Chapter 6: Runaway Lullaby

517 34 14
                                    

(A/N: Ang sarap makita ang gantong status. Picture sa gilid. Hahahaha. At pakibasa po ang Bangtan Boyfie. Labyu!)

Chapter 6: Runaway Lullaby
Hell's POV

Walang alinlangan ay naupo sya sa upuan katulad ng utos sa kanya ni papa. And worst sa tabi pa ng upuan ko.

Bwiset!

Hindi ko alam kung bakit ang init ng ulo ko sa kanya pero hindi ko talaga mapigilan! Nanggigil talaga ako at nag iinit ang ulo ko sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha nya.

Napansin ko na nakatingin sa akin ang kapatid ko ng marealize ko ang pwesto ko na nagbabalak na umupo pero napatigil ako ng umupo sa tabi ko si Charles.

Kinompose ko muna ang sarili ko at umayos na ng upo.

"What brought you here Charles?" cold na sabi ni Dad

"I'm here to apologize Sir about what Cyprus did."

"Hindi mo na kailangan. Ang dapat nyong gawin ay sabihin iyan sa tatay na nanay nyo ng mapigilan habang maaga pa ang pinaggagagawa ng mga batang ito." at tumingin sya sa kambal ko ng masama

"I understand sir. But still we still want to apologized about what happened."

"Kwinento sayo ng kapatid mo?" cool na tanong ni Mom

"No. Cyprus tells mom about it."

"Uhhmmm. Okey, kumain ka na muna Charles bago ka tumuloy."

"Thanks but no thanks tita. Alam kong may pag uusapan pa kayo." sagot nya sabay tingin kay Seven "Isa pa mukha kailangan ko na talagang umalis at may nag iintay sa akin." dugtong pa nya matapos ay tumingin sya sa relo nya at sabay tingin sa akin.
Hindi ako nag iwas ng tingin bagkus ay sinalubong ko ito ng masama kong tingin.

Iniwas nya ang tingin nya at nagpaalam na kanila mom and dad. Pagkaalis nya ay nagulat ako ng biglang lumipad ang mga kutsilyo sa hapag kainan.

"Hon?! Calm down!"

"Calm down?! Hon kailangan maayos natin itong anak natin. Sumosobra na eh!"

"Oo nga pero kumalma ka!"

Di na sumagot si Dad at nagtiim bagang pinagpatuloy na lamang ang pagkain.

"Anak naman. Ano ba ang gusto mong mangyari sa buhay. Alam namin na nasa college ka na at matanda ka na pero ang mga ginagawa mo, hindi tama."

"Mom, this is fun."

"Fun? Kelan pa naging fun ang gawing laruan ang mga babae anak? Hindi mo ba naisip paano kung may mang ganyan sa Ate mo?"

"Of course mom hindi ako papayag!"

"Hindi ka papayag pero ginagawa mo sa iba? Anak isipin mo. Ang mga babae, ginagalang at iniingatan yan. Hindi iyan pinaglalaruan na parang manika na kapag pinagsawaan mo ay itatapon mo na lang."

"I'm sorry mom and dad."

"I'm done. I have to go." paalam ni dad at humalik sa pisngi ni Mom bago tuluyang umalis.

Tinignan ko ng masama ang kapatid ko. Leche to! Tinuturuan ng kagaguhan si Cyprus. Ayos lang si Cyrus eh pero si Cyprus?

Ng matapos kami kumain ay nag ayos na kami ng kapatid ko papasok. At since grounded sya ay sa akin sya sumabay dahil bawal nyang gamitin ang kotse nya.

"Oh teka sa Biendette yun ah?" sabi nya habang nakatingin sa bintana at tinatanaw ang isang babae

Biendette?

Tinignan ko ang babaeng sinasabi nya at agad na napakunot ang noo ko ng makitang ito ang babaeng kahalikan ng kapatid ko noong isang araw.

Binilisan ko ang pagdadrive ko at ipinarl agad ang kotse ko. Pinababa ko ang kapatid ko at pinapunta na sa room nya. Hindi ko sya kaklase ngayon dahil magkaiba kami ng schedule ngayon. Si veza lang at Mir ang kaparehas ko ng lahat ng sched dahil sila lang ang kacourse ko. Pare-pareho kaming tatlo na Computer Engineering ang kinuha. Samantala Sila Lor at Vladelias ay Fine arts ang kinuha. Ang magkakapatid naman na heteo ay Chemical engineering ang kinuha maliban kay Cyprus na nasawa grade 11 lang ngayon. Si lynx ay educ ang kinukuha. Ang kambal ko na si seven naman ay business add ang kinuha.

The Vampire's SacrificeWhere stories live. Discover now