ngumiti lamang sya at humawak na din ng isang baso.

"Woah. Look what we've got here." masayang sabi ni Mir ng makita kaming dalawa, pumito sya ng malakas na nakakuha ng atensyon ng lahat. Kumaway sya kanila severine at mas iningayan ng mga unggoy ang tugtog.

Naglapitan din ang iba naming pinsan pati ang mga matatanda ay lumapit na din.

"Mananalo anak ko pre." sabi ni Dad sabay taas ng baso na iniinuman nya

"Anak ko mananalo." si tito BJ naman sabay taas din ng baso nya pero sa gawi ni Charles nya ito itinaas sabay taas din ng dalawa nyang kilay na sinasabing galingan nito

"Okey our mechanics." tumayo sa taas ng counter si Mommy at Tita Avril na may hawak hawak pa ang dalawa na mic, like seriously? Saan nanggaling ang mga to? Ready na ready sila ah.

"Paunahan nyong kailangan maubos ang pitong baso ng floating island." si Tita Ade tinanguan sya ni Mom

"Tama ka jan Babes, at pagkaubos nila ng pang pito nilang baso ay kailangan nila tumayo dito sa kinatatayuan natin sabay sigaw ng kanilang buong pangalan."

"At dahil bampira na tayo at hindi na ganun katindi ang tama ng alak sa ating mga bampira kaya gagawin nating ilan?" inilagay ni tita ade ang kamay nya sa tenga nya na para bang nanghihingi ng sagot

Nagsigawan ang mga kaanak namin ng trenta kaya itinaas ang bilang sa trenta.

"On you mark." seducing na sabi ni Mom, kinalabit naman sya agad ni Dad na nakatayo sa tapat nya sa baba nga lang at kinunutan ng noo

"Ready?"

"Get set?"

"Go!" sigaw ng lahat ng nasa loob ng secret room

The Vampire's SacrificeWhere stories live. Discover now