Chapter 11: Coronation (part 4)

445 25 8
                                    

Chapter 11: Coronation (part 4)
Hell's POV

Nanlaki ang mata ko ng maramdamang matutumba ang katawan ko. Ipinikit ko ang mata ko sa inis.

Humanda ka sakin mamaya Seven. Sisiguraduhin kong makukuha ko katinuan mo!

Hinanda ko ang sarili ko at hinintay na mawalhan ang katawan ko ng panimbang pero hindi nangyari ang inaasahan ko.

May braso na pumulupot sa bewang ko. Agad kong binuksan ang mata ko, umaasa na sya ang sumalo sa akin pero nagkamali ako.

Si Hope lang pala.

Inalalayan nya akong makatayo at gusto ko talaga syang batukan dahil paano nya ako maitatayo kung wala naman ako nararamdaman sa katawan ko.

Hinanap ng mata ko ang lalaking kinuhaan ko nang katinuan. Nakita ko ito na may pagkalayo sa kinatatayuan namin. Nakakulong ito sa isang parang cleared glass kaya hindi ito makalabas.

"Tama na yan. Dahil mo sya dito." sabi ni Daddy. Muli kong naramdaman ang katawan ko. Mabilis akong nagpumiglas at tumakbo papunta sa gawi ng lalaki.

Since nakasteady lang ito hindi na ako nahirapan gawin ang pakay ko. Tinignan ko syang muli sa kanyang mata at ibinalik sa kanya ang katinuan nya.

Pikit dilat ang ginawa nya at nagtatakang tumingin sa akin waring nagtatanomg kung ano ang nangyari at kung bakit nandun sya sa loob ng glass na kulungan.

Narinig ko ang ilang pagsinghap at ilang komento ng paghanga dahil sa ginawa ko.

"Masyado syang delikado." nahagip ng aking pandinig ang pangungusap ng isa sa mga council. Tinignan ko ang helera nila pero hindi ko na mawari kung sino sa kanila ang nagsabi ng mga salita na iyon.

Bumaling ako sa direksyon ng hari at nag umpisa ng maglakad. Nakasunod lamang sa akin si Hope na hindi nagsasalita na para bang malalim ang iniisip.

Nagsalubong ang tingin namin ng hari. Agad nyang inalis ang tingin at nilibot ang mga mata nya. Suot suot nya ang isang smirk na para bang panalo na sya sa isang laban kung saan ang kalaban ay nasa kritikal ng kalagayan at wala ng pag-asang manalo.

"Bakit ikaw ang sumalo?" tanong ko kay Hope nang hindi lumilingon. Nakalabas na kami ng malaking espasyo.

"Bakit may iba ka bang inaasahan na sasalo sayo?"

"Hindi sa ganuon--"

"Edi hindi." nag-init bigla ang ulo ko dahil sa lalaking to.

Masama bang magtanong? Bakit ba ang sungit nya?

"Tss." hindi ko na sya kinibo at nagpunta sa gawi nila Cyrene pero bago pa ako makalapit ay may bumangga sa akin.

Hope!

"Ano bang problema mo?" sigaw ko sa kanya at tinignan sya ng masama

"Wala akong problema. Ikaw? May problema ka?"

"Kanina ka pa hope ah. Umayos ka nag-iinit na ulo ko sayo!"

"Umayos ka din at hindi ako natutuwa."

"Aba't? Di ka ba talaga titigil. Isa pa ah! Pag di ka tumigil--"

"Ano? Pag di ako tumigil? Kukunin mo din ang katinuan ko katulad ng ginawa mo dun aa lalaki?" bigla akong napatingin sa kanya. Seryoso syang nakatingin sa akin, hinihintay ang sagot ko.

"Aray!!" sigaw nya ng binatukan ko sya ng pagkalakas-lakas. Yung tipong tatalsik ang laway nya at lalabas ang dila sa lakas at dahil sa hindi ito inaasahan.

"Bakit mo ako binatukan?!" histerikal na tanong nya. Ang dalawa nyang kamay ay ipinapalo nya sa ere sabay sabunot sa sarili nyang buhok.

"Kapag di ka pa umalis, mas malakas pa dyan ang matatanggap mo sa akin." hindi ko na syang inintay pag sumagot at nagpatuloy na sa paglalakad

The Vampire's SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon