Chapter 21: Truth

347 23 0
                                    

Long UD for you. Who miss me? Btw law in the side.

Chapter 21: Truth
Vladelias's POV

Dapat hindi ko na inabot iyun sa kanya. Pero kung hindi ko ipinakita yun di nya malalaman na ganun na ang kalagayan nya ang pinagtsitsismisan sya.

Tumigil ako sa gitna ng quadrangle at nilibot ang paningin ko. Ipinikit ko ang mata ko at pinakinggan ang kapqligiran ko. Mula sa kinatatayuan ko rinig na rinig ko ang mga tsismisan nila tungkol kay Seven.

Ang mga bampira ay tahimik lamang. Walang nagtatangkang magsalita dahil alam nila ang mangyayari kung sakaling banggain nila kami. Samantala ang bunganga ng mga taong ito ay napakakati!

Ang sarap putulan ng dila.

Pumikit ako at inihanda ang sarili. Pinakiramdaman ko ang daloy ng dugo ko samantala ang puso ko ay pinakalma ko. Unti unti naglabas ako ng enerhiya at inipon ito sa harap ko. Sinagad ko lahat hanggang sa makakaya ko, at saka ito pinakawalan. May isang malaking alon ng puting aura ang kumawala sa akin. Para bang tubig na tinapunan ng malaking bato at ang bato ay ako. Otomatiko lahat ng dinaan ng alon ay nagimg blangko ang paningin.

Inaasahan ko na ang sakop lamang ng kapangyarihan ko ay sa paligid lamang ng quadrangle pero nagulat ako ng lumagpas pa ito dito at nakarating pa hanggang sa canteen at sa building 5.

Agad ako napalingon ng biglang may humawak sa dalawa kong kamay. Ang dalawa kong kapatid na lalaki, nakahawak sa akin. Magkabilaan. Nginitian nila ako na para bang alam nila ang ginagawa ko at sinasabing ipagpatuloy lamang ang ginagawa ko. Nginitian ko sila at saka pumikit.

Parang may isang bagay na kumislap noong oras na pumikit ako. Ang bagay na ito ay mabilis na gumagalaw at naglalakbay sa mga ugat mabilis lang iyun hanggang sa makarating sa isang bukas at malawak na espasyo kung saan may napakaraming ilaw na maliliit na mga nakalutang.

Mga utak ito ng nasa ilalim ng kapangyarihan ko. Sa kabilang banda ay may paparating din na isang bilog na maliwanag na kasing laki at kasing liwanag katulad ng akin. Sumanib ang dalawang ito sa akin dahilan para mas lalo lumaki ang bilog na liwanag na nagrereprisinta ng limitasyon kapangyarihan ko.

'Lahat kayo ay hindi na pag-uusapan ang issue patungkol sa narape at makakalimutan ito.' bulong ko sa isip ko

Lalong nagliwanag ang bolang liwanag hanggang sa sumabog ito dahilan para mahati ito sa maliliit na bahagi. Ang mga maliliit na bahaging ito ay unti unting gumalaw hanggang sa maging maliksi ito. Malikot at mabilis ito umaandar papunta sa iba't ibang direksyon. Pumapasok ang bawat isa sa mga bilog na liwanag na nakalutang. Sa ganitong paraan tatanim sa isip nila ang ibunulong ko kanina.

Hihingal akong nagdilat maging ang mga kapatid ko matapos ng ginawa namin. Napahawak ako sa tuhod ko dahil sa panlalambot.

"Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Lor

"Oo ayos lang ako."

"Tara kumain na muna tayo." malamig na sabi ni Mir at saka umunang lumakad pagawi sa canteen

Nagkatinginan na lamang kami ni Lor at tahimik na sumunod. Pagkapasok namin sa canteen ay pinaupo nila ako at tinanong kung ano ang gusto kong kainin. Matapos kong sabihin ang gusto ko ay umalis sila para i-order ito. Bumalik din naman agad sila dala dala ang gusto kong pagkain.

"Sana ito na ang huli Vladelias," katulad kanina ay cold pa rin na sabi ni kuya Mir, at saka inabot nya sa akin ang chocolate drink ng hindi tumitingin

"Kuya alam mo naman."

"How many times do I have to tell you that you and Severine will never be meant for each other!" napatingin halos lahat ng tao sa loob ng canteen dahil sa sigaw ni kuya. Idagdag mo pa ang bigla nyang paghampas sa lamesa.

The Vampire's SacrificeWhere stories live. Discover now