Chapter 16: Closure

321 23 8
                                    

(DI KO UGALING MAGBACKREAD SA MGA UD KO KAYA MARAMING BESES AKO NAGKAKAMALI. PERO NAGBACKREAD AKO BEFORE I DO THIS DRAFT AT ISA LANG ANG MASASABI KO, KINGINAH. WHAHAHA. NAKAKABITIN PALA MGA UD KO. WELL ANYWAH ENJOY!)

Chapter 16: Closure
Charles's POV

"Hi Kuya!" yan agad ang bumungad sa akin ng makauwi ako pagkagaling ko sa paghatid ko kay Hell. Sumalubong sa akin ang bunso kong kapatid, nagmamadaling tumakbo at sabay yakap sa akin.

Sweet.

Nilibot ko ang tingin ko at kumunot ang noo ko ng makita nakaupo sa couch si Severine at Cyprus.

"Anong ginagawa nyo dito?" tanong ko pagkakalas ng yakap sa akin ng kapatid ko

"Kuya! They're playing with me!"

"Cyrus matanda ka na bakit naman----?"

"No kuya. Xbox." agad nyang pinutol ang litanya ko at ininguso ang malaking tv na nasa tapat ng sofa na kinauupuan ng isa ko pang kapatid at ni Severine.

Bumuntong hininga ako at umakbay kay Cyrus at inakay sya papaupo sa tabi ng dalawa. Nang makaupo kami ay agad kong nalaman kung ano ang nilalaro nilang tatlo.

Residence evil.

"Pwede tatluhan jan?"

"Hindi salitan lang kada level."

"Laban." bored kong sabi

"Ng?" tanong ni Seven

(A/N; Severine's nickname is seven bàka makalimutan nyo)

"Guitar Hero."

"Luma na yun eh."

"Ano naman?"

"Pero dahil gwapo ako tatanggapin ko ang hamon mo." sabi nya sabay smirk. Pinalitan ni Cyrus ang laro at isinalang ang gusto kong laro.

Dahil pang dalawahan lang, ang unang naglaban ay sila Cyprus at Seven. Samantala si Cyrus naman ay pumuntang kusina dahil nagprisintang gagawa ng miryenda.

"Gabi na. Umuwi ka na."

"Maglalaban pa tayo. Maghintay ka." sagot nya na may pang-gigigil dahil hinahabol nya ang score ng kapatid ko.

"Hi! Andito na ang gwapo!" napatingin kami lahat ng biglang may sumigaw

"Luh. Talo ako!"

"Haha! Seven for the win. Come on Charles it's your time to be beaten." mayabang na sabi nya sabay sayaw habang nakatingin sa akin

"Kasalanan mo to eh!" sigàw ni Cyrus kay Hope na kakaupo lang sa tabi ko

"Bakit ako brother in law? Grabe ka sakin ah?"

"What? Brother in law? May gusto ka kay Cyrene?" natatawa na tanong si Seven

"Duh. Sayong sayo na. Si Charles ang gusto k---" di na natapos ni Hope ang sasabihin ng mapukaw ang atensyon namin ng tunog na nabasag. Napatingin kaming lahat sa pintuan papuntang kusina.


"Ba-bakla ka kuya Charles?!" gulat na tanong ni Cyprus na nakatingin sa gawi namin

Sinimangutan ko si Hope bago hinarap ang kapatid ko.

"Ano yun Cyprus?" nagbabantang tanong ko

"A-ah. W-wala K-kuya. Si-sige po akyat na ako." nilapag muna nya ang dalang tray sa harap namin at tumakbo paalis. Tumawag ako ng katulong para linisin ang kalat ng magaling kong kapatid.

"Ano Charles? Laban!"

"Tinatamad na ako "

"Sus. Takot ka lang eh."

The Vampire's SacrificeWhere stories live. Discover now