Chapter 28: Encounter

260 18 0
                                    

Chapter 28: Encounter
Hell's POV

Katulad ng ginawa nila kanina ng pumasok kami, nagspell si papa ng kung anong salita na hindi maintindihan matapos ay nilamon kami ng isang liwanag at saka kami iniluwa sa dulo ng isang hallway.

Nagmamadali kaming lumabas ng gusaling iyun sa hindi ko malaman na dahilan. Bakit nagkaka-ganuon si Charles? Anong nangyayari? At bakit sya nagkakaganuon?

Madami pang tanong ang namumuo sa isip ko pero ni isa ay wala akong masagot.

Pagkalabas namin ng gusali ay agad nilang inisakay ang reyna sa kotse at inilayo. Sumama sa kanya si Tito James at ang anak nito, maging si Tito Bale at si Cyrene para magbantay daw. Naiwan kaming mga magpipinsan na Secher at ang dalawang anak na lalaki ng Hari.

Si Tita Steff naman at si Mom naman ay umalis para alertohin ang buong syudad.

"Hellartemis I think you should go too."

"No dad. I'm not leaving."

"Dad what's happening?" tanong ng kapatid ko, bumuntong hininga muna si Dad at lumingon sa gusaling nilabasan namin.

"This is a serious matter, now obey me and go."

"No dad we're not leaving you." saad ko "You said this is a serious matter so we'll face this together."

Humarap sa amin si Dad. Hinawakan nya ako sa balikat pati ang kapatid ko.

"Severine go. Find your mom, bring her to a safe place. Or take her home."

"Dad I told you. I'm not leaving you."

"This is an order Severine. Don't make angry." wala nang nagawa ang kapatid ko mabilis syang tumugon at sumakay sa kotse nya para sundan sila Mom.

"Dad we'll just wait here outside?" nanghihinang tanong ko bagamat hindi ko ginagamit ang kapangyarihan ko

"Precisely." mahinang sagot nya habang natingin lamang sa gusali.

Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko sa sobrang frustration. Something's happening and we'll just wait here outside.

Ni wala akong ka ide-ideya kung anong nangyayari, pero base sa ikinikilos nila ay parang napakadelikado ng nangyayari.

Isang napakalakas na tunog ang nakapukaw ng aming mga atensyon dahilan para pare-parehas kaming mapatingin sa isang direksyon. Sumabog ang isang bahagi ng gusali, umuusok ito na halos hindi mo maaninag ang nasa paligid nito. Mabuti at walang ibang nilalang ang nasa loob ng skwelahan kaya walang nasaktan sa nangyari.

Ilang sigundo ang lumupas unti unting humupa ang makapal na usok. Mula dito ay naaninag ko na may isang bulto ang nakatayo dito, bagamat nakatalikod ito sa amin alam na alam kong si Charles ito.

Naalerto ang bawat isa. Biglang nawala ang bulto sa butas maya maya pa ay isa katawan ang humagis mula dito.

Hindi lumapag ng basta basta ang katawan. Habang nasa ere ito ay umayos ito ng pagkakapwesto kaya ng lumapat ang katawan nya sa lapag ay ang paa nya ang nakalapat dahilan para hindi sya makaladkad pabagsak.

Tinignan ng masama ng hari ang gawi ng butas na dingding gusali matapos nyang pigilan ang pagdausdos ng katawan nya. Nagpagpag muna sya ng kamay nya bago tumayo at saka pinagpagan din ang kanyang kasuotan.

Isang napakalakas na ungol ang dumagundong sa kapaligiran matapos isang malakas na pagyanig ng lupa ang sumunod. Mula pa rin sa butas isang napakalaking kalansay ang lumabas mula dito.

Ang reaper ni Charles.

Sa kanang kamay nito nakatayo ang binata na blangko pa din ang tingin. Punit punit na ang damit nito na hinahangin hangin pa. Tumalon mula sa butas ang kalansay at dahan dahan na lumapag sa lapag. Makatapos lumapag ay iniwaksi nito ang kaliwang kamay na may hawak na karit at ini-amba sa amin ang talim nito.

"I can't contact him." nabalik ang atensyon ko sa kapaligiran ng biglang magsalita si Dad

"Where's Leticima and John," halata na sa boses ng hari ang pagod

"They're on their way."

"Good."

Sa isang iglap biglang nawala sa pwesto ang hari. Tumingin ako sa paligid pero hindi ko ito makita.

Kamuntikan na ako mapatili nang biglang ihagis sa amin ng malaking kalansay ang karit na hawak nya. Mabuti na lamang at mabilis akong napatalon kaya hindi ako natamaan ganun din ginawa ng iba.

"Hellartemis go away." my dad says to me through mind telepathy

"No dad." sagot ko, lumingon ako sa gawi nya at malungkot syang tinignan

"Please Daughter. I can't afford if something bad happens to you."

"Dad i can't also afford to see and feel if something bad happens to you."

"But it is more painful for the parents to see their daughters or sons get hurting."

Sasagot pa sana akong ulit ngunit muling inihampas ng kalansay ang karit na hawak nito. Inibaba din nya ang amo nya sa lapag na blangko namang nakatingin sa gawi ko.

Biglaan akong nakaramdam ng kaba sa tingin nyang iyun, bagamat hindi ko gustong tumakbo ay nakita ko na lamang ang sarili ko na natakbo palayo ng skwelahan.

Hindi ko alam kung saan ako pupuntahan. Hindi ko alam ang kahihinathanan nito. Basta ang alam ko lang ay takbo ako ng takbo. Para itong walang katapusan na panaginip na walang ginawa kundi ang tumakbo.

Biglang bumuhos ang ulan dahilan para maging mahamog ang kapaligiran. Naging mapuno din ang lugar na napuntahan ko. Marahil ay ito ang bandang kanluran ng syudad kung saan ito ang parte na mapuno. Ito ang gubat na bahagi ng syudad.

Saglit akong tumigil sa pagtakbo at sinapo ang tuhod ko. Nilingon ko ang paligid, wala akong ibang makita kundi mga puno.

"Hellartemis." napatalon ako sa kinatatayuan ko at agad na sinipa ang humawak sa balikat ko ng makagarap ako. Pagkatapos ko itong sipain sa tuhod dahilan para mapaluhod sya ay siniko ko ang batok nito at mabilis na kinuha ang isang braso nya at ipinulupot papunta sa likod nya ito.

"Awww. Awww. Hell this is me. Law." naningkit ang mata ko sa pagtataka, maliban sa agos ng tubig ulan sa mata ko ay hindi ko din masyadong maaninag ang kapaligiran. Madilim sa loob ng gubat dahil napapaligiran ang paligid ng mga dahin ng puno.

"Anong ginagawa mo dito?" nagbabatang tanong ko, hindi ko pinahalata sa boses ki ang panginginig ko

Bakit nga ba ako natatakot?

Dahil mahina ako. Mahina ang kapangyarihan ko. Nakadipende ang kapangyarihan ko sa iba. At hindi ako maipagtayanggol nito sa iba. Kaya takot akong lumaban dahil alam kong wala akong kakayahang ipagtanggol at ipaglaban ang sarili ko.

Dahan dahan ko syang pinakawalan. Napagpag sya ng tuhod nya at inihilamos ang kamay nya sa mukha nya.

"Nakita kita kanina na tumatakbo papunta dito sa gubat kaya sinundan kita."

Agad nangibabaw muli ang a dibdib ko. Dalawang lugar lamang ang malapit dito sa kagubatan, ang skwelahan at ang simenteryo.

Lumakad sya palapit sa akin kaya agad din akong napahakbang patalikod palayo sa kanya.

"Why are you avoiding me Hell?" Umiling ako at sinamaan sya ng tingin. Bumilis ang galaw ng mata ko at naghanap ako ng pwedeng takbuhan hindi ko kayang magteleport ngayon, nanghihina ako. Kulang marahil ang dugo na nainom ko kanina.

"You are not going ANYWHERE!!!" sigaw nya at agad na tumakbo papunta sa gawi ko ng maramdaman nyang tatakbo na sana ako. Naging mabilis ang kilos nya na hindi ko kayang sabayan. Nahuli nya ako, agad nyang ipinulupot ang braso nya sa bewang ko at isang dahon ang initakip nya sa ilong ko.

Nakakaliyo, masangsang at nakakasuka ang amoy nito. Unti unti bumigat ang talukap ng mata ko. Pero bago tuluyan mawalan ang malay ko ay nakita ko syang nagmamadaling tumatakbo sa gawi namin at sinisigaw ang pangalan ko.

Itinaas ko ang kamay ko para abutin ko sya pero huli na ang lahat. Tuluyan na akong nawalhan ng malay.









To be continued ......

The Vampire's SacrificeWhere stories live. Discover now