Chapter 12: Coronation (last part)

436 30 11
                                    

Chapter 12: Coronation (last part)
Charles's POV

"Pinagtitripan mo ba ako?!" ungol sa akin ng muli ko sya tawagin. Lihim ko syang inirapan at hindi pinansin.

Tsss. Wala naman akong balak na tawagin sya eh kung di ko lang sya kailangan.

Hindi ko sya pinansin at itinuon na lamang ang paningin sa salamin. Wala namang makakaintindi sa kanya. Tanging ako lang ang makakaunawa sa bawat ungol na gagawin nya.

"Demitri pumunta ka sa labas." mabilis na sumunod ang alaga ko sa iniutos ko. Mula sa anino ko ay lumubog sya na para bang tubig lamang ang inaapakan nya, matapos ay lumitaw sya sa labas ng makapal na salamin.

Tinignan ko ang mukha ng tatay kong matigas ang ulo. Seryoso syang nakatingin sakin kaya inirapan ko na lang sya.

Tsk. Kung bakit ba naman kasi eh. Kung alam ko lang na magiging hari tong lalaking to hindi na ako papayag na maging anak nya. Masyadong hassle.

Kakaumpisa pa lang nya ng pagiging hari ang dami ng pinapagawa.

-______________-

At ang hilig pa nya akong pahirapan. Ang dami nyang kundisyon para lamang sa relasyon namin ni Lynyx.

Pumayag na akong maging isang Heteo. Ang Cartridge kong apelyodo ko dati ay naging pangalawang pangalan ko na lang.

"Grimmoire frozen lightning!" sigaw ko at saka iniitsa ko ang kamay ko sa ere

Umungol naman muna ng malakas ang alaga ko bago nya binuhat pataas ang karit.

Ang kaninang itim nyang armas ay naging kulay pilak. May kuryenteng namumuo sa dulo nito.

"Demitri infinite shadow!" sigaw ko naman sa isa ko pang reaper. Nawalhan ng kulay ang paligid at tanging kadiliman lamang ang iyong makikita. Samantala may isang itim na portal ang nakabukas sa ulunan ni Demitri. May mga laso na nakapalibot sa portal na nasa ulunan nya. Wala nang sinayang na oras si Grimmoire at pinatama na ang karit sa salamin.

Bumaon ito ng kaunti sa salamin na agad naman sinundan ng atake ni demetri. Gamit ang walang hanggang laso ng anino ay naggawang pasukin ni Demitri ang tinira ni Grimmoire. Bagaman nalaban ang salamin ay hindi ito hinayaan ng dalawa at nilabanan nila ang pwersa.

Naglabas pa ng maraming laso si Demitri and this time mas makapal na sya.

"Elumina regreta!" pagkabigkas ko nun, ang mga makakapal na lasong kakalabas nya ay naging mga tanikala.

Ang dalawang dulo nito ay mabilis na gumapang na akala mo ay mga ahas na may sariling buhay. Mabilis nito tinuklaw ang salamin dahilan para unti unti ng magkalamat ito.

"Grimmoire! Blazing sigma!" ang nakalapat na karit ni Grimmoire ay unti unti lumiwanag hanggang sa maging nakakasilaw ito. Nang mawala ang liwanag naging malinaw na muli ang imahe ng armas at ito ay nakatagos na sa kabilang parte ng salamin.

Ang mga kadena ay mabilis na gumapang at pinalibutan ang salamin. Nagmukha itong ugat na galit na galit.

Nang tuluyan ng mapalibutan ang salamin ay napanatag na ako. Itinaas ko ang kanang kamay ko at pinagpahinga na muli si Grimmoire.

"Demitri. Destroy." bulong ko. Unti-unti ay umandar ang mga kadena papunta sa iba't ibang direksyon. Pabilis ng pabilis hanggang sa tuluyan ng mabasag ang salamin. At hindi lamang simpleng basag ang nangyari bagkus ito ay napulbo.

"Nakakabilib! Napakagaling!" narinig kong sabi ni Tito Bale habang napalakpak. Isa-isa, hanggang sa dumami na ang nagsisipag-palakpakan.

Kitang kita at bakas sa mukha ng mga bampira na nandito ngayon sa bulwagan ang takot at pagkamangha.

The Vampire's SacrificeWhere stories live. Discover now