Chapter 8: Coronation (Part 1)

490 25 3
                                    

(A/N: si BJ po yung picture sa nakaraang chapter. And BJ pa din ngayon.)

Chapter 8: Coronation
Hell's POV

Tumingin ako sa orasan at alas dyes pa lang ng gabi.

"Mom July 21 pa lang pala."

"Ewan ko sayo. Ikaw ang tinatanong ko."

"Tss." tinalikuran ko ang nanay ko, bago pa ako makalakad palayo dumating ang kapatid ko na may dalang dalawang tuxedo na nakahanger.

"Mom alin dito ang gagamitin ko?" tanong nya habang tinitignan ang dalawang damit na hawak nya

"Ikaw? Sinukat mo na ba?" mukhang tanga talaga tong kapatid ko. Kahit aliñ naman ang isuot nya parehas lang ang bitbit nya

"Hindi pa mom. Pagpatungin ko na lang kaya?" inosenteng tanong nyà

Napailing ako at pinagpatuloy na ang paglakad.

Coronation na pala? Parang ang bilis. Umakyat ako ng kwarto at hindi na lumabas. Inayos ko ang sarili ko, at ayoko ding makielam sa ginagawa nila sa baba.

KINAUMAGAHAN may kumatok sa kwarto ko na mag aayos daw sa akin. Dala dala din nya ang isang gown na blue na susuotin ko mamaya.

Alas otso ng umaga ang coronation at busy pa rin daw sa baba sa pag luluto ng mga ihahain na pagkain. Mahirap din palang maging kaibigan ng mga matataas na opisyal, kapag may okasyon obligadong magdala o magbigay ng mga handa. Pati na rin ng mga may mataaa na katayuan.

Inayusan na ako ng babaeng dumating. Sinabi ko sa kanya na huwag nyang kapalan ang make up na ilalagay.

Itinaas nya ang buhok ko. Messy buns tapos may lawit na malilit at maninipis na hibla na buhok. Matapos ayusin ang buhok ko at mukha ko ay pinasuot na sa akin ang gown. Tube sya na may bulaklakin sa kanang parte na pataas. Tapos mahaba ito na natatakpan ang paa ko. Pinagsuot din ako ng blue na 5 inches na heels na kulay blue din.

What the sense ng kulay eh natatakpan din naman to ng gown.

Natapos akong ayusan saktong alas syete. Niretouch ako saglit at pinababa na ako.

Pagbaba sumalubong sa akin ang kapatid ko na nakatayo sa baba ng hagdanan. Dahan dahan akong bumaba, pagdatiñg ko sa baba naabutan ko ang kapatid ko na nakanga nga.

"Wow. You're so gorgeous ate. I-I'm speechless!" exaggerated na sabi nya

"Manahimik ka Seven. Hindi ako natutuwa."

"What? I'm telling the truth! Ang ganda mo talaga ate!"

Di ko na sya pinansin at pinagpatuloy ng lumakad. Dumiretso ako sala kung saan nandun na rin si mom at dad. Inaayos ni mom ang tuxedo ni Dad.

"Come on. We have to go, mag-e-8 na." sabi ni mom ng makita nya kami ng kapatid ko na papalapit

Sumakay kami sa isang limousine. At inihatid kami sa isang building na ngayon lang ako makakapasok. Royal's hall ang tawag nila. Ngayon lang ako makakapasok dito. Tanging mgà council at may mga matataas na katungkulan ang nakakapasok sa lugar na ito. At sa pagkakaalam ko, sa mga tao malacañang ang tawag nila dito.

Tumigil ang limo sa tapat ng main door na may nakalatag na red carpet. Nakakalat ang napakaraming camera men, na akala mo ay showbiz ang pinag uusapan.

Pagkababa namin ng limo, sumalubong sa amin ang nakakasilaw na liwanag ng kuha ng mga camera. Hindi ako kumurap kahit masakit sa mata.

Inalalayan ako ng kapatid ko sa paglakad, taas noong naglalakad na akala mo ay napakataas nya.

The Vampire's SacrificeWhere stories live. Discover now