Chapter 22: Courting

259 19 3
                                    

Chapter 22: Courting
Hell's POV

Mabilis kong inagaw ang rosas at basta na lang tinapon ito kung saan. Wala akong pakielam kung anong mangyari doon. Mapagtapak tapakan man ito o may kumuha mang iba, I don't care.

"Bakit mo naman tinapon? Sayang!" reklamo ni Cyrene

"Don't worry ryn bibigyan din kita nyan."

"Shut up seven. I don't need it if it will come from you."

"You're being harsh baby."

"I don't care severine."

Napabuntong hininga na lang ako at napailing sa inis. Nakakasuka mga pinag-uusapan nila.

Pancake lang ang pagkain ko ngayon dahil wala akong ganang kumain ng kanin. Isa pa nananaba na ako kakakain ng strawberry cake. Si Veza kasi nahihilig magbake, lagi ako ang tambakan nya ng mga gawa nya na hindi daw sya satisfied sa lasa pero napakasarap naman na.

Perfectionist.

"Nakalabas na pala yun? Dapat pala binayagan ko yun nung nasa ospital tayo para di agad nakalabas at hindi aaligid aligid dito." malakas na sabi ny Cyrene sabay ikot ng mga mata nya, alam ko ang kilos nyang yan.

Tumingin ako sa paligid at inisa isa ang mga lamesa sa loob ng canteen. At di nga ako nagkamali andito sila. Sa may kalayuan sila nakapwesto, kasama nya si Abegail at Lynyx. Nakatingin sya sa pwesto namin at kitang kita ko sa mata nya kahit na malayo ang lungkot.

Inalis ko ang tingin ko sa kanya at ibinalik sa kinakain ko. Malamang sa malamang nakita nya ang ginawa ko kanina.

"Oo para mabaog. Maganda yun."

"Ay Ate Veza maganda nga!" masayang sabi ni Cyrene at pinagkiskis ang dalawang palad habang ang dila nya nakalabas at nasa gilid ng labi nya

"Paano ko kaya-- Aray!"

"Mukha kang tanga Ate." biglang dumating si Cyprus kasama si Charles at Hope. Umupo sila sa harap namin since kami, ako, si Veza at Cyrene ay nasa isang hilera. At mag isa si Lor sa tapat namin. Wala ang kambal nya na si Mir at ang bunso nila na si Del.

"Come on Charles mas gwapo ako sayo. Di ba? Di ba? Di ba?"

Pangungulit ni Hope sa kaibigan nya pero hindi sya pinansin nito maski padaanan ng tingin ay hindi nito ginawa. Dumiretso lang ito ng upo sa tapat ko. Si Lor umusog sa dulo. Katabi nya si Prus at sunod si Charles tapos si Hope.

"Bakit ka ba kasi nandito?" dumungaw si Cyprus mula sa pagkakaupo nya at tumingin sa gawi ni Hope. Nakakunot ang noo nito at masama ang tingin sa kaibigan ng kuya nya.

"Hoy ayan ka na naman. Syempre kaibigan ako ng kuya mo di ba mahal?" kumapit si Hope sa braso ni Charles at ikinuskos ang mukha dito

"Ah oo mahal." inis na tugon ng binatang heteo, tinanggal nito ang pagkakakapit ng kaibigan at saka ito tinulak paalis sa pagkakaupo

"Hoy ano yun."

"Bili ka ng pagkain natin MAHAL." sagot ni Charles emphasizing the mahal, inabot nya ang ID at credit card at saka ito tinulak paalis.

Kapag bibili ka ng pagkain dito sa academy you need to present your ID. Specially vampires. Sa tao almost lahat ng tao dito ay scholars, they use their ID para makabili ng pagkain not totally na bili dahil scholar sila. Full scholarship. The school pay for all their expenses.

"Ano yun Charles? Ano na naman trip nyong magkaibigan kayo?" tanong ni Lor

"Wala naman. Dare lang."

"Woah. Not so you Kuya." tuwang tuwa na saad ni Prus sabay mahinang tapik sa balikat ng kapatid

"Bakit wala na ba akong karapatan?"

The Vampire's SacrificeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt