Chapter 35: Near

180 19 0
                                    


Chapter 35: Near
Cyprus's POV

Galit kong pinahaba ang kuko ko at saka ito iwinasiwas sa papalapit sa akin tao ng hindi tumitingin dito.

Nag uunahan pa din ang luha ko at hindi ko na alam ang gagawin ko. Masyadong mabigat ang dibdib ko at napakagulo ng isipan ko.

"Kuya!" napalingon ako sa may pintuan sa pinakaunahan, mula doon ay naglalakad ang dalawa kong kapatid na magkasama.

Nabunutan ako kahit papaano ng tinik sa dibdib dahil sa nalaman kong ligtas ang dalawa kong kapatid. Pero hindi matanggal ang bigat nito dahil sa kambal na secher.

"Oh my gosh!" sigaw ni Cyrene nang makalapit siya at nakita ang dalawa, bigla naman naghagis ng berdeng bolang likido si Cyrus sa papalapit na tao.

"Kuya what happened?" malungkot at gulat niyang tanong, dahan dahan siyang napaupo at tinitigan ng malungkot ang katawang ng dalawa

"This is not true right?"

"Unfortunately, it's true."

"What the heck is happening kuya?" tanong ni Cyrus sabay hagis muli ng likido sa papasugod na tao

"Hindi ko alam. Ang importante ay makaalis tayo ngayon. Nakita niyo ba si Papa?"

"Nasa royal's hall. I think safe dun. Pero hindi malabong lumabas iyun lalo na kapag nalaman niya ang kaguluhan."

"We should stop over there and warn dad. Siya ang puntirya ng mga ito."

"Malakas si Dad kaya niya ang mga ito!" sigaw ni Cyrene kay Cyrus

"Pero hindi lang ang mga ito ang kalaban natin!"

"Tara na. Bumalik na muna tayo sa mansyon."

"At ano kuya iiwan natin lumaban ang mga bampira dito at hayaang mamatay katulad ni Lor at Mir?!" parehas kaming natahimik ninCyrene at hindi malaman ang sasabihin, muling may sumugod na tao kay Cyrus at galit niya ito tinapunan ng bolang likido. Ng matamaan ito ay agad itong nalusaw at nagkakakawag hanggang sa mawalhan ito ng buhay.

"I'm not leaving." kalmado na saad niya

"We're not leaving you."

"Then fight!"

"Pero Cyrus alam mo naman ang kalagayan ko!!"

"Anong kalagayan?" gulat na tanong ko, "may hindi ba kami nalalaman?"

"Hindi normal na nainom ng dugo iyan si Ate. Kaya kanina ng maabuso niya ang kapangyarihan niya ay umiyak siya ng dugo."

"Cyrene!"

"I know! Ayoko lang talaga ng dugo, hindi ako sanay."

"Hindi ka nag iisip!"

"Oo ako na na hindi nag-iisip!"

"Hey!" napalingon kaming lahat ng biglang sumulpot si Seven na hihingal hingal tumigil sa tapat namin, saglit siyang napalingon sa katawan ng kambal at malungkot na tumingin dito pero agad din siyang nag iwas ng tingin dito at sinamaan kami ng tingin.

"Talagang ngayon pa kayo nag away ah?"

"Wala ka na dun Kuya Seven."

"May paki ako dahil pinsan ko kayo. Now kailangan natin pumunta sa Royal's Hall para maging safe."

"At iiwan ang mga ito na nalaban?!" tanong ni Cyrus na nakatingin sa ibang bampira na nakikipglaban sa mga tao na wala ang katinuan.

Walang katinuan. Ayokong mang mag isip ng iba pero isa lang ang pumapasok sa isip ko na puno't dulo ng mga ito.

The Vampire's SacrificeМесто, где живут истории. Откройте их для себя